Chapter 20: Chloe

2116 Words

Oh, my freaking goodness! Sa sinabi ni Melvin ay hindi ko na malaman kung saan ko pa hahagilapin ang panga kong nalaglag sa sahig. Sa pagkakanganga ko ay doon na rin ako humihinga, ramdam ko pa ang paninikip ng dibdib ko. Ilang beses akong napakurap-kurap sa kawalan, gusto kong tanawin ang mukha ni Melvin ngunit hindi ko talaga magawa sa sobrang dilim. Ayaw din ako nitong bigyan ng pagkakataon na gumalaw dahil sa dalawang kamay niyang nakayapos palibot sa baywang ko. Hindi ko alam kung sadyang mainit lang ba, o literal na nag-iinit ang katawan ko dahil sa posisyon kong iyon. Nanginginig din ang labi ko sa samu't-saring emosyon na lumulukob sa kaibuturan ko. Gusto kong umalis sa kandungan nito dahil pakiramdam ko ay ito pa ang ikamamatay ko. Gusto kong bigyan ng espasyo ang gitna namin,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD