"Bakit mo pinauwi si Chloe?" Iyon kaagad ang bumungad sa pandinig ko nang makapasok ako sa bahay, kararating ko lang mula sa paghatid ko kay Chloe sa bahay nito. Ayaw ko man din na paalisin ito dahil mas gusto ko pa siyang kasama kaysa sa mga itlog na 'to. Mas gusto ko iyong ingay ni Chloe kaysa sa nakaririnding ingay ng mga ito. For the past years, simula college up to now na may sari-sarili na kaming trabaho ay sila na ang palaging nakakasama ko sa kaarawan ko, maging sa mga normal na araw namin. Ngayon nga ay gusto kong makasama si Chloe, wala lang akong choice kung 'di ang pauwiin ito dahil na rin sa katotohanang siya lang ang maiiwang babae rito. Isa pa, inilalayo ko lang siya kay Trevor na animo'y tinamaan ng masamang espiritu. Nang makalapit ay sinamaan ko pa ito ng tingin dahil

