Chapter 1 - College Days

5000 Words
Natasha's POV Bago ako pumasok sa school inaayos ko ang sarili ko para maging maganda sa paningin ni Henry. Si Henry ang aking first boyfriend. Napaka gwapo at mabango, karamihan ng babae sa school nag-kakagusto sa kanya. Tuwing pag-kapasok ko sa school, lagi kong sinusulyapan si Henry sa room nila pero hanggang sulyap lang ako sa kanya at tuwing mag-kakasalubong kami ay parang wala lang. Tuwing sabado at linggo lang kami nakakapagkita at nag-kakaroon ng alone time together. After school napag-desisyonan ni Henry na mag-kita kami ng Sabado, 6:00 pm, sa Park. Ako ay nakaramdam nang galak at excite dahil si Henry lang naman ang pwedeng mag-desisyon kung kelan kami pwede mag-kita. Nung Sabado na, napaka saya ko at excited makita si Henry. Sa sobrang excited ko, dumating ako ng 5:00pm. Nilibot ka muna ang Park at nag-hahanap na rin ng mauupuan naming dalawa. After 2 hours. Wala pa rin si Henry. Chinat ko sya pero hindi sya nag-rereply. Naghintay pa rin ako ilang oras, wala pa rin siya. 10pm na, kelangan ko na umuwi. Umuwi ako ng luhaan, akala ko dadating sya. Hindi manlang siya sumipot, akala makakapag-usap na kami. Hindi ako makatulog sa kaiisip at sobrang lungkot. Hinihintay ko pa rin ang reply ni Henry sa chat ko. Kinabukasan, Linggo. Nakita ko si Henry sa simbahan kasama ang pamilya nya. Nilakasan ko na ang loob kong harapin siya. Lumapit ako sa kanya at sinabi kong "Bakit hindi ka sumipot kagabi? Alam mo bang ilang oras akong naghintay sayo?" "Huh? Sino ka? Lumayo ka nga sa akin." Sabi ni Henry sa akin. Ako ay hindi nakapag-salita kasi hindi ko inexpect na ganon ang sasabihin niya. Lumipit sa akin ang mama nya at sinabing "Lumayo ka sa anak ko! Hindi pumapatol sa matataba iyan!" Lalo akong nalungkot sa sinabi ng parents niya. Pinaalis ako at umuwi na lang sa bahay dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Never nya akong pinakilala sa parents nya kasi hindi pa raw siya ready. Pero naisip ko, pano kung dahil sa katawan ko kaya ayaw nya ako ipakilala? Lagi akong nakareceived sa kamag-anak ko na mataba na raw ako. Ang sakit isipin akala ko tanggap niya yung katawan ko. Kinabukasan, nawalan ako ng ganang mag-ayos ng aking sarili. Sobrang na-down ako sa mga sinabi nila. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin para matanggap nila ako. Kinabukasan, lumabas ako sa aming bahay para pumunta sa tindahan at may biglang humila sa akin sa gate. Nakita ko ang mukha ni Henry at may dala siyang chocolates para sa akin. "Sorry sa mga nangyari sa kahapon at sorry hindi ako sumipot nung Sabado. Sobrang busy ko kasi hindi na rin kita nareplyan sa message mo." Sabi ni Henry sa akin. Bigla akong umiyak kasi yun lamang ang aking hinihintay na sagot. Niyakap nya ako at binulong ko sa kanya na "ayus lang, mahal pa rin kita" Habang nag-lalakad kami tuwing may nakakasalubong kaming babae, laging tumitingin kay Henry. "Karaming tumitingin sa iyo hano? pogi mo kasi e." Pabirong sabi ko. "Inggit lang yang mga iyan hahaha" sabi nya sa akin. "Tama ka diyan, Babe." napatawa ako sa sagot nya at nawala ang aking lungkot. After namin mag-usap, hinatid ako ni Henry sa aming bahay. Nang makauwi na kami, naka-received ako ng chat nya na "Nag-enjoy ka ba kanina?" "Oo naman. Gumaan loob ko dahil sayo. Salamat, babe!" Reply ko sa chat nya. Habang nag-sscroll ako sa aking f*******:, nakita kong nag-bago ng profile picture si Henry. May nakita akong isang babae na nag-comment sa profile picture nya. "Pogi mo naman, love. Miss you!" comment ni Cassie sa profile pic ni Henry. Ako ay nainis at tinanong sya kung sino iyon. Bigla siyang nagalit at kami ay nag-away dahil lang sa isang babae. "Ano ba!? Classmate ko lang iyon! Tamang hinala ka na naman diyan!" Sabi ni Henry. "Classmate? Eh alam niyang mag-jowa tayo diba?" Nag-seen lang si Henry sa chat ko. Hindi ako mapakali ng ilang oras. Hanggang sa chinat ko ang mga kaibigan nya kung kilala ba nila si Cassie. Isa-isa ko silang tinanong. "Ahh si Cassie? Tropa lang yan." Sabi ni Jonathan. "Hmm, hindi ko siya kilala eh." Sabi ni Francis. "Classmate lang namin iyan." Sabi ni Christian. "Hindi niyo ba siya tropa?" Sabi ko. "Hindi ah" Sabi sakin ni Christian. "Sige, salamat ah." Sabi ko kay Christian Napaisip ako, bakit iba-iba ang mga sagot nila? Nagsisinungaling ba sila? Gusto ko lang naman malaman ang katotohanan, bakit parang ayaw nila sakin ipaalam? Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila. Kaya siguro mas mabuting kausapin ko si Cassie. Pinuntahan ko si Cassie sa classroom nila para kausapin. Hinintay kong matapos ang klase nila. Sa aking pag-hihintay bigla kong nakita si Henry may dala-dalang flowers. Bigla akong nag-tago sa sulok para tignan kung ano ang gagawin ni Henry. Uwian na nila Cassie. Lumipat si Henry sa kanya at binigay ako flowers. Nagulat ako sa aking nakita. Akala ko sila ay mag kaklase lamang ngunit may malala pa pala doon. Bigla ko silang nilapitan at sinampal si Henry. "Walang hiya ka! Akala ko ba classmate mo lang iyan!? Ikaw Cassie, malandi ka! Alam mo na ngang may jowa, nilalandi mo pa!" Galit na pag-kasabi ko. "What is this, Henry? Jowa mo itong mataba na ito? Are you a cheater!?" Sabi ni Cassie kay Henry. "Hindi ko jowa iyan! Kahit itanong mo pa kay Mommy. Siya tong obsessed na obsessed sakin. Lagi syang nag-iiskandalo, sinasabi niyang jowa ko siya kahit hindi naman! Lumayas ka nga dito, hanggang dito ba naman nagiging pabida ka!" Sigaw na sabi ni Henry. Pinilit akong paalisin ng mga kaibigan ni Henry. Kahit ayaw ko umalis, hinihila nila ako. "Akala ko ba hindi nyo sya kilala? Bakit..." umiiyak na pag-kasabi ko sa mga kaibigan ni Henry. "Oo na, Natasha. Sino ka ba para maging honest kami sayo? Sa itsura mong iyan, sa tingin mo mag-kakagusto sa iyo si Henry?" Sabi ni Christian. "Isa pa kayong mga walang kwenta! Hinahayaan niyo kaibigan niyo na mag-cheat. Hindi ba kayo marunong makiramdam ha!?" Sabi ko sa kanila. Nanginginig na ang aking boses. Sobra-sobra na ang tumutulong luha sa aking mga mata. Umalis na lang ako at umuwi na. Lagi na lang ako nasasaktan. Akala ko ang pagiging mataba ay normal lang dahil yun ang sabi ng akin mama. Bakit parang kasalanan ko na mataba ako? Lalong lumala ang galit namin sa isa't isa. Hindi kami nag-usap ng ilang araw. Minaha niyal ba talaga ako? Tanggap niya ba talaga ako? Hindi pa ba ako enough para sa kanya? Andami kong tanong sa aking sarili na parang nababaliw na. Bigla naka-received si Mama ng chat galing kay Henry. "Kumusta po, tita? Kumusta si Natasha? Ano pong ginagawa ni Natasha? Hindi po kasi sya nagrereply sa akin Tita e." Sabi ni Henry sa chat niya kay Mama. Pinabasa sa akin ni Mama ang chat ni Henry hanggang sa napilitan akong kausapin siya kasi hindi ko na rin sya matiis. Nag-plano si Henry na mag-kita kami. Ako ay pumayag na rin kasi miss ko na siya at gusto ko siyang kausapin. March 3. Nag-date kami sa isang restaurant para i-celebrate ang 2nd year anniversary namin. Kami ay umupo at nag-simula na kumain. "Ang tagal na natin babe no? Kain ka lang marami diyan ah, gusto ko lagi kang malusog." Sabi ni Henry sa akin. Tumawa ako nang pilit sa sinabi nya at sumang-ayon na lang kahit ako ay nasasaktan pa rin sa mga sinasabi niya noon. Habang kumakain kami, bigla syang napalingon sa maganda at sexy na babae. Ang mga mata ni Henry ay hindi na makaalis sa katawan nung babae. Para bang may gagawin siya sa babae na di kaaya aya. Biglang may tumawag kay Henry. Ang pangalan ay My C, pangalan na nakalagay sa cellphone niya.. Biglang sinagot ni Henry at siya ay umalis. Kahit isang paalam hindi niya magawa sa akin. Para bang wala ako dito sa tabi niya. Hindi ko na napigilan at sumabog na ang emosyon ko. Halos lahat ng ginagawa niya ay kaduda-duda. Nang makabalik na si Henry, kinausap ko siya. "Sino yang My C na yan? Si Cassie!?" Sabi ko sa kanya. "My Cat yan, babe. Nag-ooverthink ka na naman diyan. Ubusin mo na yang pag-kain mo at tayo ay may pupuntahan pa." Sabi ni Henry sa akin. "Hanep na My C yan! Ano! Gagawin mo na naman akong tanga. Lagi ka na lang ganyan!" "Hindi ko na kaya. Lagi ka na lang nag-sisinungaling. Tsaka wala ng kwenta itong relasyon natin kasi tago lang naman diba? Never mo akong pinakilala kahit kanino. Sa parents mo? Never. Sa barkada mo? Never! Kala mo kang tayong dalawa lang ang nakaalam ah! Girlfriend mo ako, Henry. Bakit parang ala lang ako sa iyo? Akala ko okay lang sayo itong katawan ko! Ano hindi pa ba ako sapat para sayo? Kaya jinowa mo itong si Cassie? Edi mag-sama kayong dalwa! Mag-break na tayo!" Pasigaw na sabi ko sa kanya. "Fine! Break na kung break. Alam mo naman pa lang niloloko lang kita. Hindi pa ba halata? Ganon ka ba katanga para hindi mo marealize na niloloko lang kita? Never akong pumapatol sa matataba. Ang pangit tingnan ng katawan mo mahiya ka naman! Alam mo ba bakit kita jinowa? Ginamit lang kita para gamitin ang katawan mo pero pasalamat ka hindi ko kayang makaramdam ng pag nanasa sa katawan mong mataba!" Sabi ni Henry sa akin. Sinampal ko siya ng marami. Galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang mawala sa mundo. Tinapon ko sa kanya yung juice. Halos lahat na lang ginawa ko dahil sa gigil ko sa kanya. Nag-walk out ako at iniwan ko na sya. Nasa bahay na ako. Pumunta ako sa kwarto para ilabas ang akin nararamdaman. "Hindi ko deserve ang katulad nya. Kelangan ko maging malakas at ayokong nakikita akong umiiyak ni mama." Sabi ko sa aking sarili. Blinock ko siya sa lahat ng social media para makalimutan ko sya at para wala na rin kaming connection sa isa't isa. "Anak, baba na diyan sa kwarto. Kakain na" Sabi sa akin ng aking Mama. "Opo mama pababa na." Sabi ko sa kay Mama. "Inhale exhale, Natasha. Kalimutan mo na siya." Sabi ko sa aking sarili. Napansin ni Mama na maga ang aking mga mata. Bigla siyang nag-alala sa akin at tinanong kung bakit maga ang aking mga mata. "Wala to, Ma. Sa buhangin lang po ito." Sabi ko kay Mama. "Nako, Anak. Ako pa ang lokohin mo. Sinaktan ka ni Henry hano?" Sabi ni Mama sa akin. Hindi ko kinaya at napaiyak na lang sa balikat ng aking Mama. "Hindi mo siya deserved, Anak. Ang ganda-ganda ng anak ko tapos sasaktan ka lang ni Henry? Walang hiyang bata pala iyon e." Habang ako ay cinocomfort ng aking inay. Lalong gumaan ang aking loob, mas nag-k aroon ako ng self confidence, at wag intindihin ang sasasabihin ng iba. Nag plano ako mag workout sa gym malapit sa amin para maging healthy at maayos ang aking katawan. Nakalipas ang ilang buwan ay pinag-patuloy ko pa rin ito. Habang ako ay nag woworkout mas nakakalimutan ko na siya. Nag desisyon ako mag workout ng may trainer. Siya ay si Trevor. Siya ang pinili ko kasi magaling daw siya mag train. Halos 4 years na siyang nag tetrain ng mga beginners sa gym. Malaki ang katawan, nakakatakot tingnan ang mga mata pero mukhang mabait naman. Pumunta na ako sa gym. Nakita ko si Trevor na nakaupo habang hinihintay ako. Bago ako lumapit sa kanya, napapaisip ko kung mapepressure ba ako sa ipapagawa nya sa akin pero mukhang hindi kasi bago pa lang ako dito. "Hi Trevor! Ako to si Natasha, yung itetrain mo. Angas ng katawan mo ah!" Sabi ko sa kanya. "Nice to meet you Natasha. Umpisahan na natin." Sabi sa akin ni Trevor. Lalo akong kinabahan kasi ang seryoso niyang makipag usap. Lalo na ang mukha niya. Nag umpisa na kaming mag workout. Nag decide akong ivideo ang aking workout para ma-inspire sa akin ang mga tao na mag workout din sila at turuan nang maayos na workout. Nag warm up muna at habang ako ay tinatetrain niya, bigla siyang nag open sa akin about sa na train niyang dalawa. Si Yelena at si Rashie. "Parehas silang babae. Mas marunong na silang mag-squat ngayon at pareho silang naka 150 squats" proud na pag kakasabi ni Trevo sa akin. "What? 150? Hindi ko kaya ang 150." Sabi ko sa kanya. "Sige. Gusto kong mag-shoot ka ng 150. Let's go, umpisahan na natin. 1, 2, 3.." Sabi ni Trevor sa akin. "I can't do this." Pagod na pag-kasabi ko. "Dapat mong bigyang kapangyarihan ang mga kababaihan sa internet. What's with this "Can't do" attitude? Akala ko ba sinusubukan mong turuan ang mga babae na mag ehersisyo. Come on, Natasha! "I am, pero mababaliw na ako sa 150." Sabi sa kanya. "So, let's go for it. 11, 12, 13...breath through it 23, 24, 25, 26...Come on, Natasha! I gotta give you something to remember me sa pag alis mo. 30, 31, 32... sige gawin mo ito para sa mga haters mo. 50, 51, 52..." "Hindi ko na kaya" Pagod na pag kakasabi ko. "Oo kaya mo yan!" Andaming pawis na pumapatak sa katawan ko. Grabeng workout ang pinapagawa sa akin ni Trevor pero na-eenjoy ako sa ginagawa namin. Habang ako ay pagod namomotivate pa rin ako sa mga sinasabi niya. "Sige Natasha. Nasa 90 ka na, 60 na lang. Don't play games with me. Let's go, Natasha. You can do it. Okay. 20 pa natasha" "oh my god. Hindi ko na ito makakaya pa." Sabi ko sa kanya. Nanginginig na ang aking legs pero patuloy pa rin kaming nag wowokout. "Isipin mo kung ano ang ginagawa ng ibang mga babae sa gym, kailangan mong pumunta nang higit pa kaysa doon! 145, 146, 147... okay 150! Sa wakas, nagawa mo na. I'm so proud of you!". Bigla akong napayakap sa kanya kahit ako ay pawisan. "Thank you so much, Trevor. Ang galing mo nga mag-train. Sa susunod ulit." Sabi ko sa kanya. Nakauwi na ako sa aming bahay. Inupload ko sa f*******: ang video ko, na ang caption ay "During workout". May workout routine na rin ako. Kumakain na ako ng healthy foods. Pasalamat sa mga nang bubully sakin at kay Trevor dahil sa kanila, lalo pa akong naganahan mag papayat. May kumatok sa aming bahay at nag taka ako, sinong tao ang kakatok ng alas onse ng gabi? Binuksan ko ang pinto, nakita ko si Yana. Si Yana ang best friend ko simula pa nung bata pa kami. Mas matanda sa akin si Yana at may trabaho na siya ngayon. Si Yana ay nag tuturo ng High School dito sa Pilipinas kaso umalis siya sa Pilipinas at nag kahiwalay kami. Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. Ang alam ko lang ay doon na siya tumira sa Canada. "Oh my god, Yana! Ikaw pala iyan. Grabe ang tangkad mo na kaysa sa akin ah. Halika, pasok ka na at malamig sa labas." Sabi ko kay Yana. "Ikaw rin, ang ganda mo na at ang sexy mo na. Ang laking na ng pinag bago mo." "Kamusta sa ibang bansa? Maayos ba trato ng mga tao sa iyo doon? Teacher ka rin ba sa Canada?" "Maayos sa Canada, Natasha. Yung mga tao doon ay sobrang mababait tsaka oo teacher pa rin ang kinuha kong trabaho sa Canada kasi gusto ko talagang nag tuturo." Hanggang madaling araw kami nag kwentuhan ni Yana dahil miss na miss namin ang isa't isa. Kinabukasan, pumunta kami sa isang kainan. Nakita ko si Trevor na nag-titinda at kinausap ko siya. "Uy ikaw pala yan Trevor. Nag-titinda ka pala ng pag-kain dito." "Hi Natasha. Yes. Matagal na akong nag-titinda para may extra income ako." Sabi sa akin ni Trevor "Trevor!?" Gulat na pagkasabi ni Yana. Habang kami ay kumakain. Nagkwentuhan kami ni Yana at biglang nagtanong siya about kay Trevor. "Jowa mo ba si Trevor?" "Hindi ah. Nagkakilala lang kami niyan sa gym. Tinetrain niya ako." "Ahh okay. Buti naman." "Anong buti naman?" "Ahh wala wala. Tapusin na natin itong pagkain natin, gusto ko na umuwi e." Habang naglalakad kami pauwi, hindi na ganon kadaldal si Yana. Kaya tinanong ko siya kung anong problema. "Yana, bakit ang tahimik mo? May problema ba?" "Natasha, ex-husband ko siya. Dahil sa kanya nasira ang buhay ko. Dahil sa kanya napapunta ako sa Canada. Mamaya ko na sa iyo ikekwento ang mga nangyari. Umuwi na muna tayo." Kami ay nakauwi na. Pinagpatuloy na ni Yana ang kwento niya. "Noong mag-kasama kami sa isang bahay. Narinig ko siyang may katawagan. " ... "Bulaglagan iyan si Yana at tanga-tanga sa akin. Hindi niya manlang nakita na hinawakan mo ang legs during meeting." Sabi ni Trevor sa katawagan niya. Pagkatapos niya itong marinig hindi makahinga nang maayos si Yana. Ang pinaka-mamahal niyang si Trevor ay isang cheater pala. "Limang tao lamang ang kasama sa meeting noon. Si Trevor, ako, at ang tatlong kong best friend. Nagulat ako kasi isa sa kanila ang lover ni Trevor!" Sabi sa akin ni Yana. Tinulungan niya ang itong tatlo para makapag aral sa kolehiyo. Naisip ni Yana na dapat niyang malaman kung sino ang traitor kahit ano man ang mangyari. Sa susunod na araw, umalis si Trevor saglit para bumili ng pagkain nila. Pumunta si Yana sa isang basement at nag umpisang maghalungkat ng mga gamit. May nakita siyang mamahalin na lipstick. "Binigyan ko si Clarice, Jona, Ruth noong birthday nila. Pano napunta sa bag ni Trevor yoon? Hindi ko alam ko sino sa tatlo ang may ari ng lipstick" Malungkot na pag kasabi sa akin ni Yana. Lumabas si Yana para kumalma at nag libot siya saglit. Ngunit habang nag lilibot siya, nakita niyang magkasama si Trevor at Jona. Sinundan niya itong dalawa. Nakita niyang nag-yayakapan ang dalawa. Hindi na mapigilan ni Yana at nag desisyon siyang tawagan si Trevor. "Love, andaming nakapila sa grocery store. Wait lang ah." Sabi ni Trevor kay Yana. Umiiyak si Yana habang siya ay pauwi. Bigla siyang nakita ni Ruth. "Omg Yana. Bakit ka umiiyak?" Sabi ni Ruth. "Hindi ko na kaya Ruth." Sabi ni Yana habang umiiyak. "Okay kalma lang. Bakit ka pa nasa labas? Umuwi ka muna. Mag-rest ka at matulog. Usap tayo bukas Yana, okay lang ba sa iyo?" Malungkot na pag kasabi ni Ruth kay Yana. Hindi mapigilan ang pag iyak ni Yana hanggang sa pag-uwi niya kaso narealize niyang nakalimutan niya ang cellphone niya sa labas kaya bumalik siya para kunin ito. May narinig siyang nag-tatawanan. Tinignan niya ito saglit at nagulat siya sa nakita niya. "Sabi ko sa inyo. Nag-tataka na yan si Yana" sabi ni Ruth. "Ha! Bulag yun. Wag kayong mag alala, ako ang bahala sa kanya." Sabi ni Trevor. "Pag nakipag hiwalay kana ibigsabihin sa atin na ang bahay niya. Tayong tatlo na ang titira doon!" Sabi ni Clarice. "Tama ka diyan, Clarice. Pwede tayong mag-kasama sa iisang bahay pero pano tayong tatlo mag-hahati hati kay Trevor?" Sabi ni Jona. Na-realize ni Yana na tatlo ang kabit ni Trevor. Silang tatlong mag kakaibigan. Nakaramdam si Yana na ginagamit lang siya pero hindi dahil doon mapipigilan ang galit niya. Nirecord niya ang mga sinabi nila at nakipag hiwalay kay Trevor. Habang na sa korte silang lima. "Lumabas ka sa terms ng inyong marriage contract. I'm annulling your marriage. Your ex-wife gets all the property." Sabi ng Judge sa kanila. After mangyari iyon. Ang tatlong best friend ni Yana ay lumapit sa kanya. "Kasalanan ito ni Trevor." Sabi ni Jona. "Patawarin mo kami, Yana." Sabi ni Clarice. "Magkakaibigan tayo, dba?" Sabi ni Ruth. "Hindi kayo tunay na mga kaibigan. Traydor kayo. Handa kayong siraan ang friendship natin para lang sa lalaki at sa bahay ko? Lumayas kayo sa paningin ko!" Galit na pag kasabi ni Yana. Nag-desisyon pumunta ng Canada si Yana para makalimutan niya ang lahat. After ilang months. Gusto niyang bumalik sa Pilipinas para bisitahin ako pero hindi niya inaasahang makikita niya ulit si Vector. May galit pa rin siya pero masaya siya at kasama niya ako. "I'm sorry, Yana. Hindi mo deserve si Trevor at ayaw ko na rin siyang makita! Hindi ko alam na nag ka asawa ka pala. Pero ayus na sa akin ngayon kasi sinabi mo na ngqyon lahat sa akin" Malungkot na pagkasabi ko kay Yana. "Okay lang, Natasha. Nakalimutan ko na si Trevor. Mag focus na lang tayo sa kung ano meron ngayon at mag spend ng time together, right? Wag natin sayangin ang oras natin sa mga lalaking trash at mga walang kwenta." "Tama ka diyan, Yana. Sulitin natin ang oras habang mag-kasama tayo. Tandaan mo nandito lang ako lagi para sa iyo. Hindi kita iiwan." Sabi ko kay Yana. "Ako rin naman. Thank you, Natasha. Matulog na tayo at may pupuntahan pa tayo bukas. Nag desisyon kami ni Yana na mag party kahit kaming dalawa lang. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong pumunta sa Bar. Iniimagine ko pa lang masaya. I feel super pretty kasi we spend so much time doing make-up. During the party. Hindi kami makahanap ng table. Kung saan saan na kami pumunta para may maupuan kami. May isang grupo na nag offer ng table. Pumayag kami ni Yana at nag pasalamat sa kabaitan nila. Umalis muna si Yana para kumuha ng maiinom namin. At nung pqbalik na si Yana, nakita kong may kasama siyang lalaki. Akala ko boyfriend niya pero si Cal pala. Kilala ko siya kasi siya ang aking childhood friend. Maliit lang naman ang aming lugar kaya nagkakilala kami. Nung mga bata kami, kami lang dalawa ang madalas mag laro at napaka bait niya sa akin, friendly pa. Tinanong ni Yana kung pwede maki upo si Cal. "Of course, Yana! Mas masaya pag marami!" Sagot ko sa tanong niya. Habang kami ay nag paparty. Na realize kong friendly pa rin si Cal at gwapo na. Inaya ko ng umuwi si Yana at hindi ko na kaya mag stay doon kasi sobrang lasing ko na. Pumunta muna kami sa tindahan para kumain ng soup para mawala ang aming hilo. Habang kami ay kumakain may nareceived akong chat galing kay Cal. Nag-taka ako bakit chinat niya ako. May naiwan ba siya na dala dala namin? May tatanungin ba siya? or what? "Nakauwi ka na ba?" Sabi ni Cal sa akin. Nagulat ako bakit naisip niyang ichat iyon kasi alam ko pag may nakakameet ka sa party, after niyong mag-party, magiging stranger na ulit kayo pero nag chat sa akin si Cal na para bang nag aalala siya. Nireplyan ko si Cal na pauwi pa lang kami ni Yana. "Ingat kayo ah! See u!" Reply niya sa akin. Haaa?? Anong see u? Magkikita ulit kami? What? Nalilito na ako sa actions niya pero mas nanaig ang pagkahilo ko kaya sineen ko na lang siya at umuwi na kami. Kinabukasan, inaya ako ni Yana para pumunta sa bahay ng kaibigan niya. Sinama niya ako para makilala ko rin daw ang kaniyang mga kaibigan kaso hindi ako sasama hanggat hindi ko pa tapos ang aking mga school works. "Tapusin mo na agad yan Natasha para maaga tayong makapunta sa kanila." Sabi ni Yana sa akin. Habang gumagawa ako ng school works naalala ko si Cal. Ano na kaya ang ganap niya sa buhay niya? Nag aaral pa rin ba siya katulad ko o may trabaho na? Kamusta na kaya siya... Naalala ko ang mga nangyari noon at gusto kong balikan kahit saglit. Tuwing kami ay nag lalaro, masaya at walang awayan. Ang turing namin sa isa't isa ay parang mag kapatid lamang. Siya ang lagi tiga pag tanggol sa akin tuwing may nang bubully sa akin sa school noong kami ay elementary. High School na kami, mas lalong tumangkad si Cal. Mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Nagkagusto ako sa kanya pero hindi ko maamin. Wala akong lakas loob kasi ayaw ko masira ang friendship namin ni Cal. Si Cal ang aking unang crush. Gusto ko siyang laging kasama kahit saan kami mag punta. Kahit anong ginagawa namin nag eenjoy akong kasama siya. Lumipas ang ilang taon, Senior High School na kami. Sabay sana kami mag eenroll sa school na papasukan namin pero naka tanggap ako ng email mula sa kanya. " Cal Holland Canada Toronto City, 3452 My friend, Natasha Miss ko na kayo agad diyan. Nakakalungkot sabihin pero need kong umalis sa Pilipinas. Nag decide sila Mommy and Daddy na dito na ako mag aral sa Japan. Kahit ayaw kong pumayag kasi ayaw kong malayo sa iyo pero hindi pa rin pwede kasi mas makakabuti raw ito sa akin. Salamat kasi lagi ka lang na sa tabi ko kahit malungkot man o masaya. Salamat sa pag aalaga at suporta mo, walang makakapantay niyan ng kahit sinong tao dito. Sana mag kita ulit tayo sa future. Mamimiss kita, Natasha. Salamat ulit sa lahat. Good bye. Sincerely, Cal " Pag katapos ko itong mabasa, muntik ko na itong masira dahil sa mga patak ng aking mga luha. Napaka lungkot isipin kasi si Cal lang ang nakakaintindi sa akin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, bakit hindi na lang kami mag usap ni Cal sa messenger para mas madali. Bakit gusto niya pa isend sa email account ko? f*******:, Twitter, at i********: ni Cal ay hindi ko alam. Kaya laking gulat ko nung chinat niya ako. Pinigilan ko na ang sarili kong isipin ang nakaraan dahil baka nakalimutan na nila Cal yoon at mas nag-fofocus na sya kung ano ang nagyayari ngayon. Tinuloy ko na ang aking school works para matapos ito agad. Biglang pumasok sa kwarto si Yana at nakitang namumula ang aking mga mata. "Oh anong nangyari sayo, Nata? Naiiyak ka ba sa school works mo? Haha" pabirong sabi niya sa akin. "Oo nga eh. Grabe ang hirap nito pero matatapos ko na." "Sige. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ah." Sabi nya sa akin. "Sige. Thanks Yana." Naka punta na kami sa bahay ng kaibigan ni Yana. Laking gulat ko andito si Cal at may dalawa pang lalaki. Si Taine at Rick ay kaibigan din ni Cal at Yana. Kaya ayos lang sa akin kahit kasama sila kasi mukhang mapag kakatiwalaan naman. "Wait. Bago tayo mag umpisa, kilalanin muna natin ang isa't isa." Sabi ko sa kanila. Sumang ayon silang apat at nag simula na kaming mag pakilala "Si Taine at Rick ay isang Teacher din kagaya ko. Nagulat ako kasi Pilipino rin pala sila. Kaya natuwa ako at nakipag kaibigan sa kanila. Parehas lang ng lugar at school ang aming pinag tatrabahuhan kaya mas naging close kami." Sabi ni Yana sa amin. "Yes. Natuwa rin kaya kami ni Rick kasi akala namin dalwa lang kami doon tapos nakilala namin si Yana kay mas nasiyahan kami, diba Rick?" Sabi ni Taine sa amin. "Oo nga eh. Nag bago kaya buhay namin nung dumating si Yana hahaha." Pabirong sabi ni Rick. Kami ay nag tawanan at mas naging komportable na akong kausap sila. Napansin ko si Cal na hindi ganon kadaldal kaya naisip kong siya naman ang topic namin. "Pano niyo pala nakilala si Cal." Tanong ko sa kanila. "Ay nako. 'Yang si Cal mahilig din sa party 'yan. Doon namin siya nakilala. Mag isa lang kasi siya kaya pinuntahan namin." Sabi ni Taine. "Kaya naman pala. Ang hihilig niyo pala mag party eh. Kaya naman pala inaya agad ako nitong mag party ni Yana." Sabi ko sa kanila. "Tsaka alam mo ba umiyak iyan noong lasing na lasing na siya! Hahaha" sabi ni Yana. "Oo sis. Tinanong namin bakit siya umiiyak. May namimiss daw siya!" Sabi ni Rick. "Nako. Kayong tatlo tumigil muna kayo diyan. Mamaya na ulit ang kwentuhan, kumain muna tayo. Nagugutom na kasi ako eh." Sabi ni Cal. "Sige na nga! Ako rin gutom na eh." Sabi ni Taine. Medyo nalungkot at medyo masaya ako para kay Cal. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam na nag karoon na pala siya ng jowa sa Canada. Simula nung umalis na siya dito sa Pilipinas, wala na akong alam sa nangyayari sa buhay niya. Umalis muna sila Yana, Taine, at Rick para bumili ng pag kain. Naiwan kaming dalawa ni Cal sa bahay. Nang makaalis na silang tatlo. Kinausap ako ni Cal. "How are you, Natasha? Nakita mo ba yung chat ko sayo?" "Ayus lang naman. Oo, nakita ko hindi ko na nareplyan kasi sobrang hilo ko. Ikaw rin, kumusta ka na ba? Nag kajowa ka na pala. Good for you." Sabi ko sa kanya. "Eto nag aaral pa rin. Ang balak kasi ng parents ko dito ko ipag patuloy ang pag aaral ko na mag nurse. Tsaka Anong jowa? Wala ah. Never pa ko nag kajowa hano." "Weh... e sino yung sinabi nila yung miss na miss mo na raw?" "Gusto mo talaga malaman?" Sabi niya sa akin "Of course! Wala na kaya akong balita sa iyo simula nung umalis ka dito sa Pilipinas." "Ikaw lang naman eh. Hindi ko alam bat hindi kita makalimutan. Sobrang namiss kita nung nag ka hiwalay tayong dalawa. Wala akong masabihan ng problema doon. Si Mom and Dad, busy sa trabaho. Kaya hinahanap hanap kita." Speechless ako at napayakap na lang sa kanya. Parehas kaming naiyak. Ngayon lang ulit namin nakapiling ang isa't isa. "I miss you too, Cal. Hindi ko expect na mag kikita ulit tayo. Buti na lang naging kaibigan mo sila Yana at napauwi ka rin sa Pilipinas." Dumating na sila Yana, Rick, at Taine na may dalang foods at drinks. Hinanda na namin ang aming kakainin. Habang kami ay kumakain biglang may nag notif sa cellphone ni Yana. "Guys, need na namin bumalik sa Canada after 2 months. Sorry, Natasha. Ilang buwan lang kami dito tsaka pag balik namin doon, sobrang busy na kami." Sabi ni Yana sa amin. "Alam niyo, kahit onting oras lang tayo nag sama, nag enjoy naman akong kasama kayo. Tsaka bukas, uuwi na ako sa amin para puntahan parents ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD