Nahanap niyo na ba ang pinapahanap ko?” tanong ni Grimm sa kanyang personal assistant.
“H-hindi pa sir. Bukod kasi sa dinetalye mo ay walang nagkakatugma sa mga babaeng na-track namin,” sagot ng assistant niya.
Mahigpit niyang hinawakan ang ballpen niya. That woman. Ang lakas ng loob niyang iwan ako sa tabing dagat. Hindi man lang niya sinabi ang kanyang pangalan. “Balitaan niyo ako kapag nahanap niyo na,” pinal niyang sabi sa assistant niya.
Mabilis namang tumango ang lalaki sa kanya at lumabas sa kanyang opisina. Bumuntong hininga siya nang sumandal siya sa kanyang swivel chair.
Ilang oras ang lumipas ay tumayo siya mula sa pagkaka-upo at balak na lang na umuwi sa kanyang condo. Pagkalabas niya ay nakita niya ang kanyang assistant na nakakunot ang noo. “Percy, what happened?” tanong niya sa kanyang assistant.
Agad namang tumingin si Percy sa kanyang amo na may lito sa pagmumukha.
“Uhm... I-I don't know kung ito nga ba ang babae dahil kasal na po ito, sir,” nag-aalangan na sagot sa kanya.
Agad namang kumalabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. “Patingin,” walang emosyon na sabi niya.
Tumango muna si Percy ang assistant niya bago pinatingin ang isang litrato mula sa laptop. Unang kita pa lang niya ay napanganga siya dahil ang babaeng ‘yan ay iyon nga ang nakatalik niya noon sa Maldives. It's been months tsaka niya pa lang naisipan na ipahanap ito dahil kahit anong gawin niyang paglimot sa babae ay hindi niya magawa. “It's not her, dahil hindi ‘yon kasado,” pagsisinungaling niya. Umalis siya sa lamesa ni Percy na parang wala lang pero ang kanyang dibdib ay sobrang kumalabog na at para na itong lalabas. So she's married? Paano niya na ibigay sa akin ang kanyang p********e kung kasado na pala siya? Ano nga ba ang totoong dahilan? Dahil wala akong ibang maisip na maging dahilan niya. Mabilis na pumasok siya sa kotse at nagmaneho patungo sa kanyang condo. Kailangan niyang malaman kung saang lupalop ang babae. Nang nakarating siya sa condominium ay mabilis siyang nag-parking at agad lumabas sa kotse. Agad naman nitong tinungo ang isang elevator upang makaakyat sa tamang palapag. Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na nga ang isang bell hudyat na nakarating na siya sa tamang palapag. Bitbit ang suitcase ay naglalakad siya sa hallway. Dahil nasa pinakadulo ang kanyang condo, dalawang room ang binili niya noon at pina-renovate upang maging isang condo iyon; limang kwarto at malaking sala at kusina, may laundry room din siya. Pagpasok naman niya sa condo ay tinanggal niya agad ang kanyang necktie. May meeting kasi siya kanina kaya nagsuot siya ng pormal na attire. Kaagad naman siyang tumihaya sa mahabang sofa dahil nakaramdam ito ng pagod sa buong araw na trabaho at dagdagan pa sa isipin na natuklasan niyang may asawa na pala ‘yong babae.
Biglang tumunog ang kanyang selpon na ikinairita niya. Tinignan niya ito at nakitang ang kanyang matalik na kaibigan pala ang tumatawag. “Bro,” bungad niya sa kaibigan.
“Chill bro, I'm just asking if nahanap mo na ba ‘yong babae?” sagot ng kanyang kaibigan na si Kelvin.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa naging tanong ng kaibigan. “Why? May alam ka ba kung nasaan siya?”
Mahina namang natawa ang kanyang kaibigan. “Nandito ako ngayon sa Surigao. I have a business meeting here at meron akong nakitang babae na kamukha ng dinetalye mo. Maybe it's her?” hindi sigurado na ani ni Kelvin.
Humugot siya ng hininga. “Ang totoo niyan, nahanap na ni Percy ang babae pero kasal na pala siya.” Parang may kung ano sa kanyang boses na mahahalata mong may kakaiba.
“Ahuh! Bakit parang dismayado yata ang kaibigan ko?” mapanuyang sabi sa kanya ni Kelvin.
Kung siguro andito ito ngayon sa kanyang harapan ay nasapak na niya ito. “Shut it, Kelvin Tan,” sambit niya sa buong pangalan nito.
“Oops, easy bro. So gusto mo bang paimbestigahan ang babaeng sinasabi mo?” tanong sa kanya ng kaibigan.
Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Grimm. “Yes, imbestigahan mo ang buong pagkatao niya,” sabi niya sa kaibigan.
“Mula sa asawa ba?” mapanuyang sambit na naman ng kanyang kaibigan.
“Fućk you, Kelvin,” wika niya at agad pinutol ang tawag. Bumuntong hininga siya bago tumihaya ulit at ilang minuto ang lumipas ay agad nag-vibrate ang kanyang selpon hudyat na may dumating na text.
Agad niya itong kinuha at binasa ang text:
From: Tan
I will investigate that girl in exchange for your property in Cebu bro, no pay no work.
Napapailing na lang siyang ni-reply-an ang kaibigan. Alam naman niyang meron talagang kapalit ang kanyang pinapagawa lalo na’t isang Kelvin Tan ‘yon. Ipinikit niya ang kanyang mata upang umidlip muna saglit.
——————
“Anak Zafierra, kumain ka na at baka mapagalitan ka na naman ni Laurence,” nag-aalalang sambit sa kanya ni Nanay Edeng na isang mayordoma niya mula sa pamamahay ng kanyang ama.
Oh right, isa pa ‘yon. Simula nang naikasal kami, palagi na lang mainitin ang ulo. “Nay, busog pa po ako,” pagrara-rason niya sa matanda.
“Oh siya sige, kapag nagugutom ka sabihan mo lang ako at ipaghahanda kita,” ani ng matanda sa kanya.
Tumango lang siya at umalis na rin ang matandang si Edeng upang ipagpatuloy ang gawain. Kung sana buhay lang ang mommy niya ay hindi sana ganito kagulo ang magiging buhay niya, at kung sana hindi na naghahanap pa ng ibang babae ang kanyang ama, nakikita sana nito ang kanyang halaga. Ang buong akala kasi ng kanyang ama, kung papakasalan niya si Laurence ay mas magiging maayos ang kanyang buhay, ngunit lingid sa kaalaman nito na mas magiging miserable pa ang buhay niya sa kamay ni Laurence—lalo na’t alam niyang merong namamagitan sa kanyang kapatid at sa asawa niya. Bumuntong hininga muna siya bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad patungo sa kanyang silid. Kung hindi siya sa sala nagmumukmok ay sa kanyang kwarto naman; wala rin naman kasi siyang ginagawa buong araw kundi tumunganga. Buong hapon siyang nasa loob lang ng kanyang silid at hinihintay ang kanyang asawa na makauwi. Kahit naman alam niya ang mga nangyayari ay hindi niya na lang iniisip ang lahat dahil pati rin siya ay nagkasala rin naman, at sa mismong honeymoon pa nila. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Laurence kapag nalaman nitong hindi na siya virgin? Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga siya at nagpasya na tatambay na naman sa balcony nang may kumatok sa kanyang pintuan.
“Anak, lumabas ka na diyan! Nandito na ang asawa mo!” sigaw ng matanda.
Kaagad nakuha ang atensyon niya sa sigaw ng mayordoma. Mabilis siyang tumakbo patungo sa pintuan upang tignan. “Talaga po, Nay? Nandito na si Laurence?” masayang tanong niya.
Ngunit pagkakita niya sa mukha ng matanda ay nakitaan niya ito ng pagkadismaya. “N-nay, bakit po ganyan ang reaksyon mo?” kinakabahan na tanong niya rito.
Huminga ng malalim ang matanda bago nagsalita. “As usual, anak,” may bahid na lungkot ang boses ng kanyang ina-inahan. Ang kaninang masaya niyang nararamdaman ay biglang naglaho lahat, dahil alam niya ang ibig sabihin ng mayordoma. Bumagsak ang kanyang mga balikat at walang buhay na naglakad pababa. Hindi na rin siya nag-abala pang mag-ayos ng sarili dahil wala namang silbi.
Para saan pa na mag-ayos siya kung ang nakikita lang ng asawa niya ay ang nakababatang kapatid niya?
“Oh hi! Big sister, how are you?” maarte nitong tanong sa kanya.
Agad naman siyang napangiwi dahil sa narinig mula sa kanyang kapatid. “I'm okay, Karina. As you can see, humihinga pa naman ako.” Ngumiti siya nang peke dahil baka maging away na naman nila ito ni Laurence. Kahit naman talaga na mali ng kanyang kapatid ay mali niya pa rin ang paningin ng kanyang asawa sa kanya.
“I'm here to tell you that your father is dead,” wika nito na parang wala lang.
P-paano niya nasabi ang ganyang bagay na parang wala lang sa kanya si Dad? Naging paborito siya ni Daddy at binalewala ako ng sarili kong ama para lang magampanan ang pagiging ama nito sa mag-ina na 'yon, tapos ganyan lang ang i-react niya? Parang wala lang? Okay lang na patay na ang tao? “H-how can you say that like you didn't care about our dad, Karina?!” malakas na sigaw niya sa kapatid at sinundan niya pa ito ng sampal na nagpa-alarma kay Laurence. Hindi niya na kayang magpigil sa kapatid at walang habag na sinampal iyon habang hinihingal dahil sa galit na nararamdaman niya.
“How dare you slap her, Zafierra!” Dumagundong na sigaw ni Laurence habang niyakap ang babae.
“W-why? Bakit hindi ko siya pwedeng sampalin?! Matapos nilang kunin ang ama ko ay ganyan lang ang i-react niya matapos mawala ang tao? Seriously, Laurence? Kakampihan mo siya kaysa sa asawa mo?!” Malakas na sigaw niya habang tinuturo pa ang mukha ng kapatid niya.
“Wala akong pakialam sa'yo! Kung hindi lang dahil sa pakiusap at deal ng ama mo, sana si Karina ang pinakasalan ko!” Malakas din na sigaw pabalik ni Laurence sa kanya kasabay niyon ay isang malakas na sampal.
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa lalaking minsan niya nang minahal habang nakahawak sa isang pisngi na ramdam niyang namamanhid ito dulot sa malakas na pagsampal.
Akala ko pa naman noon na pinakasalan niya ako dahil minahal niya ako. ‘Yon pala ay may kasunduan palang nagaganap. What’s a nice acting, Lau.
“K-kung mahal mo naman pala ang kapatid ko, sana ay hindi ka pumayag kay Dad! Hindi ka pinanganak na pipi, Laurence Collin! Pwede ka namang tumanggi sa alok ng ama ko!” Malakas ulit na sigaw niya sa mukha ni Laurence at mabilis na tumalikod upang makabalik sa sariling silid niya.
Pagpasok niya ay dumeretso kaagad siya sa kama at doon na umiyak ng umiyak. I hate you, Dad! I hate you! Kung sana naniwala ka sa akin noon, masaya sana tayong namumuhay ngayon. Pero s-shît, you leave me alone! Mas inuna mo pa ang pésténg mag-inang ‘yon. Pinabayaan mo ang sarili mong anak na tunay na may malasakit at pagmamahal sa’yo. Ngayon na wala ka na, mas dumoble ang paghihirap ko dito sa mundo.
N-nawala na nga si Mommy, pati ba naman ikaw? Bakit niyo naman ako iniwan? Kailangan ko kayo eh, pero eto iniwan niyo na ako. Hindi ko na kayo mayayakap pa.
Patuloy na umiyak siya sa loob ng kwarto nito, habang ang kanyang asawa ay patuloy pa rin na ina-alo ang kanyang kapatid na umiiyak pa rin hanggang ngayon.
Ilang oras na nanatili siya sa kanyang silid at nababahala na ang matandang si Edeng.
“Excuse me sir, ipaghanda ko na ba ng mga damit si Ma'am para makaalis na patungo sa lamay ng kanyang ama?” magalang na wika ng matanda.
Mabilis nag-landing ang masamang tingin ni Karina sa matanda dahil sa pang-iistorbo nito. “Sige po, manang,” sagot ni Laurence sa matanda.
Tumango na lamang ang matanda bago nagsimula na naglakad papunta sa silid ng babaeng amo. “Anak Zafierra, buksan mo ito!” Sigaw ng matanda mula sa labas ng silid ni Zaf. Ilang sandali lang naman ay agad bumukas ang pinto at tumambad sa matanda ang mukha ng kanyang amo na pulang-pula at dugyot dahil sa pag-iyak nito.
“Manang, bakit po?” napapaos na tanong niya sa matanda.
Huminga ng malalim ang matanda dahil nakaramdam ito ng awa sa amo. “Anak, magbihis ka at ako ang bahalang mag-impake ng mga gamit mo. Baka isasabay ka ni Laurence sa pag-alis ngayon upang makadalo ka sa lamay ng daddy mo,” malumanay na saad ng matanda sa kanya.
Agad napangiwi ang mukha niya nang matapos nitong marinig ang sinabi ng matanda. “Sana lang kumuha siya ng driver para hindi kami magkasabay ng impakta na ‘yon,” may halong gigil na wika niya sa harapan ng matanda.
Malungkot na bumuntong hininga ang matanda dahil sa nakita nito sa mukha niya. “Anak, kapag nasa iisang sasakyan lang kayo ng kapatid mong si Karina, huwag mo na lang siyang pansinin. Naiintindihan ko naman ang hinanakit mo pero please, respetuhin natin ang lamay ng ama mo. Alam kong hindi naging perpektong ama si Zandro sa’yo, pero sa huling hantungan niya ay baka pwede nating iparamdam na ayos lang na pumanaw na siya upang makapag pahinga siya ng maayos. Maaari ba iyan, anak?”
Lumuluhang tumatango siya at agad na yumakap sa matanda. “Thank you for being with me, Nanay. Ikaw na lang po ang kakampi ko ngayon,” umiiyak na ani niya sa matanda.
Agad namang tinapik-tapik ng matanda ang balikat niya bago ito nagsalita. “Oh siya sige na, magbihis ka na at ako'y mag-iimpake ng gamit mo.”
Agad naman siyang tumango at tinungo ang isang aparador upang kumuha ng damit at towel para makaligo na, at baka sigawan na naman siya ng asawa dahil sa bagal ng kilos, lalo na’t nandito ang pabida-bida niyang kapatid.