"Ano? Masaya ba?" dagdag ni Cheryl habang nasa kaniyang labi ang isang mapang-uyam na ngiti. "If you think happy ending is easy, then think again." What the hell is she doing here? Hindi naman siya invited dito, wala sa amin ni Melvin ang nag-invite sa kaniya. Unless na lang kung nang-gatecrash ito at sapilitang pumasok sa venue without an invitation. Sa pagdating niya ay literal na natahimik ang hapag, tila ba katulad ko rin na gulat na gulat sa kaniyang presensya. Mayamaya lang nang magbaba ako ng tingin kay Marvin, huwag niyang sabihin na siya ang nag-invite sa babaeng 'yan? "Nandito ka ba para lang manggulo?" anas ko, saka pa ito tinitigang mabuti. Siya namang mahina niyang pagtawa, tanda nang pang-uuyam nito. "Aww, ginawa mo naman akong kontrabida sa lovelife mo." Sa narinig ay n

