Huminga na lang ako pagkatapos ko ihatid sila sa labas ng bahay dederetso sina Drake, Eireen at Heiley sa organisasyon para sa kanilang bagong misyon. "Uwi na ako," tawag pansin ni Rufus sa amin nagpa-salamat ako kanina sa kanilang ginawa. "Salamat, Drake, Eireen at Rufus sa tulong nyo kanina nagsisimula na sila sa kanilang masamang binabalak at nalaman na siguro nila kung sino ang ace." nasabi ko sa kanila nasa likod ko ang pamilya ko hinawakan naman niya ako sa kamay. "Sasabihin namin 'to sa nakaka-taas mag-iingat kayo ng pamilya mo," sabi niya sa akin ng maramdaman ko na pinisil niya ang kamay ko. "Hindi kayo magpa-pahinga?" tanong ko kaagad baka magkasakit sila kapag walang pahinga ang kanilang katawan. "Sanay na kami, Leo sa ganitong gawain kapag may gagawing misyon o may pagpupu

