Lunes ngayon kaya inagahan kong gumising. Agad na'ko naligo at nagayos—pagkatapos ay kumain na'ko at umalis ng bahay. Mag sa-sampung minuto na'ko na naghihintay ng tricycle palabas 'ano ba yan, maaga nanga ako nagising ngayon wala pa rin akong masakyan. Alanganan naman na lakarin lang papuntang labasan eh ang layo-layo non'. sabi ko sa aking sarili ng biglang may pumara sa harapan kong itim na bmw.
'sino naman toh?'.
" Hey, morning. Wanna ride? wala ka yatang masakyan—baka ma-late ka na naman sa klase ko".
Nagulat ako ng ibaba ang bintana nito ay si sir Jake pala. Naka itim na polo ito at naka Rolex na watch, suot n'ya rin yung salamin n'ya kaya lalo s'yang gumwapo.
"Ayyy kayo po pala sir—nakakahiya naman po kung sasabay ako sa inyo...." sabi ko sakanya.
"I insist. You can hop in." he said to me.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at umupo na ro'n. Agad namang pinaandar ni sir Jake ang sasakyan at tahimik lang ako na nakatingin sa labas ng bintana.
"Is that where you live?". pagputol n'ya sa katahimikan sa'ming dalawa.
"Ah, opo." I said.
"That apartment is big, ikaw lang naka tira do'n?. he asked.
"ahh, opo. Mas maganda din po kasi d'yan since medyo malapit po ito sa school tsaka ayoko na rin pong umasa kila mommy and daddy—".
" Pero pera pa rin nila ginagastos mo. Means umaasa ka rin sakanila kase pera pa rin nila yung ginagastos mo." he cut me off.
Nanahimik na lang ako hindi na nagsalita. Tama naman s'ya pera pa rin nila mommy yung ginagastos ko, anong gagawin ko eh wala pa akong trabaho. Nakarating na kami sa school at nauna na akong bumaba. Pinagtitinginan ako ng mga students dahil lumabas ako sa kotse ni sir Jake. ' Iniisip siguro ng mga toh na may namamagitan sa'min ni sir Jake. Big NO. 25 na yon at ako 19 pa lang.' sabi ko sa aking sarili.
Pumasok na ako sa first sub ko, hindi ko pala kasama ngayon si Yuna since mag kaiba kami ng klase ngayon, buti na lang andon si Steve. Kaibigan namin ni Yuna si Steve at Stella, couple silang dalawa nagka aminan nung highschool pa lang. " Hoy!, sa'n si Stella ba't 'di mo kasama?" sabi ko sakanya at tumabi sa tabi n'ya.
"Ahh, wala kasama n'ya si Yuna pareho sila ng first class eh" sagot n'ya sa'kin.
" Kawawa ka naman, 'di mo kasama bebe mo". asar ko sakanya at tinawanan n'ya lang ako.
"Buti ako may jowa eh ikaw? since birth wala".
"Hoy! masaya maging single noh! Malaya ka sa buhay mo!". inis na sagot ko sakanya. Tama naman s'ya nbsb ako, no boyfriend since birth. Marami namang nagkakagusto sa'kin pero 'di ko sila type. Puro mga playboy kasi.
"Himala, 'di ka late ngayon HAHAHA" sabi n'ya sa'kin.
"Maaga akong nagising eh". sagot ko naman sakanya. maya maya lang ay pumasok na si sir Jake para mag discuss. Habang nag di-discuss si sir Jake napapansin ko na naka tingin s'ya lagi sa'kin pero 'di ko na pinansin iyon at pinagwalang bahala ko na lang. Ilang oras naka lipas ay tapos na ang una naming klase. Napagisipan naming mag kakaibigan na pumunta at tumambay sa bagong bukas na milk tea shop sa labas ng school since matagal pa naman yung next na sub namin. Naka salubong namin si Andrew. Yung nagkakagusto sa'kin—matino naman toh, basketball player, pogi, matangkad ,chinito rin ito, walang bisyo ang kaso kapatid ito ni sir Jake.
"Hi Lina! sa'n punta n'yo?." tanong n'ya sa'kin.
"Ahh, dun sa bagong bukas na milk tea shop sa labas, gusto mo sumama?". sabi ko naman sakanya.
"Sige!!". Excited naman na pagsagot n'ya. Hinila ako bigla ni Yuna.
"Beh, ba't hindi mo pa kasi payagang manligaw yan, pogi naman s'ya, matino, basketball player, higit sa lahat matalino." bulong naman sa'kin ni Yuna.
"Hay nako Yuna, wala akong panahon para sa mga ganyan.". sabi ko naman sakanya.
"Hindi kaba nagsasawa sa pagiging single mo, Lina?". sabi naman ni Stella.
"Kaya nga. Hirap n'yan, sa'ting mag kakaibigan ikaw na lang single." sabi naman ni Steve at nagtawanan sila habang si Andrew naman ay nasa likod nakatingin lang sa'kin habang naka pasak sa tenga n'ya yung airpod n'ya kaya 'di n'ya kami naririnig.
"Ewan ko sa inyo. Ang saya kaya maging single." sagot ko sakanila at pumasok sa milk tea shop.
"Anong order n'yo? sagot kona." pagsasalita ni Andrew.
"Ha? hindi na may pera naman kami-" naputol ang sasabihin ko ng biglang mag salita si Yuna.
"Sa'kin, red velvet, kay Steve daw Okinawa, tas kay Stella naman daw strawberry." pag sagot ni Yuna at sinamaan ko ng tingin si Yuna at nginitian naman nila akong tatlo.
"How about you, Lina? what do you want?". tanong n'ya sa'kin.
"Matcha na lang" pag sagot ko sakanya at tumango naman s'ya at pumunta na sa counter para umorder. Hinampas naman ako ni Yuna sa braso at sinabing "Nako teh! jusko ko ka choosy ka pa eh! payagan mo na kasing manligaw yun! Paldo kana dun!" sabi n'ya sa'kin at tumango naman sina Steve at Stella.
Hindi ko na lang sila inimik at binaling ang tingin ko kay Andrew na umuorder. Tama nga sila—pogi si Andrew, matangkad, chinito, matalino at wala ring bisyo. Mayaman din ito. Nung isang araw nga pumasok ito na gamit ang Porsche nitong sasakyan. Hindi ko namalayan na nasa table na pala namin si Andrew at binigay ang mga drinks namin.
"Hey Lina? you okay? you seem off." sabi n'ya sa'kin at dun pa lang ako natauhan na nasa harapan ko na pala s'ya at inilapag na sa lamesa yung drinks namin.
"Ahhh, oo okay lang ako." pagsagot ko naman sakanya.
"You sure?" he asked again.
"Yeah." I answered
"Nako Lina, payagan mo na kasi s'yang manligaw naiisip ka pa d'yan." bigla namang sabi ni Yuna. Tumawa lang silang apat—pero nabaling ang atensyon ko sa tawa ni Andrew. Bilang lang yung tawa n'ya pero mahahalata mo naman na hindi peke iyon.