Nakita ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon. Nawala ang kulay sa kanyang mukha. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Ang hindi ko inaasahan ay ang masakal nang wala sa oras. “Ano'ng sinabi mo?” tanong niya. Ang kanyang boses ay maihahalintulad ko sa isang mabangis na hayop. Ramdam ko ang matinding sakit sa dibdib habang pilit akong humihinga. Sinipa ko siya sa kanyang pribadong parte gamit ang natitira kong lakas. Napaluhod siya, hawak ang kanyang singit, habang dumaraing sa hapdi. Habang unti-unti akong nakahinga nang maayos, hinila niya ang buhok ko upang pigilan akong makatakas. "Tigilan mo ang ginagawa mo, kung ayaw mong masaktan!" Dalawang babae ang tumakbo papunta sa amin. Hindi sila nag-aksaya ng oras at pinalaya nila ako mula sa baliw na lalaking ito. Hinawakan ng is

