Chapter 7
Shayphan's
“Phannie, ano ba? Bumangon ka na diyan, di na kita hahayaan pang umabsent na naman sa klase mo. Alam mo bang two consecutives absent na ang nagagawa mo sa ilan sa mga major subjects mo? Urghf!”
“Five minutes” bulong ko habang tila hirap na hirap akong ibuka yung mga mata ko.
“Friend naman, maligo ka na. Sabay na din tayong pumasok”
Naiiritang pinilit ko na lang na bumangon at saka mabilis na tumayo sa kama. Napasobra siguro yung impact o yung force ng ginawa kong pagtayo dahil paglapat ng mga paa ko sa sahig ng kuwarto ko ay parang biglang umikot yung mundo ko at napaupo na naman ako sa kama.
“Are you okay, Phannie?” napahawak tuloy sa braso ko si Pichie kasi akala ata niya tutumba ako, well oo nga pero sa kama naman ako napaupo.
“I’m fine” tiningnan ko na lang yung hitsura ni Pichie, bihis na pala ito at mukang ready ng pumasok. Malamang na napadaan na naman siya sa condo ko kaya napag desisyunan na ding sunduin ako.
Tama siya, two days na akong absent sa school. Tinatamad kasi akong pumasok, tinatamad akong bumangon sa umaga, tinatamad na nga rin akong kumain eh! Basta nakakatamad talaga, lalo na sa tuwing iniisip ko kung bakit ba kailangan ko pang mag-aral samantalang makapagtapos man ako o hindi eh, mapapalago ko pa din yung resort ko.
Pero sayang nga din kasi ilang buwan na lang din naman at ga-graduate na kami.
“M-maliligo lang muna ako Pichie, saglit lang ito”
Tumango na lang si Pichie at saka lumabas ng kuwarto ko.
Pumasok ako sa banyo at saka naligo, quick shower lang ang ginawa ko dahil baka mainip na si Pichie. Nakakahiya na talaga sa best friend kong iyon.
Isang micro mini short kaagad ang nabungaran ko sa closet ko kaya yung na lang ang hinatak ko at isinuot, tinernuhan ko na lang iyon ng see-through na long sleeve may tube naman ako na pangloob kaya ayos lang na ito ang suotin ko. Kaso medyo kita ata yung tummy ko kasi ang ikli lang nung tube, pero ayos na din kasi nga di masyado maaaninag ng malinaw yun dahil sa design ng damit ko.
Nag foundation lang ako at saka nag lagay ng red lipstick, hindi ko na din sinuklay yung buhok ko. Yung kamay ko na lang ang ipinangsuklay ko para medyo maangas tingnan. Pag lapit ko sa door ay hinatak ko sa shoe rack yung red stiletto ko.
Bakit parang tinatamad nanaman ako pumasok?! Ang hirap talaga pag walang inspiration, nakakasawa na din.
Pag labas ko ng living room ay nasa dining table si Piichie at kumakain ng fried egg, pinapalaman niya yung sa tasty bread. Eeww, kahit kailan talaga I hate egg. Except to Garteh’s eg—.
BASTOS!
Ang utak hane?
“Pichie! Let’s go at baka ma late ka pa sa klase mo”
“At talagang ako lang ang iniisip mong malelate nuh? Samantalang ikaw di mo man lang inaayos yang pag-aaral mo” sabi niya at saka hinatak yung shoulder bag niya.
“Ganun kita kamahal”
“Aysows!”
Pagdating sa parking lot ay inihagis ko na lang basta-basta yung bag ko sa back seat at saka pinaharurot iyon ng mas mabilis pa sa karaniwang pag dadrive ko.
“Mare, mahal ko pa buhay ko. Pwede naman bagalan di ba?”
Hindi ko pinansin si Pichie at sa halip ay ipinag patuloy ko lang yung pagmamaneho ko.
Pag dating sa high-way kung saan liliko ka sa kanan para makarating sa eskwelahan ay may isang red car akong namataan na nasa gawing unahan namin ni Pichie. Oww.. I know that car.
Kay Gareth yan, kabisado ko yung kotse niya.
Mas pinabilisan ko pa yung takbo ng kotse para makaungos kina Gareth, nung nagkatapat na yung kotse namin ay bigla na lang akong nainis dahil hindi ko makita yung driver sa loob. Tinted kasi pareho yung mga kotse namin. Mas binilisan ko na lang at saka ako humarang sa kotse nila, narinig ko pa nung bumusina si Gareth dahil sa biglaang pagsulpot ng kotse ko sa harap ng kotse nito.
“Phannie, what the hell are you doing? Kotse ni GARETH IYON DI BA? HETO NA BA YUNG NAISIP MONG WAY PARA MAGPAPANSIN SA ULTIMATE CRUSH MONG IYON?”
“Wag ka ngang sumigaw, Pichie. Relax, matutuwa ka dito promise”
“Friend! Pag ako namatay ng dahil sa katarantaduhan mo, I swear dadalawin talaga kita”
“Sure”
Nung mapansin ko na medyo naghintuan yung mga kotse sa harap ko dahil traffic na naman siguro ay bigla ko na lang inihinto yung car without letting him know that I am going to stop. Napatingin ako sa rear view mirror sa harap ko at saka napangiti ng makita kong pabalibag na binuksan ni Gareth yung kotse niya at saka kinatok yung windshield ng kotse ko.
“Phannie, patay ka niyan ngayon”
Wala na akong inaksayang oras at mabilis din akong bumaba ng kotse ko. AT MATAPANG NA HINARAP ANG LALAKING ITO, PERO SI Pichie nanatili lang sa loob ng car.
“Hey! Mag papakamatay ka na ba? at kung may balak ka nga, pwes wag kang mandamay ng tao‼”
“Ow, can you calm down for a while Gareth? Nakakahiya ka kasi sa mga motorista” nakangising sabi ko dito sa tono na tila nangangasar pa.
“Phannie! Pwede ba hindi ka na nakakatuwa pa! kapag hindi mo pa ako tinigilan ay tiyak na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo‼”
“Like what? Hmm… are you going to hurt me?” kunwari medyo surprised na tanong ko sa kanya.
“Mas masahol pa dun‼”
Tapos nakita kong bumaba na din yung girlfriend niyang walang wala naman sa kutis ko pa lang.
“Gareth, tama na iyan” lumapit pa talaga si bruha kay Gareth at saka hinawakan ang kamay nito.
Nasaktan na naman ako dun huh!
“Go back to the car Shaine, may gusto lang akong ipaintindi sa babaeng ito”
Nagpantig yung tenga ko dun kaya naiinis na binuksan ko na lang yung pinto ng kotse ko at akmang papasok na lang dun dahil nahihirapan akong makita silang dalawa sa ganito kalapitan. Nadudurog yung puso ko, habang tumitindi yung inis at galit ko. He should treat me nice, you know! But what! Tinatrato lang niya ako na parang isang malaking hadlang sa pagmamahalan nila ng babeng iyan!
“Where are you going Phannie?! After what you did ay bigla ka na lang tatalikod at aalis?” naka smirked na sabi niya sa akin.
“Ganun na nga siguro” puno ng sarkastiko na sabi ko sa kanya.
Pero bago ko pa maisara yung kotse ko ay napatingin muna ako kay Shaine at saka ito naman ang binalingan ko.
“Ow, Shaine. Kamusta nga pala yung halik ni Aki? Does it taste good? Mukang ikaw ang trending sa school” at saka ko binalibag pasara yung pinto ng kotse ko at saka iyon pinaharurot palayo.
Di ko alam kung bakit ko biglang nasabi ang bagay na iyon lalo pa at narinig ko lang naman iyon sa mga nag chi-chismisang babae. Pero nasabi ko na kaya di ko na siyempre pwede pang bawiin yun! Ayy.. ang daldal ko kasi…
“P-phannie, is that true? Nakikipag halikan talaga si Shaine sa ka team-mate ni Gareth na si Aki?” maang na tanong ni Pichie nung medyo malapit na kami sa school.
Nag kibit-balikat na lang ako at saka ipinarada yung kotse ko sa favorite parking space ko.
Nag lalakad na kami papunta sa room namin pero si Pichie mukang di pa rin maka move on sa behavior ko, sabagay first time niyang makita na nag usap kami ni Gareth at sa ganung paraan pa. Kaya di na ako nag tataka pa.
Nung napatapat na kami sa room ni Pichie ay naka tanga pa rin ito na parang susunod pa ata sa pag lalakad ko. Itinulak ko na lang tuloy siya ng marahan papasok sa loob ng room at saka kumaway dito. Siya naman mukang natauhan na din.
Nung ako naman ang mapatapat sa room ko ay bigla na naman akong inatake ng katamaran, imbes ay dun ako sa cafeteria pumasok at saka bumili ng sandamukal na pagkain. Nagugutom ako, mukang ginutom ako sa engkwentro namin nila Gareth kanina.
Pag daan ko sa isang table ay may nakita akong lalaki na nakatungo sa table. Umupo ako sa katapat niyon at saka ko malakas na ibinalibag yung tray na naglalaman ng pagkain ko.
“Urghf! Istorbo!” nakakunot noo akong sinulyapan ni Carl, at mukang nagulat pa siya na ako pala yung istorbo na sinasabi niya.
“What are you doing here, Carl? You’re supposed to be in you first class and not here in the cafeteria while sleeping” sabi ko na lang at saka ko kinagat yung apple ko.
“A-absent kasi yung prof namin, pati napuyat ako kagabi kakagawa na
aman ng plates ko kaya dito ako bumabawi ng tulog ngayon”
“Oh, mabuti naman kung ganun, sige matulog ka lang diyan at babantayan kita”
Napangiti naman si loko at saka nag blush. Aww, sooo cute…
“Nag ba-blush ka Carl, crush mo pa din ako nuh?”
Natawa na lang ako nung bigla ulit siyang tumungo.
Aww...
“Wag mo nga akong pag tripan, Phannie. Ang aga-aga pa” naririnig kong bulong niya habang nakatungo.
Nakakatuwa naman kasi talaga siya.
“Carl, carl!” napabangon ulit yung ulo niya nung tawagin ko siya, pagbangon niya ay agad kong sinalampak sa bibig nya yung isa ko pang apple, ewan para kasing trip ko na makita siyang kumakain ng mansanas.
“Phannie!” reklamo niya pero kinain din naman yung apple.
“ Sabi nga nila, an apple a day can keeps the doctor away”
“But it’s too expensive so let’s just shoo the doctor away instead. Mura na, libre pa”
Natawa naman ako dun, sira ulo talaga.
“Fine! pano mo naman i-shoshoo si Doctor pag nag kataon?”
“Ahmm, sigaw ka nga GO AWAY! GO AWAY! AND DON’T DARE TO TOUCH ME” umarte pa siyang parang bakla na gagahasain.
Napahagalpak na naman ako ng tawa dahil dun..
“Alam mo Phannie, naninibago ako sa iyo. Anong nakain mo?”
“Huh? Muka bang may bago sa akin?”
“Medyo tumataba ka din, pero kaunti lang at mas cute kang tingnan dahil dun”
“A-ako tumataba?” napansin ko nga din na lumalapad yung balakang ko, ang sexy ko tuloy tingnan! Hahahahha…
“Aww, napapansin ko nga na mas sexy ako ngayon eh”
“Tama ka”
Napa ngisi ako sa sagot nito. Nakikisang ayon halatang may hidden desire pa din sa akin ang isang ito. But come to think of it, much sexier much better. Nang makita ni Gareth kung gaano ako kalamang sa Shaine na iyon.
Pagtayo ko para sana bumili nanaman ng pagkain kahit hindi ko pa nauubos yung sandamakmak na pagkain sa harap ko ay biglang parang umikot nanaman yung mundo ko at saka ako natumba, pero mabuti na lang at mabilis si Carl dahil agad niya akong nasalo.
“Are you okay, Phannie? Dadalhin na kita sa doctor kung gusto mo”
Napatango na lang ako at di ko alam kung bakit ako tumango samantalang baka exage lang talaga yung hilo na to. Binuhat ako ni Carl na saglit ko lang ikinagulat, tapos ibinaon ko na lang yung muka ko sa leeg niya at saka kumapit sa batok nito.
Naririnig ko pa yung mga bulungan ng mga estudyante na nadadaanan namin papunta sa parking lot.
“Ayy, si Carl ba iyan pati yung taga HRM na si Shaypahn? Ang sweet nila”
“Siya nga ata”
“Kaiinggit sana ako na lang yung girl!”
“Mag jowa kaya sila?”
“Ay, may sakit ba yung girl at di makalakad?”
“Baka naman nag lalambing lang”
“So sweet tingnan parang kami lang nung bf ko”
“Ay kala ko break na kayo? Di ba nasulot na sayo yun”
“Oh s**t, i hate you!”
Nabaling kay Carl bigla yung focused ko nung maramdaman ko na isinakay niya ako sa kotse niya, ang bango naman ng loob nito, parang si Carl lang. I can smell his scent in every corner of his car.
Nag drive kaagad siya at saka ako ulit binuhat pagdating sa hospital. Ilang test at tanong din ang ginawa sa akin ni Doc Saniega bago niya nalaman yung dahilan ng pagkahilo at ek-ek ko.
“Congratulations Ms. Cheng because you’re three weeks on the way”
On the way? What’s that?
Napatingin ako kay Carl na mukang hihimatayin pa ata sa tinuran ng doktor.
Ano ba iyon?!