Bandang hapon nang mapagpasyahan ko na ring umuwi matapos kong makikain ng tanghalian. Mukha lang akong batang yagit na palabuy-laboy at walang magawa sa buhay. Natatawa na lang din ako sa sarili kong kabaliwan. Well, ganito naman talaga ako kahit noon pa sa Australia. Nakagawian ko na ang pumasyal, o magliwaliw sa tuwing may oras ako. Kung hindi kasama ang mga kaibigan ay masaya na ako na kahit ako lang ang mag-isa. Dati pa man din ay hindi na ako mapakali sa iisang lugar, kaya nga marahil ay ilang school na ang napasukan ko noon na halos hindi ko na mabilang sa daliri ko. Nagawa pa akong ipatapon sa ibang bansa. Nang makalabas sa building ng A&D Tower ay sandali akong natigilan sa gilid ng kalsada, saka ko pa muling hinalungkat ang cellphone ko upang tingnan. Kasunod nito ay ang malak

