Tatlong araw na kaming buong pamilya dito sa hospital at ngayon, ang problema ko na naman ang magiging bills namin dito. Noong una ay si papa ang na-hit and run, sumunod si mama na natamaan ang kanyang ulo at ngayon, tatlo na kami. Lahat ng ito ay dahil sa ama ni Raphael na si Richard Koch! Sa mga nakalipas na mga araw din ay nakatanggap ako ng mensahe kay Felix na nagsasabing hindi niya kami matutulungan ngayon dahil natatakot ang pamilya nila kay Richard Koch. Si Alfred naman ay hindi pa nakakabangon mula sa pagkakasunog ng kanilang negosyo na laundry shop kaya wala siyang maitutulong ngayon. Naiintindihan ko naman sila at tanggap ko iyon. Ayaw ko rin naman idamay ang mga taong malalapit sa akin kaya inintindi ko na lang. Ang tanong, sino ngayon ang aasahan namin na tutulong? " S
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


