#LivingWithYou CHAPTER 34 Mag-isang umuwi si Bryan sa bahay. Huminto siya sa tapat ng pintuan. Nangunot ang kanyang noo at namuo ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin ang mga mata nito sa kandado ng pinto. “Akala ko ba umuwi na siya? Pero bakit naka-lock ang pinto?” magkasunod na tanong ni Bryan sa sarili. “Ibig sabihin ay wala pa siya sa loob at hindi totoong umuwi na siya. Saan naman kaya siya nagpunta?” tanong pa nito. Napakibit-balikat na lamang si Bryan. Mula sa dala niyang bagpack ay kinuha niya ang susi saka tinanggal sa pagkaka-lock ang pinto. Pinihit ang doorknob saka tuluyan itong binuksan at pumasok sa loob. Kadiliman ang sumalubong kay Bryan sa pagpasok niya sa bahay kaya naman kaagad niyang kinapa ang switch na matatagpuan lang sa gilid saka

