Kabanata 18

1852 Words
"Nica! Na-miss kita ng sobra! " bungad ni Liz na tumatakbo ngayon papalapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap nang makalapit sa akin at muntikan pa akong matumba. Unang araw ng klase ngayon at unang araw na ng pagiging senior high school namin. Damn. Senior high na kami! Sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon unang taon pa lang namin sa high school, ngayon dalawang taon na lang at college na kami. Ang hirap paniwalaan. "Na-miss ka diyan! Nasaan ang pasalubong ko?! " pagbibiro ko. "Oo teh, dala ko! Eto nga oh! Pero walang chocolates diyan ha, naubos na namin e, " sagot niya at itinaas ang isang puting paper bag. Agad akong namangha. "Oh my God! Thank you, Liz! " I wrapped my arms around her. "Ikaw pa! " she winked at me. "Oh anong chika dito? " biglang sumulpot si Neil. Agad siyang dinaluhan ni Liz at niyakap ng mahigpit. "Omg, bakla ka! Na-miss din kita! " "Ako lang 'to! " sagot naman ni Neil at niyakap siya pabalik. "Oh, teh, alam mo na. Nasa'n 'yung afam na hinihingi ko? " he crossed his arms. Hinampas siya ni Liz. "Gago! Ako nga wala, ikaw pa? Oh eto na lang pampalubag loob, " aniya at binigay sa kaniya ang isang paper bag. Pabiro siyang umirap. "Hayyy, sige. Pwede na 'to. Eme! Salamat, sis! Kaya mahal kita e! " he kissed her on the cheek. Biglang tumunog ang bell at nagsalita ang isang boses sa mga speaker. "Students, please go now to your respective classrooms. And at exactly 8:00 am, everyone is advised to go to the gymnasium for a short orientation and opening for the school year 2018-2019. Thank you. " "Ano ba 'yan! O siya, sabay sabay tayong mag-lunch ha! Kapag hindi babawiin ko 'yang mga binigay ko! " pagmamaktol ni Liz. "Grabe hindi ko na ba talaga kayo kaklase? " malungkot kong sabi. Umakbay sa'ming dalawa si Neil. "Iisang school pa rin naman tayo! " Nag-desisyon kaming maghiwa-hiwalay na kahit lanag sa loob namin dahil wala naman kaming choice. Isa pa, baka pagalitan pa kami kapag nakita kaming nakatambay pa rin sa corridor. Sabay sabay kaming nagtungo sa building ng senior high school dahil nasa iisang building lang naman kami. Swerte nga nila Neil at Liz dahil magkatabi lang ang classroom nila samantalang ako nasa second floor pa. Pagkarating ko sa tapat ng room namin ay nakita ko mula sa labas na halos puno na ang classroom. Dahan dahan akong pumasok mula sa likod ng pinto at naghanap ng pwedeng maupuan. Uupo na sana ako sa isang bakanteng upuan sa likod nang biglang may lumingon na lalaki sa third row at nagtama ang mata namin. Agad siyang ngumiti sa akin habang ikinakaway ang kamay niya. Sinensyas niya ang bakanteng upuan sa tabi niya para doon ako umupo. Wala akong nagawa kun'di magtungo roon at umupo sa tabi niya. "Nakita mo na si Paul? " tanong ni Joaquin pagkaupo ko sa upuan. "Wala pa ba? Si Liz at Neil lang nakasalubong ko kanina, e. Kahit si Bry 'di ko pa nakikita. " Pagkatapos ng usapan namin ni Neil nung araw na 'yon ay masasabi kong kahit papaano ay okay na ako. Gumaan ang loob ko dahil sa wakas ay nailabas ko ang matagal ko nang sinasarili. Magaan sa loob dahil naiintindihan ako ni Neil. Kami naman ni Joaquin... well, so far we're good. Nawala na 'yung awkwardness na nafi-feel ko sa kaniya after ng pag-uusap namin ni Neil. Na-realize ko kasi na I was giving pressure to myself just because I have feelings for him. Besides we're still young, this shouldn't be a big deal. We haven't talked about us but I guess, we're back to normal? Nung mga natitirang araw ng bakasyon, hindi na muling dumalaw si Joaquin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nabanggit ko na bumalik na si Ira sa Manila, but regardless, as what I've said, we're okay. "Huy, andiyan pala kayo! Taena nalito ako sa mga room! " hingal na hingal na sabi ni Paul na kararating lang. Umupo siya tabi ko kaya napapagitnaan nila akong dalawa ni Joaquin. Jusko, sana naman hindi ganito ang maging seating arrangement para sa buong taon dahil baka nakalbo na lang ako sa sobrang stress. "Sa'n ka ba galing? Buti wala pang teacher. " Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Tangina talaga. Akala ko sa kabilang building 'yung senior high! 'Di ba kasi dati do'n naman? Hayup malay ko bang nabago na pala! " Nag-kwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa dumating na ang magigig adviser namin for the whole academic year. Inintroduce niya ang sarili niya at so far I think she would be a great adviser for us. Pero siyempre walang papantay kay Ma'am Bulaon, solid 'yon. Maya-maya lang ay nagsalita na ulit ang isang boses sa speaker at pinapapunta na kami sa gym kaya pinapila na kami ni Ma'am. Wala pa rin akong nakakausap na iba kong kaklase dahil sa dalawang itlog na sunod ng sunod sa akin. Kaya sana talaga mabago ang seating arrangement dahil baka sila lang ang makasama ko buong taon! Sayang nga at nag-transfer na si Bea sa Manila kaya kahit STEM ang strand niya, hindi ko na siya kaklase. Magkakatabi kaming umupo nila Paul at Joaquin sa bleachers. Natanaw namin hindi kalayuan sila Neil, Bryan, at Liz kaya kinawayan namin ito. "Magkatabi lang pala sila ng room, 'no? " biglang sabi ni Paul pagtukoy doon sa tatlo. "Oo, samantalang tayo sa second floor pa, " bagot kong sabi. Bigla akong nakaramdam ng hangin sa bandang kanan ko kaya napalingon ako sa gilid ko na pinapaypayan ako habang ang mata niya'y nakatuon sa harap. Bahagya akong napangiti. "Mainit pa ba? " tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Agad akong umiling. "Hindi na, ayos na. " Bigla niya itong tinapat sa mismong harap ng mukha ko at malakas 'tong ipinaypay para mang-asar. Agad ko namang tinapik ang kamay niya at nagtawanan kami. "Bwiset ka. " Nang matapos ang short program sa gym ay pinabalik na ulit kami sa classroom. Buong umaga ay adviser lang namin ang um-attend sa amin. Nang mag-recess at lunch naman ay sabay sabay kaming anim na kumain sa canteen. Kung ngayon ay nagtutugma pa ang mga oras namin, panigurado sa mga susunod na araw ay mahihirapan na kaming magkasabay-sabay dahil iba-iba na kami ng magiging time management. "Wait lang, " biglang tumayo si Paul sa upuan niya at nagtungo sa harap para kausapin ang isa naming kaklase kaya naiwan kaming dalawa ni Joaquin sa upuan. Kakatapos lang namin mag-lunch at nandito na kami sa room ngayon dahil malapit na mag-bell. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang iba naming kaklase na mga nag-lunch. Ang tatapang, ha? Hindi takot mapagalitan sa first day. Balita ko pa naman sa mga senior namin puro strikto ang mga teachers sa senior high school at mala-professor na talaga sa college. Jusko, meron pa naman kaming calculus ngayon. Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako kay Joaquin na ngayo'y nakatingin sa bintana at nakapalumbaba gamit ang isang kamay niya. "Hoy, " pag-agaw ko sa atensyon niya. Lumingon siya agad. "Hmm? " "Ano 'yan? " nangingiti kong tanong at inginuso ang kamay naming magkahawak. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Ngumisi siya at nagkibit balikat habang nakatingin din sa aming kamay. Natatawa ko siyang inirapan. "Hokage. " May binulong siya bilang pagsagot sa sinabi ko ngunit hindi ko narinig 'yon. "Ano kamo? " "Wala, " sagot niya. "Pshh, ewan ko sayo, " I scoffed. "I missed you, " he whispered. I looked at him ang gave him an amusing smile. "Talaga? " "Talaga, " he smiled widely. Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. " Biglang lumapit sa amin si Paul kaya dali-dali kong kinalas ang kamay naming magkahawak para hindi niya mahalata. Lumipas ang buong maghapon at nang mag-uwian na ay sabay-sabay kaming bumaba para magtungo sa room nila Liz dahil maaga kaming pinauwi. Pagkarating namin sa tapat ng room nila ay hindi pa sila pinapalabas ag mukhang nagkukwentuhan pa sila nung teacher nila. Sumilip kami kila Neil na nasa katabing room lang nila Liz at mukhang ganoon din sila kaya wala kaming choice kun'di maghintay at tumambay muna sa harap ng room nila. "Hala s**t! Nakalimutan ko pala 'yung earphones ko sa taas. Wait lang kunin ko lang, " dire-diretsong sabi ni Paul at agad na umakyat ng hagdan. Naiwan kaming dalawa ni Joaquin na naghihintay sa labas ng room nila. Kanina ko pa napapansin na tahimik si Joaquin kaya hindi na ako nakatiis at kinalabit ko na siya. "Huy, okay ka lang? " Sumulyap siya sa akin at tipid na tumango. "Yup. " My forehead creased at the way he answered. Duh, he's totally not okay! Lumapit ako sa kaniya at masidhing tiningnan. "Hindi ka okay, " I stated the obvious. "Okay nga lang, " he said in a cold voice while avoiding my eyes. I rolled my eyes while holding his shoulders, forcing him to face me. "Ano nga? " He let out a big sigh before finally facing me. "Ayaw mong hinahawakan ang kamay ko? " patanong niyang sabi na parang nagtatampo. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "W-what? " hindi ko makapaniwalang sabi. Ilang segundo bago siya nakasagot at nag-iwas na mulo ng tingin. "Wala, nevermind. " I bit the inside of my cheeks to stop myself from smiling. "So is that the reason why you've been silent? " He glanced at me. "Hindi ah, " he said defensively. Napatango ako habang nagpipigil ng ngiti. Sakto namang dumating si Paul kaya naudlot ang pag-uusap namin. "Buti naabutan ko pa sa room, kung hindi baka nakuha ng iba! " Maya-maya lang ay naglabasan na ang humss at abm kaya nakumpleto na rin kaming anim. Sabay sabay kaming lumabas at nagtungo sa talipapa para mag-merienda dahil halos dalawang buwan din kaming hindi na-kumpleto. "Shet! Na-miss ko 'tong kwek-kwek! " aliw na sabi ni Liz. "Wala bang kwek-kwek sa America? " pabirong tanong ni Paul. "Gago pre, kapag may kwek-kwek sa America, quick-quick na ang tawag do'n, " humalakhak si Bryan. "Bakit ko kayo naging kaibigan? " umirap si Neil. Nang mabusog na kami sa merienda at kwentuhan ay naghiwa-hiwalay na kami para umuwi. Dating gawi, magkakasabay ulit kami nila Paul at Joaquin habang si Neil at Bryan naman ang magkasabay, at si Liz naman ay may sariling service. Kami ulit ni Joaquin ang nasa loob habang si Paul naman ang nakaupo sa likod ng driver. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo si Joaquin kaya sinubukan ko ulit na kausapin siya. "Huy, " pagtawag sa atensyon niya. Sinulyapan lang niya ako tinaasan ng kilay, sensyas na kung ano bang kailangan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mangiti sa mga reaksyong binibigay niya ngayon. Dahil kanina niya pa ito pinagmamaktol, kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito na siyang ikinagulat niya. Lumingon siya sa akin na nakaawang ang labi at ibinaba ang tingin sa kamay naming magkahawak. "Hindi ko na tatanggalin 'yan, " I said in an amusing smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD