CHAPTER SIX
“It’ll be Aeshia.”
Tila nanuyo ang lahat ng dugo sa katawan ko. Mukha akong kinuryenteng hito at nanlaki na lamang ang mga mata ko. Hindi ako nakaimik dahil sa matinding pagkabigla.
“Aeshia?” mahinahong tanong ni Sir Louie.
“The makeup artist?” tanong pa ng isa.
“Her?” sambit pa ng isa at itinuro ako.
“Yes, yes and yes,” sagot ni Air at tumango sa kanilang tatlo.
“Why not?” Gulat kaming lahat na napatingin kay ma’am Fritz. “She’s tall and she have the looks. Kulang lang siya sa push but I trust her.”
“P-po?” maang na tanong ko.
“So what are we standing here for? Let’s do this,” sambit ni Sir Louie at lahat ay kumilos na.
Awtomatikong nahati sa dalawang grupo ang lahat. Ang karamihan ay na kay ma’am Fritz ang atensyon at naayon iyon sa kagustuhan ko. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko at lumulutang ang isip ko.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasuot ng designer dress at nakaupo sa harap ng salamin. Katabi ko si ma’am Fritz at mine-makeup-an siya ni Sir Louie, samantalang si Almyra ang sa akin.
Tulala lamang ako sa repleksyon ko sa salamin at sunod-sunod ang malalim kong paghinga. Wala akong kahit na anong background sa modelling at tikas kawayan ako.
“Loosen up, Aeshia.” Napalingon akong bigla nang magsalita si ma’am Fritz. “I see you’re a bit nervous.”
Hindi lang a bit ma’am. I’m freaking crying inside.
“Uh, h-hindi po ako marunong m-mag-model. Wala po akong background. Kilos kargador ako at magaslaw,” sagot ko.
Mahinang tumawa siya.
“Come on, you can do it. I don’t easily give my trust to anyone and I have no doubts giving it to you. I got you girl.” She winked.
“W-wait ma’am. W-what if I am not worthy of your t-trust?”
“Giving you trust is my choice, nasa sa’yo na kung sisirain mo,” sambit niya at ngumiti sa repleksyon ko sa salamin. “And I know you won’t, will you?”
“O-of course not, ma’am,” utal na sagot ko.
“That’s it,” she said as she snapped. “You told me you have no background at modeling, right? Come, stand up.”
Tumayo siya at umaliwalas lalo ang kaniyang mukha. Tumayo rin ako at tumingin sa kaniya.
“I said stand up.”
Takhang napatingin ako sa sarili ko. Nakatayo naman ako ah. Hindi naman ako pandak.
“Po?” naguguluhang tanong ko.
“Po?” paggaya niya sa sinabi ko. “Stand up.”
“M-ma’am… n-nakatayo na po ako,” naguguluhang sagot ko.
“NOT… in a proper way,” saad niya at pabirong tumalim ang paningin niya.
“P-po? Paano po ba?”
“Quacy? Is that you?”
“Po? Ma’am, ‘d-di ko gets,” nag-aalangang sambit ko.
“You don’t know Quacy? Of course you do. Quasimodo?”
“Joke ba iyon? Kung hindi kita amo natampal kita sa bunbunan,” bulong ko at bahagyang tumalikod.
“You aren’t a hunchback, are you?” tanong niya na tila hindi narinig ang bulong ko.
Mabilis akong napailing at pinigil ang tawa ko dahil sa kahihiyan.
“First of, stand tall and be confident. Ikaw ang bida rito,” panimula niya at lumapit sa akin.
Itinuwid niya ang likod ko, iniunat ang balikat ko at itinaas ang baba ko.
“Tumingin ka straight, leveled. Do not look up, nor down. Tuwid lang.”
Nag-aalinlangang tumingin ako nang diretso.
“You don’t always have to look at the camera, candid-like shots are better sometimes,” she said and it automatically sinked inside my system.
Tumango ako.
“Ikaw ang bida rito, but this won’t work without your cooperation with the photographers. Ikaw ang bida, but they are the bosses. Whatever they say, do it. You are the subject, but they are the artists.”
“Okay po,” I nodded with understanding.
“Should they tell you to project, you project. Should they tell you to look at the right, do as they say.” Tumango muli ako. “But I can assure you’ll have ease.”
“Po?”
“Airon is a good photographer, a really good one. You’ll feel no pressure with him. Plus, maaliwalas ang mukha niya, hindi iyan marunong magalit,” sambit niya at ngumiti. “So, best of luck, Quacy.”
Ngumiti ako bumalik.
Ilang sandali pa ako tinuruan ni ma’am Fritz at lumabas na kami ng tent ten minutes after. Hindi ako komportable sa suot ko at pakiramdam ko ay kakabagin ako. Strapless white dress na above the knee at white stilettos ang suot ko kaya nag-mukha akong tao.
Sa isang green field na may reception set-up nagtungo ang team na nag-aasikaso kay ma’am Fritz. Ako, dalawang crew, isang makeup artist, isang photographer at si Air naman ay nagpunta sa isang garden themed wedding na set-up.
Nang maisaayos ang lahat ay natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa green grass at nakalatag ang dress ko. Lahat ng kasama namin ay nakatingin sa akin at ang dalawang crew ay panay ang cheer sa akin.
“Let’s start then,” walang emosyong usal ni Air.
Sa isang mahabang buntong hininga ay hinarap ko na ang lahat at ngumiti.
“To start, medyo mag-bend backwards ka and do not look at the camera.”
“Uh, saan ako titingin?” maang na tanong ko.
Walang umimik.
“S-sorry,” sambit ko ngunit hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
“Come on. One… two…”
Huh? Shuta ka Air ba’t nagbibilang ka agad?
“Wait—”
“Three—”
Sabay na sabi namin. Sabay ring nag-flash ang camera at itinakip ko ang kamay ko sa mukha ko.
“What—” natigilan yung isang photographer.
“S-sorry. Hindi ko talaga—”
“Come on, let’s continue,” Air.
“Okay,” sambit ko at napalunok.
Akala ko ba maaliwalas mukha nito si Air? Tatadyakan ko ‘to.
“One… two…”
Sinunod ko ang instruction niya kanina at kaunting ngumiti.
“Three…” Nang kumislap ang liwanag ng flash ay napapikit ako.
“Hala, sorry nasilaw ako bigla,” paliwanag ko.
“It’s good!” usal ng isang photographer at gulat akong napatingin.
“Talaga?!” tanong ko sabay balikwas nang pagtayo.
“Yup. It appeared cute. Sweet mode as they call.”
“Nice, let’s continue then,” sambit ni Air.
Bumalik ako sa posisyon ko at medyo gumaan ang pakiramdam ko.
“Medyo itiklop mo ang binti mo,” sambit ni Air.
“H-huh?”
“’Wag ka bumukaka.”
Napalunok ako.
Isang shot, dalawa, at tatlo pa, unti-unti nang naging maayos na ang daloy ng photoshoot. Pilit kong ina-apply lahat ng itinuro ni ma’am Fritz.
“Act as if you’re smelling the flower.”
Ngayon ay nakatayo ako sa harap ng taniman ng bulaklak. Hawak ko ang isang tulip at mauubos na ang amoy nito kasisinghot ko ngunit hindi sila makuntento.
“Think of it this way, you are a goddess. You have all the beauty,” saad pa muli ng isang photographer.
“She is a goddess,” sambit ni Air. “She does have all the beauty,”
Napalunok ako. Tila biglang nanuyo ang lahat ng liquids sa katawan ko nang marinig iyon. Hindi ako marunong mag-take ng compliments at alam iyon ng mga nakakakilala sa akin. Kung dahil ba sa self insecurities o trust issue na baka pina-plastik lang ako ay hindi ko rin alam.
Nabalik na lamang ako sa sistema ko nang tumikhim si Air.
“And a goddess can do all well, so must you,” sambit ni Air at tila nilamon ako ng hiya.
Limang minuto, tatlumpu at isang oras pa, nakatapos na kami ng isang session. Ilang timba ng kapal ng mukha ang naubos ko at nanghihina na ako sa kahihiyan.
“She did well, I must say.”
“Actually, hindi nga halata na hindi siya nagm-model. Though medyo awkward nang una. But then, she surprisingly slayed.”
“Siguradong matutuwa si ma’am Fritz, hindi nasira ang tiwala niya.”
“Look at these. Who would ever imagine that a face like this hide behind the camera? She deserves to have the spotlight.”
Napangiti ako habang pinakikinggan ang bulungan ng isang photographer at isang crew.
“Kung hindi ako bakla jojowain ko iyan. Pigilan niyo ‘ko,” pabirong usal pa ng isang photographer.
Maya-maya pa ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakasuot ng white long gown at naka-bun ang buhok. Isang oras na lamang at mag-a-alas tres na at ito na ang huling photoshoot. Bilang panghuli ay ito ang pinaka-bonggang naisuot ko. Hindi ako komportable at ang bigat dalhin ng buong kasuotan ko.
“Tuloy na tuloy na ang kasal!!!”
Napalingon akong bigla nang maalarma ang lahat sa tili ng isang staff.
“Oh!!! My!!! Ghad!!! Mahabaging neptune!!!”
“Ang gwapo mo, Air!!! Seryoso ka, ikaw iyan? Kung wala akong jowa, papatusin kita!” tili pa ng isa.
Nang dumapo ang mata ko kay Air ay literal na napalunok ako. Mula sa maayos na pagkakasuklay ng buhok niya pababa sa sapatos ay hindi maitatangging deserve niya ang tili nila. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako nakakilos sa kinalalagyan ko.
“Ano? Okay na kayo?” sambit ni Air at tiningnan ang mga kasamahn naming staff.
“Okay na okay! Mukha kang mayamang business man tapos ipinamana sa’yo ang buong Luzon,” sagot ng isa.
“Sabi ko sa inyo e. Can’t imagine si Gerald ang nakasuot ng ganiyan, yuck,” dagdag pa ng isa at tiningnan yung isang photographer.
“Sa tingin mo gusto ko rin isuot iyan?” sagot ni Gerald.
“Hindi iyan bagay sa panot.”
“Gusto mo ibalik kita sa matris ng nanay mo?”
“Oh, teka, bago pa may kung anong maganap, tapusin na natin ‘to. Ang sikip ng suot ko,” putol ni Air sa dalawa.
“W-wait!” Lahat ay napatingin sa akin. “Anong—bakit nakasuot siya ng ganiyan?” naguguluhang tanong ko.
“’Di ba nga hindi nakarating ang jowabels ni ma’am Fritz na dapat ay pa-partner sa kaniya sa wed themed photoshoot. Kaya ayan ang life hack para sa’yo. Air to the rescue. Photographer na, model pa,” sagot ng isa.
Nagsimula ang last session ng photoshoot at nag-triple pa ang kaba ko no’ng simula. Nanginginig na ang mga kamay ko at gusto ko nang magpakain kay Air. Char, gusto ko nang magpakain sa lupa sa kahihiyan.
“Ready na ba kayo?!” masiglang tanong ni Gerald, yung isang photographer. “Ang tambalan ng taon!”
“Layag aking ship!!! AeAi! AeAi!” dagdag pa ni Almyra.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na pilit pinipigilan ang panginginig. Nakatayo si Air sa likod ko at hawak ko ang isang boquet ng pink and white roses.
“Kayo ang pinakamatabang na couple. Kaunting tamis naman!” kantiyaw ni Gerald na sinundan ng mga panggigigil ng mga staff.
“P-paano ba?” tanong ni Air at humaplos sa tainga ko ang tinig niya.
“Uh, paano ba i-explain. Lagyan niyo ng intimacy,” sagot ni Gerald.
“Ganito?” tanong ni Air at humakbang papalapit sa akin.
“Come on, Airon. Couple kayo hindi mag-LQ na senior citizen.”
“Ito, okay na ba ‘to?” saad pa ni Air at lumapit pa.
“Teka, paano ko ba ipapaliwanag? Ano, uhm—”
“Landian mo! Dagdagan mo ng essence of landi!” putol ni Almyra kay Gerald.
“Landi?!” gulat na tanong ni Air.
“Oo, like hawakan mo yung waist niya tapos mag-eye to eye kayo. Gano’n.”
Awtomatikong nagtama ang mga paningin namin ni Air. Bakas ang pagkailang sa mga tingin niya ngunit halatang nilalabanan niya ito.
Sandali pa’y may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan ni Air ang beywang ko. Hindi ako nakakilos at ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa pisngi ko.
“Look at each other’s eyes, then smile as if you’re the happiest persons in the world.”
We did so. We were looking at each other’s eyes as if we’re diving into each other’s deepest souls.
Ilang minuto pa ang lumipas, tila walang gustong gumalaw sa aming dalawa. Nakatingin lamang kami sa mata ng isa’t-isa na tila doon kami kumukuha ng lakas ng loob.
“For the last one, it’ll be a video so maintain the intimacy. You have nothing to do but say the sincerest I love you.”
Kusang nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Air ngunit napansin ko ang pagguhit ng ngiti sa dulo ng labi niya.
“One, two, three!”
At sa unang pagkakataon, sa harap ng iilang mga nakasaksi, sabay naming inusal,
“I love you.”