Lumabas na ako nang palabasin na ako ni Mr Demir para tawagin si Lizzete at lumapit sa lamesa nito. "Lizzette, pinatatawag ka ni Sir sa pantry." Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Bakit daw?" Sa akin pa nagtanong hindi ko nga rin alam. "Basta pinatatatawag ka hindi ko alam kung bakit," sagot ko at nilagpasan ko na siya para magtungo na sa lamesa ko. "Diligan time," sinabi niyang narinig ko. Nagkikislig siyang bigla na parang inasinan kaya nilingon ko siya at kita ko kung paano niya pa inayos ang namumutok niyang dibdib na mas itinaas pa. Gusto ko sana siyang tanungin kung tunay ba iyon? Para kasing hindi dahil ang laki at pintog. Saka ano raw? Diligan time? Ano siya halaman? Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan ko na nga siyang tinalikuran. Bumalik na ako sa pwesto ko at naupo

