Ayumi Nagtimpla ako ng mainit na kape sa tasa para matanggal ang antok ko. Inaantok pa ako dahil kulang ako sa tulog. Alas dos na ng umaga ako tuluyang nakauwi dito sa aking condo. Inanyayahan kasi ako ng isa sa mga kaibigan ko sa showbiz sa isang birthday party na ginanap sa Valenzuela. Mamaya na magsisimula ang first day ko sa acting workshop. Si Sir Vince rin ang namamahala sa acting workshop na iyon. Makakasama ko ang ilan sa mga baguhang artist na hina-handle ni Sir Vince. "Magaling ka naman pala, Ayumi. Natural na natural 'yung pag-arte mo kanina," nakangiting wika ni Barbie. Isa siya sa mga naging bago kong kaibigan na hinahandle rin ni Sir Vince. Napakabait niya at napakagaang kasama. Walang kaarte-arte sa katawan. Kaya naman komportable akong kasama siya. "Hindi ko alam na bo

