Chapter 1

1227 Words
"Rio tapos na ba ang sasakyan ni Mr. Ramos? kukunin na raw 'yan mamayang hapon" Tanong sa akin ni bossing, ang may-ari ng talyer kung saan ako nag ta-trabaho. "Okay na to boss, na ayos ko na ready to pick up na ito mamaya." Tumango lang ito at nag thumbs up sa akin. Hindi sa pagmamayabang isa ako sa mga magagaling nyang taohan kaya tiwala siya kapag sinabi ko na okay na ang sasakyan. Bata palang ako mahilig na ako sa mga kotse. Noong nag car wash boy ako, gustong gusto kong nililinisan ang mga magagarang sasakyan. Nangangarap ng gising na magkakaroon din ako ng maganda at mamahaling sasakyan pagdating ng araw. Kapag walang nag papa car wash tambay ako sa talyer na ito patingin-tingin lang noong una nag observe kung paano sila mag kumpuni ng mga sirang sasakyan. Hanggang sa isang araw tinawag ako ni boss Macho ar tinuruan. Kaya naman ngayon ay isa na ako sa pinagkakatiwalaan na mekaniko niya dito. Welcome kayo sa Talyer ni Macho Mekaniko. Ang sikat na pagawaan ng mga sirang sasakyan dito sa lugar namin. Dito ako namulat na hindi pala madaling kumita ng pera. Kailangan mong madumihan mag ka grasa para magkapera. Ito ang legal na dirty works at literal na hard work. Pero kahit isang mekaniko lang ako masaya ako at proud sa trabaho kong ito. Hindi ko ito ikinahihiya dahil sa trabahong ito nagtutulungan ko si tatay sa mga gastusin namin sa bahay. Na bibigyan ko rin ng pambaon sa eskwela ang aking mga kapatid. Mapalad ako dahil mabait ang amo ko at mga ka trabaho. Para kaming isang pamilya nagtutulungan at nagdadamayan, maingay at makukulit minsan pero kapag seryoso ang usapan may kwenta din naman silang kausap. Mukha lang kaming gusgosin sa trabaho pero kapag papasok at pauwi na, mukha na ulit kaming tao. Ako si Rio Valdez 25 years old, isang Mekaniko. Good boy at breadwinner sa pamilya. Ako ang panganay kaya tungkulin ko ang tumulong sa kanila. Ulila na kami sa ina kaya tulongan kami ni tatay sa paghahanap buhay. Kulang pa ang kanyang kita sa pamamasada ng tricycle kaya naisipan ko dati mag car wash boy hanggang sa na promote bilang mekaniko. Baon kami sa utang dahil sa pagpapagamot kay nanay noon, kaya kayod kalabaw kami ni tatay para may pambayad at may pang gastos kami sa araw-araw. May dalawa pa akong nakababatang kapatid na nag aaral. Ayaw kong matulad sila sa akin kaya magsisikap ako na maka ipon para sa kanila. Ayaw kong matulad sila sa akin na hanggang 2nd year college lang ang inabot. Pangarap ko na makapag tapos sila ng pag aaral. Sila na lang ang mag tutupad ng pangarap ko na iyon. Achievement na rin iyon para sa akin. "Boss! na ayos ko na ang sasakyan. Ito yung susi break time lang ako." tawag ko kay mang Macho sabay abot ng susi ng sasakyan. "Sige lang wala pa namang customer, may tinapay sa ibabaw ng lamesa ko pag hatian niyo nalang" Mabait talaga ang amo kong ito, kahit may edad na siya ay masipag pa rin sa papatakbo nitong talyer niya. Nag tungo ako sa opisina niya at kinuha ang tinapay sa ibabaw ng lamesa niy. Dinala ko ito sa labas at sakto naman na nandoon din ang iba sa labas. Tinawag ko ang mga ito at itinaas ang hawak kong supot ng tinapay. Parang mga patay gutom ang mga ito na nagsilapitan sa akin at kumoha ng tinapay. Sabagy sino ba naman ang aayaw sa libre. "Marshall bumili ka ng soft drinks dalawang bote" sabi ng pinaka matanda sa amin na si tatay Mario ito ang galante sa amin dito. Byudo na kasi ito at may mga trabaho na din ang nga anak niya. Kung tutuosin ay pwede na siyang hindi mag trabaho, pero ayon sa kanya hinahanap hanap raw ng katawan niya ang trabaho. Maaga siyang mamatay kapag tumigil dito at mag kulong sa bahay niya. Walang magawa ang mga anak niya kaya sinuportahan na lang siya sa gusto niya. "Ayos ang sarap talaga kumain kapag libre.." saad ng matalik kong kaibigan at kababata na si Marshall. Matanda lang ito ng isang taon sa akin pero halos sabay na kaming lumaki at nagka isip. Siya ang kasangga ko sa lahat, sa kalokohan at sa problema. "Rio kamusta naman kayo? mag iisang taon na pala ang nanay mo, ang bilis lang." tanong ni mang Tony sa akin. "Mabuti naman po, kahit papaano ay nakakabangon na sa pagka wala ni nanay." sagot ko. "Tol, mabuti hindi pa naisipan ng tatay mo mag asawa ulit. Isang taon na rin siyang tigang, mabuti nakakayanan niy– aray!! " daing ng kaibigan ko dahil binatokan ito ni mang Tony. "Bunganga mo talagang bata ka parang babae walang preno." Nag tawanan kaming lahat, si Marshall naman ay nagkakamot ng ulo napalakas ata ang pagkaka batok sa kanya. Umiiling nalang ako at hinayaan silang mag asaran. Sa isip isip ko, kung mag aasawa man ulit si tatay ay hindi ko siya hahadlangan. Pero duda ako na gagawin niya ito, mahal na mahal niya si nanay kaya alam kong mahihirapan siyang palitan ito sa puso niya. Sabuong buhay ko hindi ko nakitang nag away ang mga magulang ko. Simple lang ang pamumuhay namin pero masaya kami. Puno ng pagmamahalan ang aming tahanan, at pinalaki nila kaming magagalang. Kaya noong nawala si nanay para kaming nabaldado, lalo na si tatay. Para na rin siyang namatay kasama nito. Mabuti na lang naka bawi rin siya agad sa depression niya at unti-unting bumabangon mula sa lungkot at sakit. Naisip namin na kailangan kami ng mga naka babata kong kapatid kaya nag tulongan kami ni tatay sa pagpapaaral sa kanilang dalawa. __________ Ginabi na ako ng uwi dahil hinintay kong dumating ang may ari ng sasakyang ginawa ko. Tumingala ako sa langit at mukhang uulan pa. Wala pa naman akong rain coat na dala. Ilang sandali lang ay bumuhos na nga ang ulan. Hindi na ako tumigil at binagalan ko nalang ang takbo ng aking motor, madulas kasi ang kalsada mahirap na at baka madisgrasya pa. Sa hindi kalayoan may natatanaw akong sasakyan na nakatigil sa daan at naka hazard ito. Baka nasiraan ito, wala pa naman gaanong dumaan sa lugar na ito lalo na at pa gabi na at umuulan. Nagpasya akong tumigil para magtanong kung may problema ba ito. Pag lampas ko ng kunti sa sasakyan ay nag park ako sa gilid bago ko pinatay ang makina ng aking motor. Tinanggal ko ang suot kong helmet at nag lakad ako papalapit sa nakatigil na sasakyan. Tinted ito kaya hindi ko nakikita ang tao sa loob. Nang nasa tapat na ako ng pintoan ng sasakyan ay kinatok ko ang bintana. Naka dalawang katok pa ako bago ito nag baba ng salamin. Hindi ko makita ang tao sa loob dahil kunting siwang lang ng bintana ang binuksan niya. "Magandang gabi po, may problema po ba ang sadakyan niyo? naka hazard kasi kayo baka kaylangan niyo ng tulong mekaniko po ako." Pagkasabi ko na isa akong mekaniko ay binaba niya ng buo ang bintana, nagulat ako at napa tulala dahil hindi ko inaasahang ang nagmamaneho ng magarang sasakyan. Isang napakagandang babae pala ang nasa loob at mukhang nag aalinlangan pa ito at halatang nag pa-panic. Kung ganito kaganda naman pala ang tutulongan ko ay sulit lang ang mabasa sa ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD