Ayumi "Be my girlfriend, Ayumi". Paulit-ulit ang mga salitang iyon na nagre-replay sa aking utak. Nahigit ko ang aking paghinga ng matiim siyang tumitig sa'kin. Naging eratiko ang t***k ng puso ko. Dahil sa halo-halong emosyon. I can't believe that he asked me that question. Napalunok ako ng bumaba ang kaniyang mata sa aking labi. Mainit ang kaniyang mga tingin sa aking labi. Biglang nanuyo ang aking lalamunan bago nagsalita. "Y-yyes..." nauutal na sagot ko. Pagkatapos ng date namin kagabi ni Darren, ay hindi man lang ako dinalaw ng antok. Kaya naman pupunta ako sa shooting ng isang bagong pelikula, kung saan nakakuha akong muli ng supporting role ng may malalaking eye bags. Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na ang nag-iisang Darren Miller. Oh My God. Para akong mababaliw sa mga

