Chapter Forty Five Halos every month kung bumisita si Travis kay Yoko. Kaya naman pala kampante ito noon na ma-i-su-survive nila ang long distance relationship, dahil magsusunog naman pala ito ng pera para madalas makita at mapuntahan si Yoko sa Australia. Nagtataka na nga si Yoko kung maayos pa ba ang takbo ng kumpanya nito kahit madalas itong wala eh. Pero ayon naman sa kapatid nitong si Troy, buhay na buhay naman daw ang Maghari Empire at malaki rin ang sales nito sa kasalukuyang taon. Kaya naman siguro kampante si Travis na umalis alis at iwan madalas ang kumpanya. Dahil patuloy naman iyon kikita kahit na wala siya. Nakapagpaalam na rin siya sa Boss niya na magbabakasyon siya ulit sa December sa Pinas para magpakasal. Pinayagan naman siya. She'll just work remotely if they need he

