CHAPTER TEN
Alas singko na ng hapon nang matagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa kalye malapit sa aming bahay. Ang mga batang tila walang kapaguran sa paglalaro, mga taong ginagawa ang kani-kaniyang gawain at ang papadilim na paligid dahil sa paglubog ng araw. Ang lahat ay kaysarap pagmasdan.
"He was never a good father… not once," Airon said as he took a gulp of his softrink in can. "It's not a big deal though."
"Not a big deal? Bakit?" usisang tanong ko.
"He wasn't a good father, yes, but he saved mom's life. I still must thank him. He's my hero." He smiled.
"Hero huh?" I asked as he sounded really ironic.
"My father may have done a lot of stupid things, but the best mistake he did is teaching me not to be like him." He smiled a little bitter. "Never… will I be like him."
I nodded as I got his point. Until I contemplated deeply as something popped into my head.
"But if he never cared for you two, bakit siya pa ang humanap ng donor ng mama mo?"
"That's what I've been thinking as well. Siguro he cared, I mean, of course he did. Maybe just wasn't shown. I don't know. Ako iyong anak but until now he's a complete mystery for me."
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang bahay namin. Airon then thanked me a lot for granting his request. We had fun, deeply in our hearts. If only we could do it every day.
For the last time, I waved at him before passing the doorstep. Pagpasok ko naman ay dali-dali akong tumakbo sa bintana upang tanawin ulit siya. I was smiling, still with the idea of what happened. As he vanished, I sighed. Another well spent day.
Naratnan ko sa kusina si Almyra na nagluluto. Hindi ko napansin si Dalton, marahil ay naglalaro sa labas. Sumalampak ako sa isang upuan at nagbuntong hininga. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinimas ang sintido.
"Mapunit ang pisngi, gurl, ha!"
Napamulat ako nang marinig ang mapang-asar na boses ni Almyra.
"Sobrang saya? To the highest level? Hindi maka-move on?"
"Ha? Anong sinasabi mo?" natatawang tanong ko.
"Ha? Ha? Mama mo ha. Tingnan mo nga 'yang ngiti mo, abot batok," sabi pa nito at sinundot ako sa tagiliran.
"Sira ulo ka talaga."
"Ahehe ahehe, Aeshia niyo dalaga na!!!" kinikilig na tili pa ni Almyra.
"Ano ba, tumigil ka nga. Dalaga ka riyan."
"Shh, huwag na tumanggi. Nakikita ko sa mga mata mo," giit niya pa.
"Pinagsasabi mo?"
"Muta. Nakikita ko sa mata mo," tawa niya. "Char, subukan mo kaya tumingin sa salamin at nang malaman mo na kahit NAIA mahihiya sa lawak ng ngiti mo.”
“Ha? Sira, kung ano-ano na naman nakikita mo.”
“Sige lang, ideny mo pa. Maliwanag pa sa sikat ng araw, in love ka. Hmp, tara na lang do'n sa kusina, may pancake," pag-yaya niya sa akin.
"Ay wow, may pa-pancake si madam."
"Hmp, ako pa ba? Well, as expected from the kween. Pero wait, alam mo ba kung saan ko niluto iyong pancake?"
Tumaas ang kilay ko.
“Saan?”
"Sa rice cooker," tuloy niya saka tumawa.
"Sira? Pancake ta's sa rice cooker?"
"Gaga, anong akala mo sa'kin? Brainless bangus? Syempre hindi. Saka saan pa ba niluluto ang pancake?"
"Sa kawali?" tanong ko.
"Shunga, sa kalan."
Sumabog ang tawa ko at gusto kong hampasin nang malakas si Almyra. Pagdating talaga sa kalokohan ay hindi mapantayan ang utak niya.
Ipinaghain ako ni Almyra at ipinagtimpla pa ng gatas. Nakaupo ako sa harap ng lamesa at siya ay tila abalang-abala sa pag-asikaso sa akin. Nakakapagtaka ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang nang matanaw sa bintana ang kapatid ko. Masayang nakikipaglaro sa kasama niyang mga bata.
Minsan pa, sa hindi mabilang na pagkakataon, napangiti ako ni Dalton. Napakamusmos niya pa at kita ko ang tunay na saya sa mga mata niya. Ngunit nalungkot naman ako nang maisip na kung ako naman ang kasama niya'y hindi niya magawa ang mga ganoong ngiti, sapagkat napakalaki ng kasalanan ko. Siguro ngayon lang, hindi magtatagal ay mapapatawad niya rin ako. Pero hindi na ito tungkol sa sama ng loob niya, kundi sa konsensyang babagabag sa akin sa mahabang panahon.
"Masarap ba?" tanong ni Almyra matapos kong sumubo ng pancake sa unang pagkakataon. "Masarap ba ang asawa ko? Ha? Ahas ka!"
Tawa lamang ang isinagot ko.
"Anong nakakatawa? Sumagot ka!" sambit pa niya. "Hindi nga, no joke, masarap?"
"Oo? P’wede na.” sagot ko sa kaniya.
“P’wede na mag-asawa?" Tumili naman si Almyra at tumawa.
“P’wede ka na kunin ni San Pedro,”
Hindi naman sumagot si Almyra at sumimangot lamang.
"Teka nga, bakit parang napakahyper mo? Nakahithit ka ba?"
Doon ay biglang napahinto siya at nagsimulang kumilos nang bahagyang awkward.
"Hello? Kani-kanina lang pure energy ka, isang iglap ganyan ka? Umamin ka nga, nakadroga ka ba?"
"Sira, nagpapatawa ka ba? Wala na nga akong pambili ng liptint, bibili pa ako ng droga? Katol na lang mas mura pa,"
"So ano nga? Bakit paiba-iba ka ng emosyon? Alien ka ba?"
"Uh, kasi... ano," utal na sabi niya at nagsimulang kagatin ang kuko niya. "Kanina... si Mar--"
"Mar--?"
"Ano kasi e... Si M-Mar--" putol niya ulit.
"Sino bang Mar? Roxas? Dilawan yarn?"
"Si Marites. Char," tumawa siya sandali saka mabilis na nagsalita. "Si Martyn, nagpunta rito kanina, hinahanap ka."
Hindi ako agad nakaimik. Naubusan ako ng salita at hindi ko alam ang dapat sabihin, maging kung ano ang magiging reaksyon.
“Sorry…”
“Oh?” Tanging sabi ko habang nangangapa pa rin sa lawa ng nagkakagulong salita.
“Sorry na…marecakes...”
“Sorry saan?”
“Kasi pinapasok ko siya rito?”
“Pinapasok mo siya? Almyra naman—”
“E kasi—”
“Kasi?”
“Kasi si—”
Hindi na natapos ni Almyra ang sasabihin niya nang may pumasok mula sa pinto. Agad kong nilingon ito at tumambad ang nakangiti at may pawis na mukha ni…
“Dalton…” nag-aalangang tuloy ni Almyra. ‘Uh, maiwan ko muna kayo, magluluto pa ako ng almusal ni tita Ester— o-oo, kahit gabi kasi nag-aalmusal ‘yon,” mabilis na sabi ni Almyra at dali-daling lumabas ng bahay namin.
Nabalot naman ng katahimikan ang paligid. Maang lamang akong nakamasid kay Dalton at siya ay halatang iniiwasan ako.
Tumikhim ako.
“N-nanggaling daw rito si kuya Martyn mo?”
“Opo,” maiksing sagot niya.
“Uh, anong… ginawa niya rito? Bakit?”
“Hindi po ako nagiging bastos, pero alam ko na po kung saan ‘to pupunta,” sagot ni Dalton na siyang ikinagulat ko.
Hindi ako nakaimik at bakas ang pagkabigla sa akin.
“Opo, ate. Ako po ang dahilan kung bakit pumunta rito si kuya Martyn. Sinabi ko po kay ate Almyra na papuntahin siya.”
“Dalton? Bakit?”
“Kasi malungkot ako, ate. Kayo lang ni kuya Martyn ang kakampi ko noon pa man pero ikaw pa mismo ngayon ang dahilan kung bakit kailangan ko ng kakampi. Kaya kanino ako lalapit?”
Napalunok ako. Kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko ay ang pamumuo ng luha sa aking magkabilang mga mata.
“Pero ‘di ba sinabi ko na sa’yo na wala na kami ni Martyn? Hindi mo na siya p’wedeng papuntahin at tawagan anumang oras kasi hindi na siya katulad ng dati.”
“At hindi ka na rin katulad ng dati, ate. Nagsinungaling ka sa’kin. Kung anuman po ang nangyari sa inyo, wala ako ro’n. natapos kayo, kami hindi. Alam ko… at nakita ko na ganoon pa rin si kuya Martyn. Hindi siya nagbago sa akin at kaya siguro siya nagbago sa iyo ay dahil nagsinungaling ka rin sa kaniya.”
Matapos bitawan ang bawat masasakit na salitang iyon ay iniwan ako ni Dalton sa sala. Walang tiyak na tumatakbo sa isip ko at ang alam ko lang ay nasasaktan ako sa anuman ang nangyayari.
Ang mga mata ni Dalton… nakita ko ang bawat patak ng luhang inilabas nito, ngunit iba. Ang bawat luha ay sumisigaw ng matinding galit. Ni hindi ko na rin halos makilala ang kapatid ko nang dahil sa mga inusal niya. Hindi siya ganiyan, at hindi ko alam kung ako lamang ba ang dapat sisihin dahil sa pagbabago niya.
Palaging sinasabi sa akin ni mama noon, iba ang power of love. May mga bagay na hindi inaasahang magagawa mo dahil sa pag-ibig. Ngunit ang hindi ko makakalimutang bilin niya, iba rin ang power of hatred. Kung gaanong magagawa mo ang isang bagay dahil sa pag-ibig ay ganoon din sa galit. May mga taong nagbabago nang dahil sa galit. Ang ilan ay nakakapatay—ng sarili o ibang tao. At ang iba naman ay hindi na nagagawang umibig pang muli. Ang tanging makapag-iiwas sa galit at makapagpapanatili ng pag-ibig ay KATAPATAN.
Sa katapatan nabubuo ang tiwala. Ito ang pundasyon, dito magsisimula ang mas maigting na paglalagak ng pag-ibig. Sa kaso ko, salungat ang lahat. Nasira ko ang tiwala ni Dalton at tila nawala na rin ang pagmamahal niya sa akin bilang kapatid. Kagaya ng pag-ibig na papasibol pa lamang, ang lahat ay walang katiyakan.