Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Marami akong mga taong nakikita at halata sa kanilang mga itsura, sa kanilang damit at sa kanilag kilos kung anong klaseng buhay meron sila. Nasa likod lang ako nina Felix, Jerry, Kian at Shane na nananahimik. Iniikiot ko lang ang aking paningin sa buong lugar kahit na nakikipag-usap sila kung sino sinong mga tao na lumalapit sa kanila. Sa pagkakaalam ko, ito yata ang pinakamalaki at pinakamahal na hotel dito sa amin. Isa rin kasi ito sa pinupuntahan ng mga artista, mga pulitiko at mga businessman kapag gusto nilang makapagrelax mula sa trabaho. Uminom ako ng wine na kinuha ko kanina sa mga waiter na naglilibot. " Huwag kang kabahan, relax ka lang, Kiko! " narinig kong bulong sa akin ni Felix. Nginitian ko siya at tumango

