"Saan ba kasi talaga tayo pupunta? " tanong ko sa kaniya bago buksan ang pinto ng sasakyan. Ipinaling niya ang ulo niya. "Sumakay ka na lang, " tugon niya at pumasok na sa driver's seat. Wala na akong nagawa kun'di sumakay na lang din. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at nag-drive paalis. "Sobrang random mo talagang tao, " sambit ko habang nakakrus ang kamay sa dibdib at nakatingin sa harap. Humalakhak siya. "Bakit na naman? " "Ewan. Basta. Bigla bigla na lang kung ano naiisip mong gawin, " natatawa kong sabi at napailing. "The best things in life are usually random and unplanned kaya. Kita mo kapag sa ating magbabarkada, kapag nagpa-plano tayo, most of the time hindi natutuloy, pero kapag biglaan, natutuloy tayo. Being spontaneous is fun, " he glanced at me and gave me a smile.

