Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, naging normal ang aking buhay. Noong isang araw lang ay lumabas na si papa sa hospital. Gaya ng sinabi ni Raphael, siya ang nagbayad sa lahat ng bills ni papa sa hospital at nag-abot din siya para sa therapy niya. Pero kapalit nun ay ang pagtatrabaho ko sa kanya na na hindi na niya ako babayaran. Ok na rin iyon altleast, nabawasan ang pasanin ko sa aking likuran. Kaya ko naman na pagtrabahoan ang ibinigay ni Raphael kaya wala akong magagawa kundi ang tuparin kung ano ang pinag-usapan namin. Parang naging normal lang naman para sa akin ang lahat, papasok sa aking mga klase, pagkatapos ay pupunta sa Mythic Building at sa bahay ni Raphael para maglinis, at papasok sa coffee shop sa gabi. Hindi ko na ipinagpatuloy ang paghuhugas sa karinderya ayon na

