Kiana POV
Ilang araw narin kaming nakakulong dito at hanggang ngayon wala parin ang mga lalaki sa grupo namin kaya patuloy parin kaming nangangamba kung nasaan na sila at kung ayos pa ba sila. Nalaman narin namin kung anong uri silang tao, isa silang mga bampira kaya naman pala ang tutulis ng mga ngipin nila.
Balita ko ay may kasiyahan daw sila dito mamaya kaya napapansin ko na aligaga ang mga bawat tao dito.
"Nasaan na ang mag-aayos saakin!!" Narinig ko namang sigaw ng boss nila na nakilala ko sa pangalang Chase. Sabi nila si Chase daw ng pinakamalupit na bampira sa kanilang lahat dahil kaya nyang pumatay ng hindi bumababang isang libong tao sa isang araw pero minsan lang ito nangyayari kapag galit na galit sya at isang beses palang daw ito nangyayari nung araw daw na pinatay ang mga magulang nya ng mga tao at ayun din ang dahilan ng pagkamuhi nya sa mga tao at ayun din ang sanhi ng pagkarami ng lahi ng mga bampira dito.
"Boss pasensya na po may sakit po kasi ang mag-aayos sainyo kaya hindi nya po kayo maaayusan dahil baka mahawa daw po kayo" Rinigi ko naman ang takot ng isang babae na katulong yata dito sa boss nila na galit na galit parin at parang papatay na.
"Hanapan nyo ako ngayon na ng mag-aayos saakin!!!" Galit na sambit nito at padabog na umakyat sa kanyang silid
"Teka saan tayo hahanap ng mag-aayos kay boss?" Tanong naman ng katulong na kausap kanina ni Chase sa kasama nyang katulong din.
Naalala ko nung inayusan ko ang kaibigan ko noong 18th bday nya,gustong gusto nya ang ayos ko sakanya na kulang nalang ay ayaw nya na tanggalin ito pagkatapos ng kanyang selebrasyon. Kahit na sinong kaibigan ko mapa-lalaki man o babae ay inaayusan ko kapag may mga pupuntahan ang mga ito.
"Ako nalang po ang mag-aayos sakanya" Sambit ko kaya napatingin naman ang dalawang katulong saakin at ang mga kaibigan ko saakin.
"Pero hindi ka pwede dahil ikaw ay isang bilanggo at bawal ka namin pakawalan dito dahil magagalit si boss saamin kapag ginawa namin yun" Naalala ko nga pala na bawal kami lumabas sa kulungan.
"Dalhin nyo nalang sya kay boss kesa naman walang mag-ayos kay boss edi maslalong nagalit yun" Tumango naman yung mga katulong kay Valeria at pinakawalan naman ako ng mga katulong ,tumango nalamang ako sa mga kaibigan ko na hinang hina parin dahil hindi pa kami kumakain simula kahapon.
"Gawin mo ang gagawin mo at wag ka gagawa ng masama na ikagagalit lalo ni boss" Sambit naman ni Valeria bago ako sinamahan ng mga katulong palabas ng kulungan
"Teka ayos lang ba na ganito ang itsura ko at ang damit ko, madumi na kasi ako at mabaho pa baka magalit sya lalo"
"Pupunta ka muna sa banyo ng mga katulong at maligo at magbihis na muna bago ka pumunta sa silid ni boss" Tumango nalamang ako at sumunod sa mga katulong. Kahit nakalabas ako ng kulungan hinding hindi parin ako makakatakas dahil marami ang mga nakabantay sa loob ng bahay.
"Ito ang susuotin mo bilisan mo baka magwala si boss sa tagal ng mag-aayos sakanya, hihintayin ka namin dito sa labas ng banyo" Pagkatapos nila sabihin yun sinara ko na ang pinto ng banyo at nagsimula ng maligo. Pagkatapos ko naman maligo nagbis na ako at lumabas sa banyo suot ang binigay nilang damit saakin na pants na itim v-neck tshirt na itim din ang kulay pinasuot din nila saakin ang isang flat shoes na itim. Wala na silang gamit dito na hindi itim? Corny kasi ng mga suot nila dito...
"Tara na sa kwarto ni boss dahil kanina pa sya nagrereklamo na sobrang tagal daw ng mag-aayos sakanya" Arte naman pala niya masmaarte pa yata sa babae.Tumango nalamang kami at umakyat na kami sa silid ni Chase. Kumatok ang yung isang katulong na papasok na ako at narinig ko naman si ito na nagsabi na papasukin na ako .Hindi nya pa alam na ako ang mag-aayos sakanya dahil hindi naman sinabi ng katulong kung sino ang mag-aayos sakanya.
Pagkapasok ko sa kwarto nya namangha ako sa disenyo ng malaking kwarto nya.Kulay itim at puti ito at sobrang linis doon at parang wala kang makikitang kalat o kaya alikabok sa sobrang linis.Nakita ko naman sya na nakatalikod kaya hindi nya pa alam kung sino ang mag-aayos sakanya.
"Pwede po ba kayong humarap?" Ilang sandali pa ay lumingon na sya at sabay nun ang paglaki ng kanyang mga mata.
"Teka bakit ka nandito at sino ang nagsabi sayo na pakawalan ka?" Gulat nitong sambit.
"Wag nyo nalang po tanungin.Sisimulan ko nalang po kayong ayusan at pagkatapos po nito ay babalik narin po ako sa kulungan,wag po kayong mag-alala wala naman po akong balak na tumakas"Sabi ko habang papalapit sakanya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon nya o hindi pero pinilit ko nalang na wag tumawa o kaya ngumisi baka kasi mapatay nya pa ako
Inayos ko muna yung mga gamit na pinadaka saakin ng mga katulong na gagamitin ko daw sa pag-aayos kay Chase.Habang inaayos ko ang mga gagamitin hindi ko maiwasan ang hindi tumgin sakanya pero iniiwas ko agad ang aking tingin dahil tumitingin din sya saakin.
"Sisimulan ko na po"Sambit ko at nakita ko naman na tumango sya kaya sinimulan ko na ang paglalagay ng kaunting pulbo sa mukha nya
Nanginginig ang aking kamay sa bawat dikit nito sa mukha ni Chase.Ikaw kaya itong mag-ayos sa isang malupit na bampira baka mamaya mapatay pa ako neto kapag nagkamali ako sa paglalagay
"Masmaganda kung light lang ang ilagay kong make up sayo dahil hindi ka naman babae.Kaunting ayos lang sayo okay na"Sambit ko habang nilalagyan ang labi nya ng kaunting lipstick para pumula ng kaunti ang labi nya.Naiilang ako sakanya dahil nakatitig lamang sya saakin habang minemake up-an ko sya.
"Okay na"Nakangiting sambit ko habang tinitignan ang kabuuang mukha nya.
"Teka saan na po yung suot nyo?"Tanong ko dahil hindi parin natanggal ang kanyang pagkakatitig saakin.
"Magbibihis na ako"Buti nalang nawala na ang titig nya at tumayo na sya at may kinuhang itim na kasuotan sa higaan nya saka sya pumunta sa banyo.
Nang natapos na sya magbihis narinig ko ang pagbukas ng banyo at ang pagsara nito nakita ko agad sya suot ang isang itim na long sleeves na polo at itim na pants at ang itim na sapatos.Mukha talaga syang bampira dahil sa suot nya.
"Ayos na ba?"Tumango nalamang ako sakanya at tinitigan sya pababa at pataas.Kung tutuusin gwapo talaga sya pero pangit nga lang ang ugali nya.
"Ayos na ayos po"Nakangiti kong sambit."Babalik na po pala ako sa kulungan" Lalabas na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Thank you. Paano kita masusuklian sa ginawa mo?"Humarap naman ako sakanya at nagsalita..
"Hindi lahat ng tulong kailangan suklian pero kung gusto mo ako suklian bigyan mo kami ng mga kaibigan ko ng pagkain at sabihin mo saakin kung saan mo pinunta ang mga kaibigan namin na lalaki"Humalakhak naman sya
"Bibigyan ko kayo ng pagkain pero ang tanong mo ay hindi ko muna masasagot"Sambit nito na ikinainis ko
"Bakit mo ba ginagawa saamin ito wala naman kaming gagawin na masama noh"Nakita ko naman na humakbang sya palapit saakin
"Oo nga wala naman kayong gagawin na masama pero may dahilan ako kung bakit ko kayo kinulong dito"Inirapan ko nalamang sya at padabog na lumabas ng kwarto nya.Kahit boss sya dito at sya ang ang hari dito wala akong pake sakanya kung galit ako hindi ko mapipigilan ang galit ko kahit sino at ano ang katungkulan nya dito. May ganito akong ugali kaya pagpasensyahan nila ako dahil kinulong nila ako dito.
Bumalik na ako sa kulungat at pagbalik ko ang naabutan ko ay........
------------to be continued------------