"Lina! ano na malalate ka na naman! magagalit na naman sa'yo si prof!" Yuna said to me on the phone.
" Malapit na'ko, medyo traffic lang" sabi ko naman. Ilang minuto lang naka lipas, I arrived at school and made it just on time.
" Buti naka abot ka, Wala pa si sir Jake HAHAHA". sabi n'ya sa'kin na may halong paghampas.
" Gaga ka talaga, pinag madali mo ba naman ako eh". Nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa pumasok si Jake at binigay ang test namin.
" Choose the letter of the correct answer. And most important, read the directions. Maraming bumabagsak sa inyo dahil hindi binabasa yung direction. You all may now start." he said.
Nag umpisa na yung test namin at napakamot ako sa ulo ko dahil sobrang hirap ng mga tanong. " Ano ba toh, nasa lesson ba lahat ng mga toh parang wala naman ah." sabi ko sa aking sarili na hindi ko alam na narinig pala ni sir Jake.
" Nasa lesson lahat yan Miss Lina. Sadyang hindi ka lang nakikinig." sabi n'ya naman sa'kin. Hindi na'ko nagsalita dahil sa hiya at sinagutan na lang ang test. Maka lipas ang isang oras natapos na namin yung test at naisipan naman namin ni Yuna na tumambay sa isang Milk tea shop since mahaba pa naman vacant namin.
Pinagusapan lang namin ni Yuna yung test kanina na napaka hirap at sobrang sakit sa ulo pagkatapos ay bumalik na ulit kami sa university. I zoomed out habang iniisip yung test at kahihiyan ko kanina. 'hay ano ba yan, sobrang hirap ng test. hinulaan ko lang yung iba dun. papasa kaya ako sa subject ni sir.'
Makalipas ang ilang oras the school finally ended at sobrang tuwa ko naman dahil makakauwi na ako sa wakas. Dumaaan muna ako sa isang bakery near by my apartment para bumili ng tinapay. Then I got into my apartment. Malami yung kinuhang apartment sa'kin nila mommy at daddy kahit ako lang naman mag isa dito. I choose to have an apartment para matutunan kong maging independent at malapit din kaso ito aa university namin pero kahit malapit ito aa univ namin ay lagi pa rin ako nala-late dahil sa sobrang bagal kong kumilos.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil naala ko na may gala pala kami ni Yuna ngayon since wala naman kaming pasok nag aya s'yang gumala sa kakabukas na mall. Dali dali akong naligo at nag ayos ng sarili, pagkatapos ay sinundo ko na si Yuna sa bahay nila.
" Akala ko mala-late ka na naman inday eh". sabi n'ya sa'kin.
" Maaga ako nagising ngayon noh!" nagtawanan lang kami at sumakay na ng tricycle papuntang labasan upang sumakay sa jeep. Sabi ko na mag SUV na lang kami or mag grab dahil mainit pero ayaw n'ya.
" Jusko ka Yuna. Dapat nag grab na lang tayo. Wala pa tayo sa mall hulas na make up ko!" sabi ko sakanya.
" Hulas na yan???? ba't ang ganda at fresh pa rin???" sabi naman n'ya sa'kin.
"Nambola pa nga" sabi ko at nag tawanan kami habang tinitignan ng mga ibang pasahero sa Jeep.
Nakarating na kami sa bagong bukas na mall at naisipan namin ni Yuna na kumain muna sicne gutom na rin naman kami. " Kain muna tayo, gutom na'ko eh. Hindi pa'ko nag almusal." sabi ko at umuoo naman s'ya. Pumunta kami sa Mcdo, s'ya ang umorder at ako naman naghanap ng table namin. Nakahanap na'ko ng table namin ng biglang may lumapit sa'kin na lalake. Si sir Jake pala ito.
" Hi sir, andito po pala kayo." sabi ko sakanya at umupo naman s'ya at tinanong ako kung sino kasama ko.
"Si Yuna po, nag order lang po s'ya saglit." sagot ko sakanya at maya maya pa ay dumating na si Yuna na dala dala ang order namin. Agad n'yang napansin si Sir Jake at binati ito ng magandang umaga. Ilang minuto lang at nagpaaalam na si Sir Jake. Napa isip ako kung bakit andito si sir Jake pero baka may binili lang siid ko sa aking sarili. Pinagpatuloy na lang namin ni Yuna ang pagkain.
"Yuna, sa susunod nga ayain natin sila Stella at Steve para 'di tayo nabuburyong HAHAHAH".
"Na'ko, maglalandian lang yung dalawang yun!" biro n'ya at tumawa naman ako.
Natapos na kaming kumain at napag desisyonan namin na sumaglit sa Watson para may bilhin. Bumili s'ya ng facial wash n'ya sa powder since naubos na daw yung kanya. Bumili naman ako ng body scrub at body wash tsaka lotion since naubos na yung stock ko sa bahay. Pumunta na kami sa counter para mag bayad, pagtapos ay naglibot libot muna kami sa loob ng mall since masyado pa namang maaga para umuwi.
"Ayyy nga pala Lina. Gusto mo sumama sa'min sa bar next week? mag b-bar kasi kami nila Stella at Steve. You know, katatapos lang ng exam eh we should take our time para mag saya". she said.
"Na'ko hindi ako nag b-bar Yuna, alam mo naman yan. Bukod sa ayaw ko nang amoy ng alak ayoko sa mga ganyan ganyan." sagot ko naman sakanya.
"Ito naman, minsan lang naman eh! bili na!." pagpipilit n'ya sa akin.
"Hindi mo'ko mapililit Yuna. Tsaka uuwi sila mommy galing sa business meeting nila sa Spain." I said to her.
" Ayyy oo nga pala noh, uuwi pala sila tita next week. Sayang!." sagot n'ya sa'kin. Naglibot libot lang kami saglit at napagpasyahan ng umuwi.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga para maglinis ng apartment ko. Linggo naman ngayon tsaka ngayong araw lag talaga ako nakakapag linis since sobrang daming gawain 'pag merong pasok. Pinusod ko ang mahaba kong buhok at sinimulan ko munang mag walis. Pagkatapos ay nag map ako ng sahig at hinugasan ang plato kagabi. Sinunod ko naman yung kwarto ko, pinalitan ko ng bedsheet at punda yung unan at kutson ko. Pagkatapos kong maglinis ay naligo na'ko. Nagbihis na'ko at napagpasyahan na magluto na ng tanghalin ko. Hindi ako palakain sa umaga kaya sa taghali at gabi na lang ako kumakain. Pagkatapos kong kumain ay nanoood na lang ako sa tv since wala naman na'kong gagawin ng biglang tumawag sila mommy at sinabi na dederesto sila dito sa apartment ko next week paguwi nila galing Spain.
'hays naboboring na'ko dito sa apartment. Sana may dalang pasalubong sila mommy galing Spain.'
Ilang oras naka lipas ay 'di ko namalayan na nakatulog ako na bukas ang tv. Pag tingin ko sa oras ay ala sais na tumayo ako at naisipan na maglinis ng katawan at kumain saglit. Pagkatapos ay nag toothbrush na'ko, nilock na yung pintuan ko at pumunta na'ko sa kwarto. Nag scroll lang ako saglit sa ig at nakita yung isang post ni sir Jake sa gym kung saan s'ya nag wo-work out. Kita sa picture ang malaki n'yang biceps at may pasilip s'ya sa kayang abs.
'apaka pogi talaga netoh no sir bah, swerte ng magiging asawa netoh in the future.'
Hinart ko iyon at napag desisyonan ng matulog at Lunes bukas—may pasok na naman. Pinatay ko na ang ilaw at natulog na.