Halos 7:00 pm na ako nakarating sa bahay dahil sa traffic na dinaanan namin kanina. Sobrang nakakainis si Manong Driver. Sinadya pa yata talaga palayuin ang ruta ko. Medyo nakakatakot siya talaga. But I'm glad that I'm still safe na nakarating at nakuuwi. "Good evening Mama. Nandiyan na din ba si Papa? " bati ko pa dito pagkatapos kong halikan ito sa pisngi at naupo sa couch katabi niya. "Oh hija, good evening din, I'm glad maaga ka today. Nasa kusina ang papa mo, siya ang nakatoka magluto ngayon. " masayang tugon pa nito sa akin. "Wow! Siguradong masarap ang dinner natin ah, si Papa ba naman ang nagluto e. " sabi ko pa habang sinisimulan ng hubarin ang stockings ko. "Nagprisinta e, ako na nga sana. Buti nalang at maaga kang dumating, matutuwa yon kapag nalamang nandito kana. Nami

