Ayumi Nagpunta na ako sa set kung saan gaganapin ang commercial shoot para sa isang sikat na cosmetic line. "Nabalitaan mo ba 'yung chismis girl? 'Yung latest issue tungkol kay Darren?" ani ng isang bakla na staff ng cosmetic line kung saan ako ang napiling endorser. Kanina pa sila chikahan ng chikahan tungkol sa mga artista. Napaghahalataan ang mga chismosa. Inaayusan ako ngayon ng make-up artist. "Hindi pa. Hindi naman ako active sa social media. Ano bang meron?" tugon naman ng kausap nito na babae. "May scandal lang naman si Darren. Diyos ko, Gretch. Panuorin mo 'yun. Grabe ang ano ni Darren. Ang galing sa kama," anito at napahagikgik. OMG. Totoo kaya 'yon? "Hindi nga? Si Darren talaga? Sure ka?" hindi makapaniwalang tugon ng kausap. Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ng k

