Chapter Fifteen

1975 Words
CHAPTER FIFTEEN Attorney Shim sat beside Almyra and his presence gave me crazy chills down my spine. He is indeed victory greedy and now playing the case on his palm. “Mamsh,” rinig kong tawag sa akin ni Almyra. “Ang pogi pala lalo ni Attorney kapag in the zone? Nakita ko na siya na naka-corporate attire pero iba pala kapag seryoso at nasa trial court.” Tiningnan ko naman siya at sinenyasang tumahimik dahil malapit lang si Attorn—Prosecutor Allistair at baka marinig siya. “P’wede ko kaya siya iuwi? Baka lang naman hehe,” hirit pa ni Almyra dahilan para sikuhin ko siya. “Ito naman hindi mabiro. Sabagay, hindi naman talaga biro iyon.” Narinig kong bumungisngis pa siya at ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. “The prosecution rested its case. Defense?” sambit ng hukom at tumingin sa direksyon ni Ethan. Doon ay lakas loob siyang tumindig at hindi maitatanggi ang malakas niyang presensiya. Lahat ay nakatingin sa kaniya habang mabagal na lumalakad patungo sa harapan. Tanging tunog lamang ng kaniyang sapatos ang maririnig kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko dulot ng kaba. “Nicely done, prosecution.” Buong gulat na natunghayan ng lahat ang biglang pagbabago ng aura ng mukha ni Ethan. Ang kaninang seryoso at walang emosyong mukha niya ay binalot ng sarkastiko at intimidating look na hindi inaasahan sa kaniya. “However, isn’t it too early to believe your statements, Prosecutor Allistair?” He smirked. Ang mga tao naman sa loob ng bulwagan ay wala pa ring nagiging reaksyon. Lahat ay nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari. Sinulyapan ko si Prosecutor Allistair na diretsahang binanggit ni Ethan ang pangalan, nakatingin lamang siya nang diretso at wari’y hindi apektado. “Let us not make this long as well. Take a look at this.” Just then, Ethan presented something on the screen. Strange, the thumbnail appeared really familiar. Until I finally, slowly started figuring the familiarity out. I wanted to react soon as I realized it was the same footage, yes, Merlinda’s dashcam footage. Hindi pa man na-play ang video ay nakaramdam na ako ng matinding kaba. Nagsimulang manginig ang dalawang tuhod ko at nawala ako sa sistema. No, it can’t be the entire footage. Kapag nagkataong maipakita ni Ethan ang buong clip ng dashcam footage ni Merlinda, masisira ang plano namin ni Prosecutor Allistair. Malalaman ng lahat na gunshot ang dahilan ng pagkamatay ni papa at external factor lamang ang ginawa ng dalawang akusado. At kapag nangyari iyon, bababa ang hatol sa dalawang akusado at macha-chaarge ng evidence tampering si Prosecutor Allistair. Sinimulang i-play ni Ethan ang video at nakatingin ang lahat sa monitor. Halos madurog ang panyong hawak ko dahil sa mahigpit na pagkakakapit ko at pansin iyon ni Almyra. Posecutor Allistair then also showed signs of getting off guard, halata ang kaniyang pagkabalisa. Nagpatuloy ang footage at atentibo pa ring nanonood ang lahat. Walang nag-aalis ng paningin sa monitor. “Ojection, your honor!” Literal na ang lahat ay nagulat sa malakas at biglang pagsigaw ng isang babae. Maging si Ethan ay natigilan at napatingin sa kaniya. Ipinahinto ng hukom ang dashcam footage kay Ethan at tiningnan ang babaeng sumigaw. “O-objection po, h-hehe,” biglang mahinahon na sabi nito. “Pardon?” tanong ng hukom kay Almyra. “Objection po, kasi po, uhm.” Kumamot sa ulo si Almyra. “Iyan din po ‘yong kaninang video e, wala na bang iba? H-hehe, ano ‘to binge watching ng dashcam footage?” Ang lahat ay nagulat sa inusal ni Almyra, marami ang natawa at ang ilan ay nahiya dahil sa ginawa niya. Ako naman ay napasapo na lamang sa noo at napayuko. “Excuse me, Miss, do you know where you are?” mahinahong tanong ng hukom sa kaniya. “Trial court po, your honor,” sagot pa ni Almyra at hindi ko na magawang iangat ang paningin ko dahil sa kahihiyan. “Ay, bawal po ba mag-object? Char, e-excuse po, h-hehe.” Matapos sabihin iyon ay mabilis na nilisan ni Almyra ang hukuman. Tila saka lamang niya napagtanto ang kahihiyang ginawa niya. “Baliw ba ‘yon?” sambit ng hukom dahilan para matawa ang lahat. Si Prosecutor Allistair naman ay nakapagtatakang hindi tumatawa. Pinagmasdan ko siya at tipid na ngiti lamang ang nasa kaniyang mukha. He was just sitting still, now beside me, with his left hand resting on the arm of the bench. As I traced the direction he was looking at, it’s Ethan, who was doing the same thing he does. Ethan was also showing not much laughter and more of a game face. Nang maka-move on na lahat pati ang hukom sa kahihiyan ni Almyra ay ipinag-utos nitong ipagpatuloy na ang naudlot na paglalatag ng kabilang partido. Astounded, I saw Ethan raised his left eyebrow and mouthed, “Nice try.” Napatingin ako kay Prosecutor Allistair at napailing siya habang nakangiting sarkastiko. Nagpatuloy sa pagsasalita si Ethan bago muling ini-play ang video. “Uh, Prosecuto—” “Yes, Aeshia, inutusan ko si Almyra to do that. It was supposed to distract either the judge or Ethan,” putol niya sa akin sa mahinang boses. “Apparently, I failed to distract Ethan, but the judge was somehow distracted. I know it.” I looked at the judge. Seryoso ang mukha niya ngunit mapapansin nga na nag-iba ang aura niya. “Sa trial court, taking risk is not a major step—just one of smart ways to redirect the game.” Now I understand. I just got back on senses when I heard murmurs echoing around the court. As I looked at the monitor, it is now playing a minute before the cut that Prosecutor Allistair did. We’re doomed, for certain. I started trembling. My hands were madly wet and my knees going out of control. Prosecutor Allistair on the other hand was obviously off guard yet showing not a single emotion. Loud gasps then filled the pillars of the room as the video continued playing beyond what Prosecutor Allistair showed earlier. People exchanged looks and murmured a lot more, intrigued. Wala pa ring reaksyon ang mababakas sa mukha ni Prosecutor Allistair gayong lantaran nang ipinakita ni Ethan ang pagputol namin sa footage ng dashcam ni Merlinda. Nang sandaling matapos ang video ay saka tinapunan ng matalim na tingin ni Ethan si Prosecutor Allistair kasabay ng pagguhit ng isang mapanuyang ngiti sa labi nito. “Now,” malakas at ma-awtoridad na sabi ni Ethan. “No explanations needed, maliwanag pa sa sikat ng araw sa isang tanghaling tapat. As you all witnessed, the victim, Honrado Alonzo Jr. has been lying down on the ground before the accused even came along and perform any of the accusations thrown at them.” “So, you are saying that the victim didn’t die from the abdominal stabs caused by the accused, am I right?” nag-iisip na tanong ng hukom. “Yes, your honor,” kumpiyansang sagot ni Ethan. “How so? Prove it.” “Certainly, your honor.” Nagsimulang lumakad si Ethan mla sa kaninang kinatatayuan at sa witness stand. Sinusubukan kong basahin ang mga iniisip at pinaplano niya ngunit sa blankong ekspresyon ng mukha niya ay hindi ko magawa. “As shown on the previous footage, again, the victim had been on the ground before the accused showed up and did the obvious. However, we are still blind-eyed with the idea of why Honrado fell off his knees that moment because the videos shown by the prosecution had the last part corrupted—or trimmed, should I say?” Ngumiti siyang sarkastiko sabay tingin kay Prosecutor Allistair. “Anyway, let me show you another footage from that same night,” sambit ni Ethan at muling nagflash ng isang footage. Bigla naman akong napaisip kung ano ang ipapakita niya. Halatang pinaghandaan talaga niya kami at alam niya kung paano kontrolin ang laban. Maya-maya pa ay nagsimulang mag-play ang isang video. Ito ay isang CCTV footage. Bahagyang pamilyar ito sapagkat ang CCTV ay ang nasa M. Roxas. Nang tingnan ko naman ang oras sa CCTV footage ay saka ko lamang na napagtanto na iyon ay ang CCTV footage na minsan nang ipinanood sa akin ni Prosecutor Allistair para sabihing maaaring binaril si papa. At hindi ako nagkamali, nagpatuloy ang video hanggang sa pagkakataong maglabas ng baril ang lalaki sa video. Ilang sandali pa ay naputol ang video. Nagkaroon ng bulungan ang mga tao. Sa mga pagkakataong ito ay mas mahina lamang, tila hindi nila alam kung kailan ang tamang oras para mag-react. “The footage gave us an idea on what might have happened earlier than the victim’s encounter with the accused. However, does this mean that the victim was shot?” Ethan asked and I felt myself shaking. What is this man doing? Why does it feel like he’s resolving the entire case? His job is just to defend the accused! “No, definitely not, because as I have said, the video just gave us an idea that there could have been an external factor associated with the victim’s death, and it was not just the action performed by the accused.” The judge’s eyebrows furrowed. Slowly getting confused on what Ethan was doing. “Mr. Grey, you’re the defense,” sambit ng hukom kay Ethan. “Yes, your honor,” sagot ni Ethan while obviously planning to continue what he has been doing the whole time. Nagpalinga-linga ako at ang lahat ay bahagyang naguguluhan na rin. Si Prosecutor Allistair naman ay wala pa ring reaksyon ang mukha. “Now I need all eyes here as I answer all the thoughts in your head,” saad ni Ethan at tumingin sa kaniya lahat. “For I now present you, Honrado Alonzo Jr.’s autopsy report.” Nang marinig ang mga salitang inusal niya ay literal na bumagsak ang panga ko at tinakasan ng mga salita. Si Prosecutor Allistair ay ganoon din. Tila nilamon ako ng malaking pagkagulat at hindi ko lubos maisip ang dapat kong maging reaksyon. ~~~ Namalayan ko na lamang ang sarili ko na hindi pa rin makapaniwala sa mga nagaganap. Kung paanong nakuha ni Ethan ang full dashcam footage ni Merlinda, ang buong footage ng M. Roxas at higit sa lahat, ang autopsy report ni papa. Hindi ko rin maproseso na nagawang maisara ni Ethan ang kaso ng dalawang akusado sa loob ng isang paglilitis at paanong nabasura ang lahat ng pinagplanuhan namin ni Prosecutor Allistair. “RTC branch 17, case number 860014, people of the Philippines versus Rolando Perez and Hugo Salazar,” panimula ng hukom at ang lahat ay maang na nakikinig. Kinakabahan man ay nananaig sa isip ko ang ginawalang pag-manipula ni Ethan sa paglilitis. “…guilty beyond reasonable doubt and will be charged single case of homicide and to be sentenced of reclusion temporal in its minimum period or imprisonment for 12 years and one day to 14 years and 8 months. Case number 860014, closed.” Yes, dahil sa mga inilahad na ebidensiya ni Ethan ay nalamang hindi lamang ang akusado ang dawit sa pagkamatay ni papa. Bumaba ang hatol at sintensiya sa dalawang akusado ang naisara na ang kanilang kaso. Dahil nakakulong na rin naman ang dalawang lalaki sa footage mula M. Roxas street, hindi na iimbestigahan pa ang tungkol doon. Ngunit hindi pa rin tapos ang pakikipaglaban, sapagkat hindi pa rin naisasara ang kaso ng pagkamatay ni papa dahil sa inilabas ni Ethan na autopsy report. Natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa harapan ng isang lamesa at nasa tapat ko si Prosecutor Allistair na hanggang ngayon ay tila may malalim na iniisip. Ngayon ay nasa isang kwarto kami ni Prosecutor Allistair upang sandaling mag-usap ukol sa itinakbo ng paglilitis. Literal namang napabalikwas ako nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang seryosong mukha ni Ethan Luiz Grey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD