#LivingWithYou CHAPTER 39 Mabagal na naglalakad ngayon sila Bryan at Yumi sa gilid ng kalsada. Halos sumasabay sa isa’t-isa ang hakbang ng kanilang mga paa. Tahimik at mistulang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa. Napatingin si Yumi kay Bryan na diretso naman ang tingin sa dinaraanan nila. Napangiti ito, hindi maikakailang masaya siya na kasama na naman ito ngayon. Napabuntong-hininga si Yumi bago naisipang magsalita. “Hindi mo na ako kailangang ihatid kaya pwede ka ng umuwi sa inyo.” Napatingin si Bryan kay Yumi. Napangiti ito ng tipid. “Ok lang,” sabi nito. Napatango-tango na lamang si Yumi. Muling bumalik ang tingin ni Bryan sa dinaraanan nila. Ganun din si Yumi. “Tungkol nga pala sa sinabi ko kanina

