Chapter 6: Chloe

2202 Words
Run for my life, my ass. Wala sa sarili nang mapairap ako sa hangin, hindi ko na talaga kinakaya ang presensya ni Melvin. Isang araw pa lang na nakakasama ko siya ay para na akong mababaliw. Well, ganito ba ang ganti niya sa akin? Tila ba habang tumatagal na nandito ako ay dahan-dahan ako nitong hinihila pailalim sa kaniyang itim na dasal. Iyon bang wala na akong kawala, nanganganib ang buhay ko. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang araw na ito at gusto ko na lang magkulong sa bahay ng ilang taon. Sa nangyari kanina ay literal na nawala ako sa huwisyo, kaya hindi ko na masyadong nasundan pa ang mga nangyari. Bandang gabi nang matagpuan ko na lamang ang sarili na naroon nakaupo sa pabilog na lamesa. Sa wakas din ay nakita ko na si Tyra kung kaya ay siya ang katabi ko sa upuan. Si Mikaela naman ay nasa loob ng mansion. Ipinasok na muna namin dahil bawal ang bata rito, lalo at puro alak at kalalakihan ang mga naiwan dito sa pool area. Sa kabilang gilid ko naman ay nandoon si Vanessa na sinundan ni Venice na nakapwesto sa kaniyang tabi. Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na matitigan nang malapitan si Venice, kung gwapo si Leo ay natural na may angking kagandahan naman itong si Venice. Sa simpleng white dress na suot nito ay dalang-dala niya iyon. Bawat ngiti pa niya ay ang pagsingkit ng parehong mata nito. Sa katititig pa sa kaniya ay napapitlag na lang ako nang sikuhin ako ni Vanessa, saka ko natantong kanina pa nga pala sila nag-uusap. "Siya nga pala, kilala mo na siya 'di ba?" untag ni Vanessa na siyang itinuturo pa ako. Pasimpleng nangunot ang noo ko dahil hindi ko na nabigyan ng atensyon ang kaninang pinag-uusapan nila. Kalaunan nang pagngiti na lang ang nagawa ko para hindi naman halatang nawawala ako sa tamang huwisyo. Samantala ay tumango naman si Venice habang nangingiti rin. Nasa tabi nito ang kaniyang asawa na si Leo, sa kamamasid sa kanila ay ramdam ko iyong purong sinseridad at pagmamahal nila sa isa't-isa. Pagmamahal na hindi ko pa naramdaman sa tanang buhay ko. Hindi maiwasan na mapangiwi ako sa sinapit ng lovelife ko. Well, maganda naman din ako. May katangkaran at well-shaped body figure. Kulot ang dulo ng buhok ko in shade of color blonde, bumagay lang din sa makinis at maputi kong balat. Maliit ang mukha ko na may bilugang mga mata, matangos na ilong at pouty lips. Marami ang nagsasabi na kamukha ko raw si Angelina Jolie. Marahil ay bawas point sa akin iyong pagiging galawgaw ko at galaw panlalaki na hindi naaayon sa isang Angelina Jolie look-a-like. Bukod sa pag-aaral ng taekwando ay literal na na-adapt ko ang galaw ng mga kaibigan kong lalaki. Noon pa man na nandito ako sa Pilipinas, bago ipinatapon sa Australia ay hindi na ako ganoon ka-graceful gumalaw. I walk like I own the whole universe and talk like a mad lady. Hindi ako iyong maituturing na spoiled brat b*tch noong elementary at high school. Siguro ay mas malala pa sa kanila ang nagagawa ko, hindi lang ako nananabunot at nananampal. I can knock them down with just my raw striking speed and power. So, yeah, I am not just an independent, but a strong woman. Kalaunan nang maging kibit ang balikat ko, bago napatitig sa gawi ng isang babae na siyang katabi ni Leo. If I'm not mistaken, Shantal ang pangalan niya na kapatid ni Leo. Sa kabilang banda naman ay nandoon si Ellena at Mirko na masinsinang nag-uusap. Ang malaki at pabilog na lamesang iyon ay napuno ng tawanan, lalo pa nang mag-umpisang maging wild ang mga kalalakihan, partikular na si Paul Shin na wala pa man sa kalahati ang bote ng alak ay animo'y nakatakas na sa mental. May isa ring tumayo, kasunod ng isa pa. Brandon at Gabriel yata ang pangalan. Nandito rin ang dalawang kambal, nasa side namin ito na katabi ni Kris Warren, ang asawa naman ni Tyra. Tch, baka sunod nito ay si Ellena at Mirko na ang ikakasal. Baka tamang invite lang ulit sa akin sa kasal, o 'di kaya ay bridesmaid. Tamang tagakilig na lang sa mga successful relationship nila. Mahina akong napahinga nang malalim, bukod sa mga nabanggit ko may isang tao pa ang nandoon. Ayoko na lang sabihin kung sino, hindi ko rin ito magawang lingunin pa. Huwag ngayon na nananahimik na ang puso ko, ayoko nang mabaliw dahil lang sa presensya niya. Baka hindi ako makapagpigil at ako na mismo ang magpapa-admit sa isang mental hospital. "Lap dance." Dinig kong turan ni Paul Shin na ipinapakita pa sa amin ang laman ng kaniyang card. They are playing fancy cards na pwedeng maihalintulad sa truth or dare na laro, pero sa pagkakataong iyon ay purong dare lang at ganoon din ka-extreme ang mga gagawin. Mayamaya lang nang tumayo si Vanessa mula sa kaniyang kinauupuan, matapos nitong bumuntong hininga. Kasunod naman nito ay ang pag-play ng music sa kantang Bump n' Ride ni R. Kelly, one of a flirty songs I have ever heard. Napangiwi na lamang ako nang sabayan iyon ni Vanessa sa nang-aakit at maharot niyang paggiling sa kandungan ni Paul Shin na siyang nangingisi sa kawalan. "I don't feel nothing wrong with a little bump and grind..." pagkanta ni Vanessa sa malanding boses. Halos maghiyawan ang kabuuan ng paligid, panay pa ang hampas nila sa lamesa na gumagawa ng beat. Masyadong maingay at nakabibingi ang sigawan nila, 'di rin naman nagtagal nang matapos ang pagsasayaw na iyon ni Vanessa. Nang makabalik at makaupo ito sa tabi ko ay natanaw ko ang pamumula ng leeg at ng kaniyang mukha, hindi lang dahil sa kahihiyan na natatamasa, malamang din sa nararamdaman niyang init sa katawan. Nagawa pa ako nitong lingunin, samantala ay nang-aasar ko naman itong tinitigan. I never thought of Vanessa and Paul Shin having an affair, pero infairness, ngayon ko lang na-realize na maganda ang chemistry nila. Sa tagal na nilang magkasama sa buhay at nakatira sa iisang bahay, siguro ay gamay na nila ang ugali ng bawat isa. Alam nila kung paano limitahan ang sarili at kung hanggang saan lang dapat sila. Well, hindi ko lang alam ngayon na sampung taon na ang nakararaan at pareho na silang may pangangailangan. Parehong naging kibit ang balikat namin ni Vanessa, siya namang pag-ikot ng bote para sa susunod na sasalang. Titig na titig pa ako roon hanggang sa unti-unti iyong bumagal, kalaunan nang tumapat ang nguso ng bote sa katawan ni Melvin. Wala pa sa sariling nag-angat ako ng tingin dito at kaagad na nagtama ang mga mata namin. Ibig sabihin lang ay kanina pa niya ako tinititigan at hinihintay lang na lingunin siya, nasilayan ko pa ang paghulma ng isang malademonyong ngisi sa kaniyang labi dahilan para lumubog ako sa kinauupuan ko. "Okay, next na si Melvin. Choose your partner," anang Gabriel na panay ang tawa. Samantala ay hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko kay Melvin, kaya nasundan ko kung paano ito tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Isa-isa pa niyang sinisipat ng tingin ang mga taong nakapalibot sa lamesa. Sa tingin ko ay nang-aasar lang ito, bandang huli nang bumagsak ang atensyon niya sa akin na mas lalong nag-udyok sa akin na magpakain na lang sa lupa. Bulgar na nagtataas-baba ang dibdib ko para sa hindi maipaliwanag na kaba. Mukhang babawian niya rin ako sa kaninang pagsampal ko sa kaniya ng pouch ko. Nasilayan ko pa ang marahan niyang pagdila sa natutuyo nitong labi, partikular doon sa napuruhan ko na ngayon ay may maliit na sugat. "Lick wine or beer of off someone's cleavage," pahayag nito na binabasa ang nakasaad sa hawak niyang card. Oh. My. Freaking. Goodness. "Tangina, sa wakas! Mabibinyagan na rin ang dila ni Daddy Melvin!" malakas na sigaw ni Paul Shin, rason para maghiyawan silang lahat. "Go, Chloe!" segunda ng walang hiyang si Vanessa na itinutulak pa ako upang makatayo. Ito na yata ang sinasabi ni Melvin na run for my life. Kamuntikan pa akong ma-out of balance sa katutulak sa akin ni Vanessa, mabuti at nagawa rin niya akong hawakan at hinila pa ako patungo sa gawi ni Melvin. Sa kawalan ko sa tamang ulirat ay hindi na ako nakapalag, nagising na lang din ang diwa ko nang si Vanessa na rin mismo ang sumaboy ng beer sa cleavage ko. Sa ginawa nito ay nanuot ang lamig sa balat ko, kaya halos mapapikit ako. Sa suot ko pang v-neck and halter type of dress ay naging lantad ang dibdib ko. Inayos iyon ni Vanessa, bago siya umatras upang ibigay ang pwesto kay Melvin na nagawa pang sakupin ang espasyong nakapagitan sa aming dalawa. Walang emosyon ang mukha nito, pero nakapaloob sa parehong mata niya ang mapaglarong ngiti. Hindi ko lang din malaman kung para saan, kung tama bang dahil sa literal itong nang-aasar o dahil sa pagnanasa? Alin man doon ay hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin nang magsimulang yumuko si Melvin sa harapan ko, hudyat upang matigil sa ere ang paghinga ko habang damang-dama ko na sa dibdib ko ang mainit niyang hininga. Sa samu't-saring nararamdaman ng katawan ko ay nanginig ang mga tuhod ko dahilan para wala sa huwisyong napahawak ako sa magkabilaang balikat ni Melvin. Doon ay naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang muscles. Hanggang sa dahan-dahan nitong idinampi ang basa niyang dila sa cleavage ko, kasunod nang mariin kong pagpikit at ang mahigpit kong pagkapit sa suot niyang white polo. Sa oras na iyon ay para bang nasa amin lang ang spot light. Wala akong ibang maramdamang tao sa paligid ko kung 'di ay kami lang ni Melvin. Wala akong ibang marinig, kung 'di ang malalalim naming paghinga, pati na rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. Sa bawat paghagod pa ng dila nito sa balat ko ay ang kakaibang init na nanunuot sa kasuluk-sulukan ng kaibuturan ko, rason iyon nang pagkabuhay ng diwa at ng dugo ko. Nag-init ang batok at magkabilaan kong tainga. Aware din ako na mukha na akong pinitas na kamatis sa sobrang pamumula ng leeg at mukha ko. Hindi pa nagtagal nang umahon si Melvin, doon lang ako nagdilat at ilang beses pang napakurap-kurap sa kawalan. Sandali kaming nagkatitigan, ngayon ay naging visible na sa paningin ko ang pagsasayaw ng pagnanasa sa dalawang mata nito. Muli niyang dinilaan ang labi, kaya bumaba ang atensyon ko roon. Hindi maiwasan na makagat ko ang pang-ibabang labi. Bago pa man din mapadpad sa kung saan ang takbo ng utak ko ay malakas akong tumikhim, nagawa ko pa siyang itulak nang mapansin kong nakahawak pa rin ako sa balikat niya, para lang akong napaso sa tindi ng init na nararamdaman ng katawan ko. Mabilis akong tumalikod at dali-daling bumalik sa upuan, hindi ko na magawang marinig ang hiyawan at sigawan nila dahil para akong namingi. Pabagsak akong naupo at nagawa ko pang ihilamos ang dalawang palad sa mukha ko. Yumuko rin ako at ilang ulit na ipinapadyak ang mga paa sa lupa. Nang hindi ako makahinga ay tumingala ako, para lang akong uod na hindi mapakali. Pakiramdam ko pa ay kailangan ko nang maligo sa sobrang init, kailangan kong maligo ng holy water. Kalaunan ang magsimula ulit ang pag-ikot ng bote, samantala ay hindi naman ako matapos-tapos sa kapapaypay ko sa sarili gamit ang kamay ko. Naubos ko na rin ang dalawang bote ng alak dahil masyadong nanunuyo ang lalamunan ko. Sa tagal ng laro ay nakailang bote yata ako, tuluyan ko nang hindi nasundan ang mga sumunod pang nangyari. Kapag tumatawa sila ay nakikitawa na lang din ako hanggang sa sabay-sabay silang nagsitayuan at nagsitakbuhan palayo ng lamesa. Kunot ang noo kong tiningala ang kaisa-isahang lalaki na naiwan sa pwesto namin, nakita ko si Trevor na hawak na naman sa kaniyang kamay ang dalang bible. Bumubuka ang labi nito, hudyat na nagsasalita siya ngunit ganoon na lamang ako namingi na wala akong marinig. Kilala ko ang sarili ko, masasabi kong ito ang palatandaan na lasing na nga ako. Panay pa ang pagtawa ko habang binabasahan ako ni Trevor ng bible verse na akala mo ay nasapian ng masamang espirito. Pumalakpak ako, maluha-luha rin ang parehong mata ko sa ilang beses akong humagalpak ng tawa. Mayamaya lang nang marahas na isinarado ni Trevor ang kaniyang bible at masama akong tinitigan. "Lasing ka na ba?" maang na pagtatanong nito. Siya namang pagtawa ko at saka pa itinuro ang sarili. "Huh? A—ako, lasing? Can't you see? Kita mo 'to? Dalawa 'to, hindi ba?" Itinaas ko ang daliri ko sa ere, saka iyon ipinakita sa kaniya dahilan para mapailing ito. "Isa lang 'yan. Hindi ka ba marunong magbilang?" palatak niya, kaya muli na naman akong natawa. "Ki—kilala mo na ba ako?" untag ko, kapagkuwan ay inilahad ang kamay sa harapan nito. "A—ako si Angelina Jolie—" Hindi ko na natuloy ang nais ko pang sasabihin nang may humila sa kamay ko kung kaya ay natigilan ako. "Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD