Lagot ka sa Tatay ko. 2

3576 Words
---2--- "MARCO POLO!! Ano na naman ba yang ginawa mo? Teka bakit hawak mo yang fire extinguisher ha? Saan mo yan ginamit. Ikaw na bata talaga ang pasaway mo." Sabi ng ama ko at nag lakad patungo sa akin.  Napansin nito si OLAF na nakawala na sa pagkaka estatwa nito. Ubo ito ng ubo. Panay mura pa ang lumalabas sa bibig nito. Murang tatapos sa lahat mura.  Akmang lalapitan ni Papa si OLAF ng mabilis kong pigilan ito. Niyakap ko ito ng mahigpit sa may bandang b***t nito. Uy, wag kayong judgemental. Doon ako biglang napahawak sa taranta ko. Hindi talaga yun ang intensyon ko. Shuta kayo. Inosente ako…! "Pa, Wag mong lapitan yan. Duwende yan. Masamang elemento. Mabuti at napuksa ko na sya. Dito ka na lang sa likod ko at akong bahala dyan." Sabi ko rito pero hindi ito nag pa pigil. Chineck pa rin nito ang duwende na sinaktan ko. Naalis nito ang makapal na bula sa mukha ni OLAF at ganoon na lamang ang gulat nito ng makilala nito kung sino iyon. "Pareng Berto! Pareng Berto ikaw nga! Teka anong nangyari sa iyo?" Pag tulong ng aking ama sa duwendeng pinuksa nito. Agad nitong hinubad ang suot nitong sando. Lumitaw tuloy ang mala Greek God na katawan ng tatay ko. Agad nito iyong ipinunas sa mukha ng tinawag  na Berto.  Hindi kasi nito magawang maidilat ang mata dahil punumpuno iyon ng bula.  MANY HOURS LATER noh. Boses ni Sponge bob na pinag halong Gloria Arroyo. Nalinis rin ang pagmumukha nito at kahit paano ay naididilat na  ang mga mata nito. Pulang pula iyon na animo'y isang RAVENA o naka hithit ng sinunog na tsinelas. Masama ang mga tingin ipinukol nito sa akin.  "Kasalanan ng batang iyan kung bakit ako nagkaganito. Sino ba yang putang ina na yan? Halika rito bata at papatayin kitang hayop ka. Hindi ka pinalaki ng maayos ng magulang mo. Ako ang mag tuturo sa iyo ng leksyon! Walang bayag ang tatay mo at hinayaan kang maging sutil! Sino ba yang bata na yan, Pare?" Galit na galit na sambit ni Berto. Mabilis itong binitawan ng Ama ko at tumayo sa harapan nito. Hanggang tuhod lang ni papa si Berto. Tao pa ba talaga ang shutang inang to.. "Anak ko." Maikli pero matikas na sambit ng aking Ama. Agad na natigil sa kakasatsat ang duwendeng itim. Nanlaki ang mga mata nito na pulang pula at nag palipat lipat ang tingin nito mula sa akin at sa ama kong si Captain America. "Awww. Kaya pala ang gwapo rin tulad mo. Biro lang yung kanina, Pareng Trent. Alam mo naman tayo, komedyante. Jusko. Ang cute cute nitong anak mo. Nakakagigil. Feeling ko magkakasundo kami nito. Hehehe." Naduwag na sabi nito.  "Oo, anak ko at inaanak mo yan." Sagot pa ng ama ko rito. Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang mga sinabi nitong unanong ito kanina. Hala, Ninong ko yan? Shuta. “Ah, ganun ba. Kaya pala magaan ang loob ko kanina. Unang kita ko pa lang sa bata na ito. Feeling ko hulog na siya ng langit sa akin. Ito na pala ang inaanak ko. Nak ng pucha.  Kita mo nga naman. Halika, iho. Mag bless ka na sa Ninong mong walang kasing Pogi!’ Sagot nito. Tila nakalimutan na nito na nabomba ko ng fire extinguisher kani kanina lang. “Pogi ba yan, Tay? Eh, anong tawag sa inyo kung pogi yan? Hindi sa panlalait, Tay pero mukha siyang utot na nakulob ng isang taon. Seryoso ba talaga?” Naririmarim ko na tanong dito. Naiiyak na ako kasi ang mga Ninong talaga ni Andrei ay mala greek god gaya ng tatay ko pero ang isang ito. Taong taeng tubol yata ito. Jusko. “Tay, May galit ba kayo sa akin nung pinanbinyagan ako? Bakit si Andrei ang sasarap este ang gagwapo ng mga Ninong. Tapos ako? Nevermind.” Nakanguso kong sambit ko rito. “Mayaman yan.” Wika nito sa akin kaya naman agad kong binitawan ang pag kaka akap ko sa ama ko at nag bless agad sa Ninong kong mukhang kulugo. “Mano po, Ninong. Totoo nga. Ang pogi nyo po. Noong homo sapiens pa lang ang nag lalakad sa mundo.” Pabibong sabi ko rito. “Anak mo nga ito. Putang ina, bastos eh. De joke lang Trent. Ito muna ang pamasko ko sa iyo dahil wala akong dalang cash.” Tugon nito sa akin sabay abot card. “OMG! Credit Card ba ito, Ninong?” Wika ko at inabot ko iyon. Pagka kuha ko ay tinignan ko kaagad iyon at nakita ko ang nakalagay. Beep Card. Agad kong dinampot ang fire extiguisher muli at akmang ihahampas sa bunngo nito. “Eto naman hindi na mabiro. Ito ang 1 thousand, saka na ang kulang. Sige na humayo ka na at lumandi. Amoy na amoy ko ang kabaklaan mong king ina ka..!” Pabulong na tugon nito sa akin. Kaya naman masaya ko na iyong tinanggap at iniwan na sila.  Pupunta ako sa tindihan ni Aling Gloring at papakyawin ko ang paper dolls na tinda nito. Nag paalam na ako sa kanila. “Wag kang lalayo ah. Kila Andrei ka lang sumamang bata ka at maya maya lang ay kakain na tayo.” Paalala pa nito sa akin. “Yes, Dadeeeeee.. Lalalalalala.. Do u wanna build a d***o. “ Kanta ko habang nag kekendeng kendeng pa. Nasalubong ko ang taong pinipig na titingin tingin pa sa akin.  “Bakla ka talaga. Pakendeng kendeng ka pa. Umayos ka nga, Marco. Hindi bagay sa iyo ang mag bakla bakla. Ang pogi pogi mo, tapos ganyan ka.” Saad nito sa akin. “Ako ba nag reklamo na hindi bagay sayo yang mukha mo, ha. Marlou? Ito bang pakendeng kendeng ko, nakatulong ba to para kuminis ka kapag pinuna mo? Hindi di ba. Kaya shuta ka, lumayas ka sa daraanan ko kung ayaw mong samain.” Wika ko sa pinipig na ito. “Napaka laitero mo talagang bakla ka. Kaya ang daming naiinis sa iyo. Ayoko na talaga na maging kaibigan kita. I hate you..!” Sagot nito sa akin. Sabay takbo papunta sa bahay ng mga ito. “Shuta. Hindi naman tau mag kaibigan. Amfeeling neto.” Wika ko at nag patuloy na lamang ako sa paglalakad.  Kakatapos lang ng training namin ni Kuya Waki. Pansamantala muna iyong inihinto dahil kakauwi nga lang ng Tatay ko. At may gagawin daw ito isang teleserye na bahagi ito. Unti unti na kasing gumagawa ng pangalan itong si Kuya Waki. Ramdam na ramdam ko na sisikat ito.  Napaka swerte talaga ng kaibigan kong si Andrei sa mga Bayaw at Ninong nito. Samantalang sa akin, mukhang fetus pa ang isa. Shuta. Unfair talaga. Nakarating na rin ako sa tindahan ni Aling Gloring. Naabutan ko pa nga roon si Ricos. Ang baklang ito. Hindi na sumasama sa amin. Kay Agripinang walang tite na sumasama. Shuta to “Hi Marco Polo.” Wika ni Agripina sa akin. Sinamaan ko lamang ito ng tingin. Ang laki laki ng boobs nito, ang lakas ng loob mag muscle tee. Nakakarimarim! Wala pang suot na bra. Shuta na ito ang itim ng u***g nakabakat pa. Ewiw! “Bakit naka ganyan ka. Hindi mo ba alam na dalaga ka na. Tignan mo yang boobs mo, naka bakat pa yung pasas mong u***g. Shuta ka.! Nakakadiri. Eiw. ANg jitim jitim.. Kinikilabutan ako.”Sigaw ko rito. “Ano ka ba, eto ang uso ngayon. Nakikita ko ang mga kalalakihan sito sa baryo natin na ganito ang suot. Naka teslan na nike short na sobrang iksi at muscle tee. Bagay naman sa akin ah. Diba, Ricos.” Wika nito at kinuha pa ang opinyon ng kaibigan namin. “Oo, wag mong intindihin yan si Marikit. Naiinggit lang yan sa iyo.” Tugon ni Ricos rito. “Shuta. Bakit naman ako maiinggit dyan. Saka ikaw nga Ricos. Bakit hindi ka na sumasama sa amin nila Samjo at Andrei. Ano galit ka pa rin. Sinisisi mo pa rin si Boss. Aba mahiya ka naman Ricos. Nakakahiya talaga sa iyo.” Sagot ko rito. “Alam ko iyon at hindi ako galit. Mas sinisisi ko ang sarili ko. Naiinis lang ako kasi parang ang bilis niyong maka move on at kinalimutan na sila.” Sambit nito sa akin. “Oh, di umamin ka rin na naiinis ka. Wala kaming kinakalimutan, gago. Kung makapag inarte ka dyan. Ikaw lang ba nawalan? Tandaan mo. Mas masakit kay Boss yun. Walang wala yan sa nararamdaman mo.” Pang tatrash talk ko sa hayop na ito. “Oo na. Oo na. Hayaan mo muna ako. Bakit ka ba nandito kasi?” Napipikon na sambit nito sa akin. Masaya na ako at napikon ko ito.  “Bibili ako ng paper dolls. KAsi binigyan ako ng Ninong ko ng 1 thousand. Oha, meron ka ba nito Agripina. Wala.” Wika ko kay Ricos. Kitang kita ko ang pag ningning ng mga mata nito. “Ano ba yan, ang laki laki mo na. Nag lalaro ka pa ng paper dolls.” Pang asar sa akin ng baboy damong ito. “Ikaw nga naglalaro ka pa rin ng luksong baka kahit baboy ka. Luksong baboy dapat yun, pero pinakialaman ko ba. Kaya manahimik ka dyan, nagdidilim ang paningin ko sa iyo. Lubay lubayan mo ako AGRIPINA. Shuta ka…!.” Gigil na sambit ko rito. “Oo na, to naman. Hindi na mabiro. Sige sama kami sa yo ni Ricos.:”Saad nito sa akin. Tinignan ko lamang ito na parang tinubuan ng dalawang betlog sa noo. Lumapit naman sa akin si Ricos.  “Aling Gloring pabile naman ng paper dolls. With S kasi marami akong bibilhin.” Wika ko kay Aling Gloring na tindera sa umaga, labandera sa tanghali at napapabalitang manananggal sa gabi. “Uy, Marco.. Himala at may pera ka. Saan mo na naman iyan nakuha.” Chismosang chismosa ang dating nito. Hawig talaga nito si Gloria arroyo. Masyadong malaki lang ang nunal nito na sinakop na yata ang kalahating mukha nito. “Naman, Aling Gloring. Osya na, pag bilhan mo na kami. Isang balot na. Ibigay mo na sa akin yan at bibilhin ko. Kasama na buhay mo. Charot. Magkano ba lahat yan?” Tanong ko rito. “Otsenta lang. Ang yaman mo naman. Ay teka nga pala, nakita ko ang Itay mo na nandyan na. Kailan naman siya bibili rito ng tinda ko. Sabihin mo kinakamusta ko siya.” Malanding saad ng gurang na ito sa akin. Inabot ko ang bayad ko rito at hindi inintindi ang sinabi nito baka maipalo ko lang si Agripina dito. Nakuha pa nitong lumandi sa Tatay ko. Hindi ba nito alam na kaya nga ako narito, na isang dyosa nabili sa harapan niya ay dahil may asawa na ang tatay ko. “Ah, ipapaalala ko lamang Aling Gloring. Kabatchmate mo po si Enrile at Ninang Vicky hano. Pa 1 milyon years old na kayo. Maawa naman kayo sa tatay ko. Amoy alcampor na po kayo.” Hindi ko na natiis na sabihin rito lalo na ng makita ko ang suot nito ng dumukwang ako.  Naka lingerie si gurang. Tamang kasuotan ba iyon habang nag titinda. Halos sumayad na sa lupa ang s**o nito sa pagkalawklaw. Shuta.! “Ang malisyoso mo mag isip. Mangangamusta lang ako sa Tatay mo. Saka mas matanda sa akin si Vicky noh. Nang Sampung taon. Excuse me.” wika nito na galit na galit at kinuha na ang bayad ko. Deadma ako rito matapos makuha ang sukli. Nag lakad na kami palayo nila Ricos at Agripina habang hinahatian ko sila ng peper dolls. Paalis na sana kami ng madaanan namin ang mga dayo na nag iinuman sa tapat ng bahay ni Aling Nena. Mga taga syudad. Bisita siguro ito ng asaw ni Aling Nena na si Mang Tiburcio. “May mga baklita pala rito. Hahahaha. Mga lalaking bakla hahahaha. Mat tomboy pa na kasama haha. Putang ina..” Sambit na kamukha ng artistang si Empoy sa amin.  Hindi na sana namin sila papansinin kaya lang bigla kaming hinarang ng isa pang lalaki na katabi nito. Ang tangkad nito kaya lang mapayat. Super laki naman ng ulo. Hindi proportion sa katawan nito iyon. Naging si AGUMON tuloy ito ng DIGIMON sa itsura nito. “Baka naman gusto nyo kami isali sa nilalaro niyo. Hahaha. Ano ba yan?” Tanong nito sa amin.  Umiling iling kaming tatlo at iiwas na sana sa panghaharang nito ng hindi kami nito padaanin. Nang taas na rin ang boses nito. Sa itsura nito ay hindi pa ito lasing. Tila nantitrip lang ang mga ito sa amin. “Bakit naman. Hindi ba kayo nagagwapuhan sa amin, hindi ba mga tropa. Hahahaha.” Dagdag na saad nito sa amin. “Hindi po.” Diretsahang sagot ni Ricos. Mukhang nainsulto naman ang lalaking digimon kaya kinuha nito ang paperdolls na hawak ni Ricos na ibinigay ko rito kanina at pinag pupunit iyon. “Bastos kang bata ka ah. Kaya iyan lang bagay sa laruan mo. Kalalaki mong tao nag lalaro ka nito. Baril dapat nilalaro mo hindi ganito. Ano, iiyak ka na? Matutuwa pa sa akin ang tatay mo kapag nakita niyang dinidisiplina kita. Hahahaha.” Pag mamayabang pa ng gago.  Nagkatinginan kami sa mata ni Marikit. At nakita ko na nangilid ang luha sa mga mata nito. Alam kong hindi ito nasaktan sa pagkapunit ng paperdolls na binigay ko rito. Nasaktan ito sa sinabi nitong salitang TATAY. Wala naman kasing mga magulang si Ricos kaya very iyak iyak mode ito kapag napag uusapan na nag pamilya nito.  Agad akong dumampot ng malaking tipak ng bato sa lupa at binato ito sa ulo. Hindi nito inaasahan ang gagawin ko kaya hindi na ito nakailag pa. Natumba ito sa lupa at mukhang ilang minuto na lamang ang nalalabi sa buhay nito. “AaaAAAAaarrrrrrrrrgggghhhhhhhhh! Ang sakit putang ina kang bata ka…!” Sigaw ng lalaki. Agad na dinaluhan ito ng mga kainuman nito.  “Tang ina nyo ah. Mga sutil kayong mga bata kayo. Dinididiplina lang kayo.” Wika ng isa pang lalaki na hawig naman ng komedyanteng si Long. “Pre, may dugo.. Tang ina kang bata ka. Napaka salbahe mo. Dapat sa iyo ay tinuturuan ng leksyon.” Sabi pa ng isang lalaki at kinalas nito ang sinturon nito na nakasuot sa pantalon nito at mabilis ako nitong hinampas. Lumatay sa katawan ko ang sakit ng paghampas nito. Nakatatlong palo pa ito sa akin bago ko nahawakan ang sinturon nito at hinila iyon ng malakas rito. Napasama ito sa pag kakahila ko kaya naman napasubsob ito sa lupa.  Sa pagkakadapa nito ay agad pinag sisipa ni Ricos ang mukha nito. Todo sipa iyon rito. Panay ang mura ng lalaki at igik sa sakit ng mga pagtama ng paa ni Ricos sa mukha nito. “Ang tatapang niyong mga putang ina kayo. Ang babata nyo pa. Hindi nyo yata kami kilala. Humanda kayo sa amin.” Wika ng pinaka leader ng mga ito. Si Bembol Roco. Hawig na hawig nito ang kontrabidang artistang iyon. “Agrippina, tumakbo ka na.!” Sigaw ko rito. Nanginginig naman itong napatango. Haharangan pa sana ito ng dumampot ako ng buhangin at sabuyan ko sa mata ang kupal na iyon. “AAAAaaHhhhHHhh… ang mga mata ko..!!! Putang ina nyo. Mata niyo lang ang walang latay. Ang sakit. Hindi ako maka dilat. AAAHHhhHHHhhhh.h.. Putang ina…!” Wika nito na napaluhod dahil sa ginawa ko. Nagkatinginan kami ni Ricos muli at sabay na pumatango. Hindi kami papayag na mahuli nyo mga ulol..! Kailangan namin makatakas. Dalawa naman na ang tumba pero apat na malalaking tao pa rin ang kalaban namin. Paano naman kami manalo sa kanila.  Sa mura namin at sariwang katawan. Shuta. Mabuti na lang at nakapag training na kami bawat isa. Kaya naman kahit paano ay nalalansi at nauunahan namin sila at hindi kami mahuli huli. Kailangan lang talaga namin silang malusutan. Tinag dalawahan pa kami ng mga kupal kaya naman nahihirapan kami ni Ricos. Nang dadambain na ako ng dalawang lalaki ay mabilis akong lumusot sa pagitan ng hita ni Bembol roco kaya naman nalusutan ko na ang mga ito. Nakita iyon ni Ricos kaya ganun rin ang ginawa nito. Nautakan at nalusutan namin silang dalawa. Mag sasasaya na nga sana kaming dalawa ni Ricos at bebelatan sana sila ng makita ko na nag laglagan ang sukli ko sa 1 thousand kasama ang paper dolls ko. Shuta. Akmang kukunin at babalikan ko iyon ng kuhanin iyon ni Bembol Roco. “Mga Pare, may pera pala itong mga baklang ito oh. Hahahaha. May pambanlaw na tayo. Hahahahaha.” Sigaw nito na natatawa. “Akin yan! Pera ko yan mga gago kayo.!” Sigaw ko rito. Napalingon sila sa amin. At napangisi lalo na sa galit na galit kong mukha. “Amin na ito ngayon. Hahahaha. At etong paper dolls mo. Ito ang nababagay rito.” Kumuha ito ng basong tubig at binuhusan nito iyon, dahilan para mabasa ang paper dolls ko. Akmang susugod ako sa kanila ng pigilan ako ni Ricos. “Baka mapahamak ka pa. Isumbong na lang natin sila kila Boss o kay Kuya Jack o kay kuya Mage o sa kahit sino sa kapatid mo. Tara na, Ate.” Sambit nito sa akin. Mahigpit ang pag kakahawak sa akin nito at halata ang takot sa boses nito. Matigas man ang ulo ko pero hindi ako tanga. Tama ito. Hindi namin sila kaya. Masyado silang malalaki sa amin. Wala kaming laban. Baka hindi lang ako mapahamak, maging si Ricos rin kung mag pupumilit pa ako. “Hoy!  Tandaan nyo tong mga mababahong panget kayo. Isusumbong ko kayo sa Tatay ko…!” Sigaw ko s amga ito sa sobrang galit. Humanda kayo ng mga chararat kayo..! “Eh, di mag sumbong ka sa Tatay mong panget..! Bwahahahaha…” Sigaw ni Bembol Roco na natatawa pa sa akin.  “Hoooy..! Hindi panget ang Tatay ko. Kahit nga libag nun mas lamang na lamang pa rin kaysa sa mga itsura niyo. Gago..! Chaka…! Tara na, Ricos. Humanda talaga kayo..” Nanggagalaiti kong sambit sa kanila sabay hatak kay Ricos pabalik sa bahay namin. Habang naglalakad ay nakasalubong namin si Ninang Vicky. May dala itong walis tambo.  “Patay, nakalimutan ko pala ang inutos ni Nanay Vicky sa akin. Punyatera..! Mauna na ako, Marikit. Ikaw na lang ang rumesbak sa atin sa mga iyon.” Sambit ni Ricos sa akin. “Ikaw na bata ka, inutusan kitang bumili ng whisper with wings. Nakatulog na ako’t lahat lahat wala ka pa rin. Gago ka..! Halika ritong bata ka..” WIka nito habang piningot ang tenga ni Ricos ng malakas. “AAaahhraaaaaaaayyyy.. Nanay Vicky, sorry wala naman na po kasi kayong regla eh. Bakit po ba kasi nabili pa kayo nun. Nasasayang lang ang pera nyo. Aaraaaaayyy…” Sagot pa ni Ricos rito na narinig ko. Hindi ko na inintindi pa ang mga ito at dumiretso na lamang patungo sa bahay namin. Naiinis pa rin ako dahil yung pera ko at paper dolls ko. Huhuhuhu. .Kailangan kong mabawi iyon. Shuta..! Natatanaw ko na ang bahay namin. Sana lamang ay hindi umalis si Tatay kasama si Ninong Fetus. O di kaya sana nandyan sila Kuya Mage. Piping dalangin ko habang papasok na sa bahay namin. Kita ko sa bakuran namin na wala na sila Tatay at Ninong. Mukhang nakaalis na ang mga ito. Paano na ang pera ko. Huhuhuhu. Shuta naman eh. Pero pumasok pa rin ako sa kabahayan namin para makasiguro. Baka naman nasa loob si Tatay at may inaayos sa likod bahay namin. Madalas kasi natambay ito roon at kung ano ano ang kinakalikot at inaayos. “Tatay..! Tatay nandito ka ba? Tataaaaaay…!” Sigaw ko pero walang nasagot. Sinubukan kong pasukin ang mgg silit ng mga kuya ko pero maging sila ay wala rin roon. Shutainames. Kaya lulugo lugo ang mga balikat ko na pumaupo na lang sa may hamba ng pintuan namin sa labas. Nakatanaw sa may bakuran namin. Pera na naging bato pa. Nakakainis. Huhuhu.  Kila Andrei kaya. Tama doon na lamang ako hihingi ng tulong baka naroon si Kuya Jack. Pulis ito kaya mababawi nito ang pera ko at baka ikulong pa nito ang mga siraulong iyon. Basta ipakita ko lamang ang latay ko sa braso. Magagalit na iyon. Tama, tama.  Dali dali na akong tumayo at tatakbo na sana patungo sa bahay nila Andrei ng makaramdam ako ng pananakit sa pantog. Naiihi ako.  Kaya pumunta muna ako sa may palikuran namin para umihi sana. Subalit napahinto na lamang ako ng makarinig ako ng mga kakaibang tunog na parang nahihirapan. Bigla akong kinabahan dahil baka may maligno na roon. Shuta…! Tatakbo na sana ako paalis roon ng maulinigan ko ang boses ng Ninong Fetus ko. Kahit kanina ko lamang ito nakita ay natandaan ko na ang boses nito. Hindi ako pwedeng mag kamali na siya ito. Teka? Anong ginagawa nito roon at bakit tila nahihirapan ito at panay ang pagtungayaw. “AHHhHHHhhhhhhhhh…Maragul ka butu, Pare.. AHHhhHHHHhhhhhhHhh… baon na baon sa butas ko ang b***t mo.. .AHHHhHHHHHHhhhHHHHh… Taknaydamo…! AHHHHhhHHHh..! AHHhHHHHhhHHhhhhhhhhh… s**t…! AHHhHHHHhhhhhhh..” Sambit ni ninong na hindi ko maintindihan. Kaya naman pumalapit pa ako sa may talahiban kung saan naroon malapit ang banyo namin. At ganun na lamang ang laki ng mata ko ng makita ko kung bakit nagmumura ito. Shutainames…!  Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD