"Nakapagpasa ka na ba sa Science? " stress na tanong ni Liz.
"Hindi pa, pero tapos ko na 'yon. Baka maya-maya mag-pass na ako. " kaswal kong sagot.
Ginulo ni Liz ang buhok niya at sumandal sa akin. "Hayy pota, napakadaming gawain. " pagod niyang sabi.
I sighed. Malapit na kasi mag-christmas break kaya tinatambakan na kami ng mga gawain. Sunod sunod pa na roleplay ang ipinapagawa sa amin para sa iba't ibang subjects. Hindi ko rin ma-gets kung bakit 'yun ang pinapagawa sa amin. Last time I checked hindi naman pag-aartista ang pinasok namin. Jusko, even sa Science may roleplay!
"Tara na lang sa court, naglalaro ata sila Paul do'n ngayon, " aya ko sa kaniya.
Napaayos siya ng upo at humarap sa akin. "Kaya pala hindi na naman natin kasama si Neil, e. Nambo-boys na naman. " she pouted and rolled her eyes.
Tumayo na lang kami at sabay na naglakad papunta sa court. Bilib din ako sa mga tropa namin na 'to e. 'Di ko alam kung saan pa sila nakakakuha ng time mag-basketball. Tapos kapag malapit na ang deadline magc-cram. Ako ang naii-stress sa ginagawa nila. Kapag pinagalitan mo naman, mga hindi naman nakikinig.
Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng miryenda namin ni Liz at ng tubig para sa tatlong kumag. Binilhan na rin namin si Neil ng fishball dahil magrereklamo na naman 'yon kapag wala kaming dala para sa kaniya.
Pagkarating namin sa court ay nakita naming nagkukumpulan na naman ang mga grade 7 at grade 8 na nanonood sa kanila. Napa-irap ako. Akala mo namang crucial game 'tong pinapanood ng mga baby girls na 'to kung magkumpulan sila, pustahan lang naman ata ng ice tubig 'yon.
Nang makita namin si Neil ay nagtungo kami sa pwesto niya. Jusko isa pa 'to. Kung maka-cheer wagas. Nagpapa-cute lang naman sa crush niyang kalaban ng mga kaibigan namin.
Hinampas ko siya pagkalapit ko sa kaniya at inabot ang fishball. "Hoy, bakla ka ng taon! Sino ba talaga chini-cheer mo diyan? " tanong ko at umupo sa tabi niya. Umupo naman si Liz sa kabilang side niya kaya napapagitnaan namin siya ngayon.
"Ano ba siyempre eme lang na nandito ako para kila Waks, nandito talaga ako para dun oh, " sabi niya habang itinu-turo pa ang lalaking bet niya.
Parehas kaming napatingin ni Liz sa itinuro niya. Napa-ohh kami sa crush niya. Infairness talaga sa taste ni'to e.
"Hala oo nga, ang papi. " manghang wika ni Liz habang sumusubo pa ng kwek kwek.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi namin napansin na tapos na pala ang laro kaya nagulat na lang kami nang nasa harap na namin sila. Inabot naman namin ang mga tubig na ibinili namin para sa kanila.
"Tubig lang? Asan kwek-kwek namin? " pabirong saad ni Bryan.
"Aba! Buti nga naawa pa kami at binilhan kayo ng tubig! Kung hindi share share na naman kayo sa isang ice tubig! Kadiri! " mataray na sagot ni Liz.
Tumabi sa akin si Joaquin at ipinahawak muna ang bag niya habang umiinom ng tubig. Tumingin ako sa kaniya at kitang pawis na pawis siya kaya inabot ko ang panyo ko. Inabot niya 'yon at ngumiti sa akin.
"Thanks. " nakangiti niyang tugon.
"Tapos na ba kayo sa mga school works at ang lakas ng loob niyong mag-basketball? " tinaasan ko sila ng kilay.
They all shrugged. "Tsk, kaya 'yon, " kaswal na sagot ni Paul.
Tahimik lang na nakikinig at nakikitawa sa amin si Joaquin nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong. "Sino 'yung tinitingnan niyo kanina? "
I glanced at him and immediately looked away when I saw how close our face was.
"Crush ni Neil. Ang cute nga e. " pabulong kong sagot at saka ngumisi. Pero siyempre napogian lang ako, 'no! Hindi ko aagawin dahil malamang e sasabunutan ako ng bruhang 'yon kapag nangyari 'yon!
Tinaasan niya ako ng kilay at hindi na sumagot. Makalipas ang ilan pang minuto ay napagdesisyunan na naming bumalik na sa room para kunin ang mga gamit namin. Wala kasi kaming teacher kanina dahil nagkaroon daw siya ng emergency, kaya ayon nagkaroon kami ng free time. Buti nga walang iniwan na gawain e, nakahinga kami sa maraming mga gawain kahit papaano.
Pagdating namin sa room ay mga cleaners na lang ang naiwan do'n. Binatukan pa ng isa naming kaklase si Bryan dahil cleaners pala siya at hindi man lang tumutulong. Buti na lang wala akong kasama sa cleaners na kaibigan ko kasi aawayin ko talaga sila kapag hindi sila naglinis!
"Bry naman! Lagi ka na lang tumatakas maglinis! Ikaw magtapon ng basura ro'n," inis na sabi sa kaniya ni Bea.
Pinagkantiyawan namin si Bryan pagkasabi ni Bea no'n. Dakilangmagka-away kasi sila sa room dahil madalas mag-ingay si Bryan, e si Bea ang President namin kaya naman sobrang kunsumido siya rito.
"Tsk, tama ba 'yon laging tumatakas? Kung ako sa inyo Bea i-extend niyo ng isang linggo paglilinis niyan, " sabat naman ni Joaquin.
"Chura mo, Waks! E isa ka rin namang tumatakas kapag cleaners! " singit ni Liz.
Nagtawanan kami sa sinabi ni Liz. Lalo na si Paul, tawang tawa siya jusko. Napakababaw talaga ng kaligayahan neto kahit kailan.
Biglang namang may sumilip sa pinto kaya nahinto kami sa asaran at napatingin kami rito.
"Hello! " masiglang bati ni Celine sa amin at kumaway.
Kumaway ako pabalik at nginitian siya. "Huy, hello!! Pasok ka! " masiglang sabi ko sa knaiya.
Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa isang tabi. Dinaluhan naman siya agad ni Joaquin at tinabihan siya sa upuan.
"Celine pagsabihan mo nga 'yang si Waks! Laging takas sa cleaners! " pabirong sumbong ni Liz kay Celine.
Sinandal ni Joaquin ang ulo niya kay Celine at niyakap ang braso nito, hindi umalma sa pagsusumbong ni Liz at mukhang naglalambing na tuta.
Mahinang hinampas ni Celine ang likod ni Joaquin. "Hayaan mo, Liz. Lagot sa akin 'to. " pabiro niyang sagot.
"Ahhh, wala ka pala e! " pang-aasar naman ni Neil kay Joaquin.
Nag-aasaran at nagku-kwentuhan lang kami sa labas ng room habang hinihintay si Bry matapos maglinis. Halatang halata sa kaniya na labag sa loob niyang maglinis dahil mukha siyang natatae sa itsura niya. Wala lang siyang magawa dahil kung hindi siya tutulong, ma-e-extend ang pagiging cleaners niya.
"Bry, ikaw magtapon ng basura sa baba. " utos ni Bea kay Bryan.
"Amp---"
Mabilis na pinutol ni Bea ang sasabihin niya at tinaasan niya ito ng kilay. "Oh bakit? Angal ka? " mataray niyang sabi.
Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Hindi ho, madam. " ngumiti siya ng peke atsaka umirap pagka talikod ni Bea.
"Ay, Bea iniirapan ka oh! " sigaw ni Paul.
Dali daling nagtungo si Bryan kay Paul atsaka ito binatukan. Hindi na ito pinansin ni Bea at nagpatuloy na lamang sa paglilinis.
"Tangina mo, losing streak ka sana mamaya! " singhal ni Bryan kay Paul.
Makalipas ang ilang sandali ay natapos din silang maglinis at sabay sabay na kaming bumaba. Pinagtatawanan namin si Bryan sa itsura niya dahil sa dala niyang basura.
"Huy, bes! Pakilala mo naman sa'min 'yang kambal mo! " panggagago ni Neil sa kaniya.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Ulol. "
"Takas ka pa sa cleaners ah, " gatong ko sa pang-aasar ni Neil.
Kami ni Neil ang magkasabay maglakad. Nauna na kasi si Liz kanina at pupunta pa raw siya ng Pandayan. Sa likod naman namin ay ang mag-jowang si Joaquin at Celine na tila ba'y nasa sarili nilang mundo. Si Paul naman ay nasa harap namin at patuloy na binu-bwiset si Bryan na nasa tabi niya.
"Hayop, mapapa-sana all ka na lang sa nasa likod natin 'no, " bulong ni Neil sa akin.
Kumapit ako sa braso niya at tiningnan siya sa mata. "Sabi naman kasi sa'yo tayo na lang e, " sabi ko at saka ngumisi.
Mahina niyang hinala ang buhok ko. "Kilabutan ka nga. " sagot niya at umirap pa sa akin.
Nang makarating na sa gate ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Magkasabay si Bryan at Neil na sumakay sa tricycle dahil magkapitbahay lang sila samantalang kami naman ni Paul ang magkasabay dahil iisang daan lang ang dinadaanan namin. Actually pati si Joaquin kaya nandito kami ngayon ni Paul sa waiting shed, naghihintay sa kaniya dahil hinatid niya muna pauwi si Celine sa kanila. Sabi niya kasi hintayin namin siya at sandali lang naman daw 'yon. Walking distance lang naman ang bahay nila Celine mula sa school kaya panigurado saglit lang din talaga siya.
Nagkuwentuhan lang kami ni Paul ng kung ano ano habang naghihintay sa kaniya. Makalipas ang sampung minuto ay nakabalik na siya habang hingal na hingal mula sa pagtakbo.
"Bobo mo, ba't ka kasi tumakbo, " wika ni Paul.
Pumara si Joaquin ng tricycle. Iminuwestra niya ito sa akin at pinauna na akong makapasok. Umupo siya sa tabi ko habang sa likod naman ng driver umupo si Paul dahil hindi naman kami kasyang tatlo sa loob sa sobrang lalaki nilang tao.
Tahimik lang naming pinagmamasdan ang daan nang may bigla siyang hinugot sa bulsa niya at inilabas ang isang panyo. 'Yung panyo na binigay ko sa kaniya kanina.
"Panyo mo, oh, " he said softly.
Tinapik ko ang kamay niya at inilayo sa akin. "Ew, puro pawis mo 'yan. Labhan mo muna. " maarte kong sagot.
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Arte mo talaga. " natatawa niyang sabi.
Tiningnan ko siya ng masama at mahinang hinampas ang braso niya. "Totoo naman kasi. " I pouted.
Tumingin siya sa mga mata ko at kitang kita sa mukha niya na nagpipigil siya ng ngiti.
"Sorry na po, master. " he said with an amusing smile.