Ayumi Ngayon ang kaarawan ng kapatid kong si Akioh. Sa isang private resort ang venue ng kaniyang birthday celebration malapit lang din ito sa aming bayan sa Silang. Nirentahan namin ito hanggang bukas ng tanghali. Nandito ang mga bad influence friends ni Akioh at ang kaniyang girlfriend na si Lizzie. Dumalo rin dito ang aking childhood friend na si Delaney all the way from Manila. May dala itong birthday cake para kay Akioh. Nandito rin si Mommy at ang ilan sa mga kamag-anak namin na tumulong sa pagluluto ng mga pagkain na dala namin dito sa venue. Naupo kami ni Delaney sa cottage. Nakasuot si Delaney ng puting two-piece swimsuit bikini. Ako naman ay floral two-piece bikini na nabili ko sa isang mall last time. Lutang na lutang ang ganda ng katawan ni Delaney. Pwede ngang mag-artista

