Kabanata 10

2612 Words
"W-wow. This is too much, Waks, but thank you, " hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya. "Read that again. You deserve it, okay? You deserve everything, " he sincerely said as he reached for my hand and gently stroke it with his thumb. I wrapped my arms around him and closed my eyes as I cherish this moment. "You too, Joaquin, " I said softly. Makalipas ang ilang minuto ay napag-desisyunan na naming bumalik sa loob dahil baka hanapin na kami nung tatlo. Iniwan ko muna sa sasakyan ni Joaquin ang regalo niya dahil baka masira pa sa loob sa sobrang siksikan. Habang naglalakad kami pabalik roon ay hindi pa rin nag-si-sink in na ginawa niya iyon. I am so confused with my feelings right now. Hindi. Hindi pwedeng maulit 'yung nangyari nung grade 9. Baka mamaya ilusyon ko na naman ito. Baka mamaya ako lang pala ang nakaka-feel ni'tong nararamdaman kong ito. Hindi na ulit. Ayoko na. Nang makarating kami sa gym ay pahirapan na naman makipagsiksikan papasok sa loob. May ibang naiinis samin pero wala naman kaming choice dahil nasa loob ang mga kaibigan namin. "Sa'n kayo galing? " tanong ni Bryan pagkarating namin sa pwesto nila. "Wala, sino na nag-pe-perform, Bro? " paglilihis ni Joaquin sa topic at inakbayan niya ito. Nagpatuloy na sila sa pag-uusap at akala ko'y makakalimutan na nilang nawala kami pero nakalimutan kong may kaibigan akong dakilang chismosa. "Nakooo, sa'n kayo galing? " pang-uusisa niya. Umiwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata sa harap. "S-sinamahan ko lang siya bumili ng... ng ano... tubig, " pagsisinungaling ko sa kaniya. Ayoko munang sabihin sa kaniya until hindi ko pa na-co-confirm itong nararamdaman ko. Mahirap na, nasa isang barkada lang kami. Pinaningkitan niya lang ako ng mata at hindi na kumibo. Nag-pe-perform na ngayon ang banda na mga alumni ng school kaya dumagundong ang gym sa tilian ng mga tao. Sikat daw kasi talaga sila sa school before kaya pinaka-aabangan talaga sila. "Ito... kanta ito ng Ben&Ben at nung pinakinggan ko ito, sobrang nagandahan talaga ako sa melody, pero mas lalo na sa lyrics. Ito ay ang Pasalubong by Ben&Ben featuring Moira dela Torre. Sa mga na-inlove sa mga kaibigan nila, malay mo, ito na 'yung sign na umamin ka? " Napasinghap ako. Bumilis ang t***k ng puso habang diretso lamang ang tingin sa bandang tumutugtog ngayon. Gusto ko lang naman mag-enjoy sa performance, bakit may pa-ganito? May pag-atake?! Lalo na't ngayong gulong gulo isip ko?! "Oh sa mga na-inlove daw sa mga kaibigan diyan! " malakas na sigaw ni Neil kaya napatigin ang mga nasa harap namin at natawa sa sinabi niya. Mga gabing nakatingin sa salaming nagtatanong sa 'kin Kailan kaya makakamit, pagsuyo na hindi binabalik? Maghihintay ako hanggang mapasa'yo Parang gusto ko biglang mag-collapse nang marinig ko ang lyrics. Eh paano ba? Untog niyo na lang ulo ko sa pader, todo na natin 'to. Pasalubong naman sa 'king nararamdaman 'Pag umamin sa 'yo, sana ay mapagbigyan Kaibigan o kaya bang mag-ibigan? Kapalaran ka ba o pangarap lang? Pero, do we really need to tell someone what we feel? Is it really necessary? Kasi, what if nung naging ready ka, siya naman itong hindi. At nung ready na siya, ikaw naman ang hindi. Isn't that a sign from the universe na baka hindi talaga pwede? Na baka minsan okay nang hanggang doon na lang kayo, kasi in that way, pwede mo siyang mahalin sa paraang gusto mo. Sometimes we just have to leave it at that. For your own peace. For everyone's peace. Pasalubong naman sa 'king nararamdaman 'Pag umamin sa 'yo, sana ay mapagbigyan Kaibigan o kaya bang mag-ibigan? Kung kapiling ka na, hindi na sasayangin pa I turned my eyes at Joaquin when he suddenly took my hand and intertwined our hands together. My lips parted as I look down at our hands. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Aaminin ko na, gusto kita..." pagsabay niya bigla sa kanta habang ang mata niya'y diretso lamang nakatingin sa bandang tumutugtog sa harap. Pagkatapos nang gabing 'yon ay inaamin kong mas naging malapit kami ni Joaquin. Hindi ko alam kung nahahalata ba ng mga kaibigan namin ito pero mukhang hindi naman dahil wala naman silang sinasabi. Sa totoo lang ay nalilito ako kung anong meron kami ngayon pero ayoko munang pangunahan ito dahil baka mamaya ay masaktan lang ako sa huli. "Ano bang magandang shade hmmm..." bulong ni Neil sa sarili niya habang namimili ng make-up. Kakatapos lang ng aming klase at nandito kami ni Neil ngayon sa mall dahil nagpasama siya sa akin mag-shopping. Kasama namin dapat si Liz kaso hindi siya pinayagan. Nandito ako sa tabi niya at nakatulala sa kawalan habang naghihintay sa kaniya. Tinatamad ako mamili dahil hindi naman ako masiyadong mahilig sa make-up. Pang-fresh lang naman ang mga make-up ko at nag-fu-full coverage lang ako kapag importanteng okasyon. "Huy! Ano kako mas bagay sa'kin! " pagpapabalik sa akin sa ulirat ni Neil. "H-ha? " Tinaasan niya ako ng kilay at bumalik sa ginagawa. "Ba't ka ba tulala diyan? " I pursed my lips. I honestly don't want to ask him this pero nalilito na kasi talaga ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. "Bes..." He glanced at me. "Oh? " "Uhm...mayroon kasi akong friend..." "Then? " "Uhmm... tapos there's this guy that constantly make her feel special... Like uhm... nung Valentine's day, binigyan siya ng galaxy rose. Tapos alam mo ba ang meaning no'n... uhm, "I would give you a rose, but you don't deserve that. You deserve the entire universe, so I'm giving you this galaxy rose instead... ayon 'yung nakalagay sa rose. " Hindi siya makapaniwalang sumulyap sa akin. "Ang taray! Nakakaloka 'yung "you deserve the entire universe"! Hindi mo kaya! " natatawa niyang sabi. Natawa rin ako. "Tapos... nung minsan daw, they were watching a band, and then 'yung lyrics sa dulo ng kanta, "aamin ko na, gusto kita". Tapos bigla raw kinanta 'yung part na 'yon habang hawak 'yung kamay niya..." I said nervously. "Jusko! Napaka-romantic naman nung guy! Nakakaloka! " "E... so ayon... parang nalilito siya at hindi niya alam kung nong ibig sabihin ng mga 'yon. " Inirapan niya ako at lumipat sa kabilang section ng lipstick na agad ko namang sinundan. "Malay ko teh! Bading ako 'di ba? Sa tingin mo naranasan ko na 'yan? " "Tsk! 'Yung matinong sagot kasi, teh! " I hissed at him. Humarap siya sa akin. "Hay nako. Alam mo teh, the fact na tinanong niya pa sayo 'to, ibig sabihin may something na sa kaniya. Kahit konti for sure. Nalilito siya siguro kasi wala namang sinabi through verbal 'yung guy and I know that it could be confusing. Pero teh, i-go niya na kamo. 'Wag na kamo siya malito kasi 'yun na 'yon e. May nararamdaman na talaga siya. Saka ghurl kahit ikaw gawan no'n, for sure na-inlove ka na rin! " mahaba niyang paliwanag at bumalik na ulit sa pagtitingin ng make-up. Ghurl, I know. Sa'kin ginawa, bruha ka. "Eh... magkaibigan kasi kaya nalilito talaga siya at nag-aalangan. " He paused looking for concealer. "Ghurl, kahig magkaibigan pa kayo kung gano'n ipinaparamdam at ginagawa sa'yo, hindi pa ba senyales 'yon? Besides, hindi na sila makakabalik sa dating pagkakaibigan nila kung ganyan ang mga ganal sa kanila. Hindi normal sa magkaibigan 'yan, kaloka. Ano bang chika, ba't ba siya nag-aalangan? " I bit my lower lip. "Eh kakagaling lang din kasi sa break up nung guy..." Biglang nanlaki ang mga mata niya at tuluyan nang humarap sa akin. "What did you just say? " Kinabahan ako. "G-galing lang sa break up 'yung guy. " He pursed his lips. He suddenly let go of all the make up he's been holding and pulled my wrist. "Alam mo teh, pag-usapan natin 'yan! Willing ako ibigay lahat ng advice sa friend mo na 'yan! " Hinila niya ako hanggang makarating kami sa isang coffee shop. Umalis muna siya sa table namin para um-order at medyo kinakabahan na ako rito. Nahalata niya ba?! I mean, I was so clear naman na about sa friend ko 'yon! Jusko, baka matae na lang ako sa sobrang kaba ko rito! Pagkatapos niya um-order ay bumalik na siya sa table namin at ibinaba ang mga order namin. Coffee frappuccino ang in-order ko habang si Neil naman ay Iced Americano. "Okay! Going back! So matanong ko lang, kailan pa nararamdaman nitong FRIEND mo na 'to 'yung ganiyang feeling? " he asked, emphasizing the word friend. I bit my lower lip. "Uhm... sabi niya sa akin no'n, mula pa nung grade 9. " His eyes widened and his mouth formed an o. "Grade 9? GRADE 9?! " hindi makahinga niyang sabi at sinipsip ang kape niya ng dire-diretso. “H-ha? Bakit? “ nalilito kong tanong. Agad siyang umiling. “Wala teh! Wala ‘to! “ ngumiti siya at huminga ng malalim. “Eh kung nung grade 9 pa ‘to, anong nangyari? Bakit hindi naging sila? Bakit hanggang ngayon nasa stage pa rin sila na ganyan? “ Napahinto ako sa tanong niya. Mapait akong ngumiti. Memories suddenly came flashing through my mind. Bakit nga ba? “Ayan okay na, “ he said and handed me the mirror. I looked at myself in the mirror and turned sideways to see the braid he did on my hair. Not bad, huh. “Galing ko, ‘no? Nanood ako sa youtube kagabi niyan! “ he said proudly. I smirked. “Naks. Dapat nagpaturo ka na lang kay Neil! “ “Nagpapaturo nga ako kaso ayaw niya ako turuan! Nag-youtube na lang ako, ‘kala niya ha. “ I pinched his right cheek. “Cute mo. “ “I know, “ he smirked and took my hand that pinched his cheek. He held it and rub it with his thumb, which is my favorite thing because it gives me comfort and peace. Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan na ang mga kaibigan naming galing sa canteen. “Uy pare, hinahanap ka ni Celine ah? “ bungad sa kaniya ni Bryan pagkalapit sa pwesto namin. “Ay weh? Asan ba siya? “ sagot naman ni Joaquin. I glanced at Joaquin. Sino si Celine? “Ewan lang. Nakasalubong lang namin sa canteen e. “ Tumango na lang si Joaquin. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagsawalang bahala na lang ito. Nakipag-kwentuhan na lang ako kila Neil hanggang sa dumating na ang teacher namin. Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay. Marami kasi akong gagawing assignment ngayon gawa ng dumaan na bagyo. Pagkaupo ko ng study table ay agad kong napansin ang vinyl record na binili ko para kay Joaquin. Ito ay ang "Abbey Road" vinyl record ng The Beatles. Favorite band niya kasi 'yon at iyon ang favorite album nila kaya ito ang naisip kong ibigay sa kaniya. Napangiti ako sa sarili. Ibibigay ko sa kaniya ‘to kapag umamin na ako. Kinabukasan, tanghali na ako pumasok dahil nagkaroon ako ng apointment sa dentista ko nung umaga. Pagkarating ko sa room ay nadatnan ko ang mga kaibigan kong nagku-kwentuhan habang nakabilog ang mga upuan. “Hello! “ bati ko sa kanila pagkalapit ko. “Uy teh! Oh musta ngipin mo? Kasing linis ko na ba? “ ani Neil na nakakrus pa ang braso. Inirapan ko siya. “Edi ubod ng dumi na non? “ Nagtawanan sila ngunit biglang dumako ang mga mata ko sa isang babaeng hindi pamilyar sa akin ang mukha na katabi ngayon ni Joaquin sa upuan. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at napatingin kay Joaquin. Nagtama ang mga mata namin at bigla siyang tumayo. “Uy, Nica! Si Celine nga pala... " he paused and looked at her "Girlfriend ko, “ sabi niya at inakbayan ito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at ilang beses napakurap. Parang nag-echo sa utak ko ang salitang girlfriend at pilit na pinoproseso ang sinabi niya. “G-girlfriend? “ I stuttered. “The one and only, “ he looked at her again and smiled sweetly. Parang bigla akong pinagsukluban ng langit at lupa sa narinig ko. Joke time ba ‘to? Paano naging? Paanong hindi ko man lang nalaman na may nagugustuhan pala siya? Paano naging kung kami naman lagi ang magkasama? Paano naging kung ako naman ‘yung nandito? Paanong hindi ako? I bit my lower lip. “C-congrats, " I stuttered. “Thank you, Nics! “ he said and went back to his seat. Dahan dahan akong lumapit sa upuan ko at isinukbit ang strap ng bag ko sa upuang nasa harap. Kakapasok ko pa lang pero parang gusto ko na agad umuwi. Napatulala ako sa kawalan habang iniisip ang mga nangyari ngayon lang. Parang hindi mag-sink in sa’kin na may girlfriend na siya at hindi ako ‘yon. Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi sa bahay at dali daling umakyat sa kwarto ko. Agad akong nagtungo sa study table ko at kinuha ang vinyl record na binili ko para sa kaniya. Tumulo ang mga luha ko at napaupo ako sa sahig. Tiningnan ko ang vinyl at mahigpit itong hinawakan. "Traydor ka, " I whispered to myself. Hinagis ko ito at sinipa palayo sa akin. "Traydor. Traydor. Traydor, " paulit ulit kong bulong sa sarili ko. I covered my face with my hands and just let myself cry out. What did I do? Did I do something wrong? Did he not feel what I felt? Am I just being delusional and just assumed things? Just... what happened? I let out a big sigh and wiped my tears away. I stood up and went near the vinyl and picked it up from the floor. I looked at it for another minute and decided to just keep it in my storage box as I keep inside myself everything I felt.. "Huy, ghurl! Natulala ka na diyan! " biglang sabi sa akin Neil na nagpabalik sa akin sa ulirat. "Ahh, sorry. Where was I again? " I asked as I sip from my frappucino. "Bakit hindi naging 'yung friend mo 'saka 'yung guy! " I smirked. "Ahhhh, " I paused for a moment. Nagka-girlfriend kasi bigla 'yung guy. " Naibuga ni Neil ang iniinom niya. Napaiwas ako sa ginawa niya. "Kadiri ka! " reklamo ko naman at agad siyang inabutan ng tissue. "Saglit, teh! Hindi ako makahinga! " arte niya habang hawak pa ang dibdib niya. "So you mean to say, nagustuhan mo--- I mean nung friend mo 'yung guy, kaso nagka-girlfriend? " Tumango. "Yup. " Napatulala siya sa akin habang sabunot niya ang buhok niya. Huminga siya ng malim. "Napakabobo nung guy! Sobrang boboooo!! " he said in frustration. Tinawanan ko lang siya. Umayos siya ng upo at bumuga ng hangin "Whoo! So anong nangyari sa friend mo after no'n? " Napasandal ako sa upuan at nagkibit-balikat. "I don't know. I guess, nag-move on na lang. Tinanggap? Na baka kaibigan lang talaga ang tingin sa kaniya. Na baka gano'n lang talaga siya sa lahat. Kasi as I look back--- I mean siya, na-realized niya na hindi lang naman sa kaniya gano'n 'yung guy. Na baka hanggang doon lang talaga sila. " Neil let out a big sigh. "Hayy. Pero ghurl... if there's one thing that I could advice, like matino na talaga 'to. Uhm, why not try again? I know it's scary but love is a risk. Siguro, pakisabi sa kaniya, follow your heart. Malay niya, ngayon, ready na pala sila parehas. Na baka this time, it could work out. Atsaka sana kausapin niya? For sure parehas naman sila ng nararamdaman, " he said and gave me a reassuring smile. Napaisip ako sa sinabi niya. Ewan. Malay natin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD