"Sir, magmeryenda daw po muna kayo."
Muntik na akong mapatalon dahil bigla na lang pumasok 'yung body guard ko.
"Bakit hindi ka nag-lock ng pinto?" tanong ko kay Ash.
"Bakit tayo mag-la-lock ng pinto?"
And that's him again. With his irritating smirk. I hate it when he showed me that.
It's either nag-iisip na siya ng panibagong itatawag sa akin or nagpaplano na siya ng bagong prank.
"For privacy?"
And that was one of the biggest mistakes of my life. He gasped dramatically and loud making sure that even the bird outside would hear.
"I know we love each other, but we should take things slow for our future."
At napapalakpak pa ang aking bodyguard sa sinabi ng mokong na ito.
Anong future ang pinagsasabi niya at saka anong mali sa pri...
And that's when it was my time to gasp!
Bakit kailangan niya akong ipahiya sa harap ng bodyguards namin? He knew these men would not hesistate to leave out any detail to my Uncle! Palibhasa siya na kasi ang bagong favorite kaya gustong-gusto na niya akong masermunan.
HIndi na ako nakapagpigil at dinampot ko ang aking duck plushie sa kanya, sumunod naman ay 'yung flower-shape pillow ko then hindi pa ako nakuntento at pinaulanan ko siya ng aking mga throw pillows.
"Hey! Stop! Tinotoyo ka na naman!".
Wala siyang nagawa nang pingutin ko ang tenga niya.
"Kuya, pakilapag na lang ang meryenda namin and also leave the door widely open when you leave."
"Kuya, no! Papatayin niya ako!"
Para pumantay ay piningot ko naman ang kanang tenga niya.
"'Di ba sabi mo you'll build your future with me honey?"
Poor bodyguard dahil hindi niya alam ang gagawin. Inilapag niya ang tray sa may bedside table.
"Ma'am, eh kung tawagan ko nalang po kaya si Sir?"
"No!"
Sabay naming sigaw. Tumango lang ang aking bodyguard habang pasipol sipol pa ito.
Bakit 'yata halos lahat ng employees ng Uncle ko ay mga savages? Saan ba siya nakakahanap ng mga ganitong klaseng tauhan?
Paglingon ko sa aking likuran ay nangangalahati na sa kanyang egg sandwich si Ash kung kaya't hinablot ko na 'yung para sa akin.
Last time, hindi ko natikman 'yung potato salad ni Tita Esther dahil ang fake boyfie ko ay dinaig pa ang gutom na bear.
Nang matapos na niyang kainin ang dalawang pirasong sandwich sa loob ng limang minuto, ay nagbukas naman siya ng soda can. Pagkatapos ay nag-scroll siya sa kanyang phone. Mga ilang segundo rin siyang nakakunot ang noo dahil busy siya sa kabababasa ng hindi ko malamang bagay.
"XLB, look!"
Nagpanggap lang ako na parang walang narinig then I proceeded with drinking my iced cold soda.
"Don't worry, hindi ako gaganti."
He patted the space beside me then inirapan ko muna siya dahil sa pagtawag sa aking XLB then pinabasa niya sa akin 'yung new headline na nasa bold letters.
"Rogers Inc. filed bankcruptcy amidst the controversy."
Napakurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa aking nabasa. Ang Rogers Inc. ang isa sa pinakamalaki at pinakamatandang kumpanya sa bansa. And to think my Uncle managed to put the company into bankcruptcy using his connections ay nakakabilib at nakakatakot at the same time.
"Tingnan na lang natin kung may maipagmamayabang pa si Roger."
"Halos lahat ng kaibigan at mga kamag-anak niya ay hindi na siya kinakausap." dagdag ko.
"We won."
I don't know but those two words managed to evoke emotions in me.
When Roger began to torment me, victory was out of question. But thanks to these people who helped and trusted me, I won't see his face for a long time.
"Ssshh... It's alright. That monster won't torment you anymore."
Pagkatapos ay pinunasan niya mga luha ko. .
"I can wipe my tears on my own."
He nodded. Akala ko bibitawan niya 'yung panyo at hahayaan na lang niya ako ngunit patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng aking luhang patuloy sa pag-agos sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"I know."
Hinablot ko na 'yung panyo tapos tinawanan niya lang ako.
"Nag-e-enjoy ka siguro 'no?"
"Yup. Pero hindi dahil umiiyak ka. I'm happy to see you get the justice."
Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang naalala 'yung ginawa sa akin ng stalker niya.
Mabilis kong napunasan ang aking ilong. Mahirap na makita pa niya ang tumutulo kong sipon.
"What if you get the justice too?"
Umiling siya.
"That's impossible."
Napatayo ako sa aking kinatatayuan.
"Anong impossible?! We have gender equality now!"
"She's not that aggressive unlike Roger."
"We'll have difference approach."
Mga ilan minuto ko ring kinumbinsi si Ash pero he stood up to what he thought was right.
"You know what would make me happy? That you aced the upcoming Midterm Exam."
Napaupo na lamang ako at tahimik na sinagutan ang mga Math problems.
Akala siguro niya ginagamit ko lang na diversion tool ang stalker niya. Pero seryoso talaga ako. However, he was right... I have to ace this dahil hindi favorable and test scores ko last time.
And at the blink of an eye, midterm examination began.
I went to the school earlier than scheduled time dahil hindi ka nila papapasukin kapag na-late ka ng kahit isang minuto.
My throat parched, so, I decided to get some drink at the nearest vending machine. And there she was. Ash's stalker.
My feet automatically moved towards her. My veins popped out because of anger.
Akala ko wala lang sa akin ang nangyari, but nakakainis pala kapag paulit-ulit nilang sinisira ang tiwala ko.
"Minnie, nandiyan na si Ma'am."
Bago ako magtungo sa classroom namin ay muli kong nilingon ang bruhilda ngunit wala na siya as if parang hindi naman talaga nandoroon in the first place.
I blinked thrice. Were my eyes playing tricks on me? Or was this a bad omen?
Huwag naman sana. I took three deep breaths and mumbled to myself that I got this.
Naka-laser focus na ako while answering the test questions. Thankfully, almost of the questions here were the ones I reviewed.
May twenty questions lang na susubukin ang pasensiya mo. Sa halip na mabaliw ako, hinulaan ko na lang ang mga sagot sa questions na iyon.
Natapos kong sagutin ang lahat ng tanong under the time limit kung kaya't I check if there was something written at the back. I doubled check my answers too, and scanned for any trick questions they inserted.
Matapos ang halos apat na oras na pag-upo at pagsagot ng mga tanong, nag-unat ako ng aking mga braso at kinausap ang mga classmates ko kung ano ang mga isinagot nila dahil isang malaking relief kapag ang mga answers ko ay katulad sa sagot ng aming future top student.
Finally, I could use my phone! After disabling airplane mode, I received a message from Erin asking if Ash was with me.
I texted Ash asking where he was. While waiting for him to reply, kinausap ko muna ang mga ka-groupmates para sa project namin sa finals.
Natapos na ang meeting namin na tumagal ng thirty minutes ngunit wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa fake lover ko. Napagalitan nga ako ng project team leader namin kakasulyap ko sa phone screen.
"Ano kayang nangyari sa isang 'yun?"
Hindi maalis sa isipan ko si Pia. Paano kung nandito talaga siya sa campus? Hindi imposibleng mangyari iyon dahil napakagaling mag-blend at umarte ang impaktang iyon.
Hindi na ako mapakali kaya nakipagkita na ako kina Erin and thankfully, Ash was with them. And there he was. Para siyang sireno na lumalangoy sa swimming pool.
Nang makaahon na siya ay hindi ko siya hinintay na makuha ang towel niya at kaagad ko siyang tinanong kung bakit hindi siya nag-reply sa akin.
Wala akong pakialam kung asarin nila kami. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nainis.
Sa totoo lang hindi naman niya responsibilidad na magpaliwanag sa akin pero parang sasabog na ang puso ko sa pag-aalala.
"I lost my phone."
Tinitigan niya ako at bigla siyang napasimangot.
"I'm sorry if I made you guys worry."
I sniffed para mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
"Saan mo ba nawala ang phone mo?" tanong ni Erin.
"To be exact, someone snatched it from me."
This it was my time to ask him if sinubukan man lang niyang habulin 'yung snatcher pero ang sagot lang niya sa akin ay hindi iyon worth it.
"Let's go to the mall later. Help me choose my new phone."
Napatalon at napatili pa ang dalawa na siya namang dahilan para muntik na akong mahulog sa pool.
"Pre, papaalala ko lang sa inyo. It's over. Nasa bilangguan na si Roger."
Napakunot ng noo si Ash na para bang ang sinabi ni Sage ay nasa ibang language at kailangan niya ng subtitles.
"I thought you will show Erin the treehouse?"
"What?"
Feeling ko natanggal na ang lahat ng ear wax sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Erin. Samantala namang si Sage ay para anemic sa sobrang pagkaputla.
Siniko ko si Ash.
"What?"
"I think you said something you shouldn't have."
"What's wrong with what I did? Kung hindi ba sila busy ay yayayain nila ako?"
Napatingin na lang ako sa langit. Sana ay bigyan pa ako ni God ng mahabang pasensiya when dealing with this guy.
He stared at the two. Then he clung to me and asked an explanation. Rinig ko sa boses niya na anxiousness seeped in his consciousness.
"I think that treehouse thingy was supposed to be a surpise for Erin," bulong ko sa kanya.