"Ano?" singhal ko sa pagmumukha nito, kulang na lang pati ang lalamunan ko ay lumabas sa lakas nang pagkakasigaw ko. Hindi ako bingi at narinig ko naman, pero gusto ko lang ulit marinig dahil para akong bumubuo ng isang puzzle quiz ngayon. Ang daming katanungan ang bumaha sa utak ko. Una na roon— bakit ako magtatrabaho sa kaniya, aber? Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking ito, matapos kunin ang pagkabirhen ko ay ganito ang gagawin niya sa akin? Ano 'to, kasama pa rin ba ito sa paniningil nito at paghihiganti sa akin? Aba, sumusobra na siya. I can't believe he still holds the grudge against me for what happened when we were young. He wanted his revenge. Can't he see? Ilang taon na ang lumipas, hindi lang lima, o sampung taon, kung 'di higit pa roon. Can't he just move on and be happ

