Pagmulat ko ng aking mga mata, tumambad sa akin ang madilim na paligid. Medyo nahihilo pa ako kaya inudjust ko na muna ang aking sarili. Pagkatapos ay iginala ko ang aking paningin sa lugar. May ilaw lang na nakatapat sa akin kaya medyo nakikita ko kung ano itong kinalalagyan ko. Maraming mga sirang upuan dito sa lugar, mga kahoy at kung ano ano pa. Napatingin naman ako sas aking kinauupan at doon nakita kong nakatali ang aking mga paa at kamay! Nakakaramdam na ako ng takot dahil sa aking position ngayon kaya hindi ko maiwasan ang mapasigaw. " Tulong!! " paulit ulit kong sigaw nagbabasakaling may makaranig sa akin. Ilang saglit pa ay may pumasok sa silid na aking kinalalagyan. Tatlong kalalakihan ang nakita kong nakangising palapit sa akin. Pinanlisikan ko sila ng aking mga mata.

