Ayumi Napabalikwas ako sa kama ng may marinig akong mga daing, hingal at malalakas na halinghing ng babae. Grrr. Wala na ba talagang respeto sa'ken 'tong tinamaan ng magaling kong kapatid? At talagang dito pa sa condo ko nagkakalat. Isusumbong ko talaga siya kay Mommy! Humanda ka talaga sa'kin Bukyo. Nang makalabas ako ng kwarto ay naabutan kong nasa sala si Akioh. Hayun at enjoy na enjoy sa panunuod ng adult video. Nagsalubong ang aking kilay. Ang mga kabataan nga naman ngayon. Talaga naman. Naramdaman niya ang presensya ko ng makalapit ako rito. "Ba't nanonood ka niyan, ha?" ani ko habang nakapamewang. Napalingon ito sa'kin. Bigla naman niyang itinigil ang panunuod ng malaswang video. "Ha?" pa-inosenteng tanong nito. "Sabi ko, ba't nanunuod ka niyan. Imbes na mag-aral ka ng les

