Ayumi "Darren Miller and Georgina Ortega secret rendezvous in London. Are they rekindling their relationship? 10 Things You Need To Know About This Former Couple." Ang aga-aga ito agad ang bumungad sa'kin. Hindi pa nagsisimula ang araw ko nasira na agad ng dahil sa headline na 'to. Pinagpipiyestahan na sa social media ang larawan nina Darren at Georgina na nasa isang mamahaling restaurant sa London. Parang may pumipiga sa puso ko ng makita ang mga larawan nina Darren at Georgina sa internet na magkasama kahapon sa London. Wala akong kaalam-alam na nakipagkita pala ang boyfriend ko sa kaniyang ex. Malawak ang pagkakangiti ni Georgina sa larawan. Magkaharap pa sila ng upuan ni Darren. Animo'y nagde-date ang mga ito. Panay ang mga chat sa'kin nina Hannah at Coleen kung nakita ko na ba ra

