" Sige Kiko, sasabihin ko kay papa at baka matulungan ka namin kahit maliit lang, " narinig kong sambit ni Alfred mula sa kabilang linya. " Salamat, Alfred! Huwag kang mag-alala at babayaran ko rin ang kabutihan mo sa akin, " sabi ko sa kanya. " Walang anuman iyon, Kiko. Magkaibigan tayo kaya dapat ay nagtutulungan, hindi ba? " sabi niya na siyang nagpangiti sa akin. Nang matapos akong humingi ng tulong kay Alfred ay pinatay ko na ang tawag. Nagising na si mama pero hindi pa siya pwedeng umuwi dahil may mga test pa na gagawin sa kanya para masigurado na walang deperensya ang kanyang ulo dahil sa pagkakahataw ng metal sa kanyang ulo. Pumasok ako ng kwarto ni mama at nadatnan ko silang nag-uusap ni papa. Pilit akong ngumiti at linapitan sila. " Bakit pa kailangan akong itest? Ok na

