" Talagang parang totoong magkarelasyon na kayong dalawa ni Raphael, Kiko! " komento ni Fern habang nagpupunas kami ng mesa dito sa coffee shop. " Totoong magkarelasyon na naman kami, ah! " sabi ko sa kanya. " Sabagay, sa bahay niyo siya nagpasko at nagbagong taon at parang lumipat na rin si Kiko ng bahay kasi palagi siyang nandoon. Madalang ka na ring pumasok kasi palaging nandyan si Raphael at pinapatigil ka niyang magtrabaho, " sabi pa ni Fern sa akin. " Bakit kasi pumapasok ka pa? Kung tutuosin, hindi ka na dapat nagtatrabaho kasi ang yaman yaman ng boyfriend mo! " tanong pa niya. " Siya lang naman ang mayaman, Fern. Ako mahirap at kailangan kong itaguyod ang pag-aaral ko at ilang gastusin sa bahay lalo na at hindi makapagkalakal si papa, " sabi ko sa kanya. " Bakit hindi ka

