" Pwede bang bitawan mo ang kamay ko! " sigaw kong sambit sa kanya. " Ayaw ko nga, " pagtanggi niya naman. Pilit kong binabawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya.Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya na magkasugpong ang aming mga mapalad. " Bakit pa kasi sinundo mo ako sa bahay? Kaya ko namang pumasok mag-isa, ah! " tanong ko pa sa kanya. " Syempre, 'di ba kapag karelasyon mo isang tao ay susunduin at ihahatid mo siya sa bahay nila? Ganoon ang gagawin ko ngayon dahil akin ka na at sa iyo na ako, " nakangisi niyang sagot sa akin. Tinitigan ko siya ng masama, " Hindi ako sanay sa ganito, Raphael at kapag may makakakita sa atin, baka kung ano ang isipin nila! " sabi ko sa kanya. Hindi siya natinag sa masama kong tingin

