Sa loob ng kwarto ay naabutan kong kapapasok lang ni Jinky sa banyo, wala si Elsa at mukhang nakatulog na iyon sa baba kung saan kasama pa rin nito si Andrew na malamang ay pareho nang lango sa alak. Napahinto pa ako nang makita si Cheryl na naroon sa kama niya. Nakatagilid ito ng higa at nakaharap sa pader, kaya likod lang niya ang nakikita ko at hindi ko alam kung tulog na ba ito. Ngunit sa katotohanang kanina pa siya nandito ay baka nga mahimbig na ang tulog nito. Kibit ang balikat kong naglakad palapit sa kama at pabagsak na inihiga ang sarili roon. Masuyo ko ring ipinikit ang mga mata upang namnamin ang magandang ritmo nang pagtibok ng puso ko, dala ng kakiligan ko. Ang gaan sa pakiramdam, feeling ko pa ay nakalutang ako sa ere na hindi ko magawang maramdaman ang bigat ng katawan k

