Ayumi "Ayumi, are you seeing Darren Miller? Are you in a relationship with him? Is he your boyfriend? Did you break him and Andrea up?" Napataas ang aking kilay. Mabanggit lamang ang pangalan ng babaeng 'yon nasisira na agad ang mood ko. Wala namang namagitan kina Andrea at Darren. Hindi rin sila naging real-life couple. So, paano niya nasabi na ako ang dahilan ng paghihiwalay nila? Unang-una wala silang relasyon ni Darren. Grrr. Malakas akong napabuntong-hininga. Nakakapanggigil na sila. "Nakita ka naming nagpunta sa condo ni Darren bago siya magpunta ng London. Are you guys seeing each other or just hooking up?" Napabuga ako ng malalim na paghinga. Napahilot ako sa aking sentido. Sumasakit ang ulo ko sa mga ito. Minsan talaga mahirap taguan itong mga paparazzi. Tuloy-tuloy lang ang

