PAROO’T PARITO ang lakad ni Sirak sa loob ng kaniyang kuwarto. Ewan ba sa sarili niya kung bakit biglang nag-iba ang kaniyang pakiramdam kanina habang magkausap sila ng Doña Cattleya. Kakaiba ang kabog ng kaniyang puso at hindi na nawala sa kaniyang isipan ang kaniyang asawa. Kanina nang makita niyang nahulog sa sahig ang picture nila ni Uran, kaagad na tinawagan ng Doña Cattleya ang kaniyang asawa. Pero hindi naman ito sumasagot sa kabilang linya, kaya ang tinawagan ng doña ay ang secretary nitong si Makoy. At ang sabi naman ay kaaalis lang daw ni Uran sa opisina nito. Gusto niyang ikalma ang kaniyang sarili, ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso, pero hindi niya naman magawa. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at naglakad palapit sa bedside table at kinuha roon ang ba

