Makalipas ng ilang araw bumalik ako sa kweba para sa pagpupulong kasama ng leader namin. Siya rin dahilan kung bakit nagkaroon ng war noon. "Master Roque Castillo..." bati na lang namin sa nilalang nakatayo sa gitna namin. Yumukod kaming tatlo bago tumayo ng maayos sa harapan nito. Tumitig lang kami sa kanya at pina-upo niya kaming tatlo sa magkabilang side ng mahabang mesa. "Master," tawag ng katabi ko at nag-kwento sa nangyaring pagtatalo sa pagitan namin ni Sheena. "Ako ang nag-utos sa kanya na gayumahin si Leo, Rufus nagpanggap ako na ibang boss." paliwanag ni master Roque sa aming tatlo na kinabigla ko naman kumikilos siya ng hindi namin nalalaman. Sasagutin ko sana ang kaharapan namin nang may humawak sa kamao ko hindi naman ako humarap dahil kilala ko ang amoy. "Bakit?" bulala

