Chapter 41 Shayphan's It's eight in the evening, tulog na tulog na din si Grapes. Labag man sa loob ko ay iniwan ko muna siya sa kuwarto niya ng mag-isa. Kasalukuyan akong pababa ng building para i-meet ang isang tao na medyo matagal ko na rin palang tinatakasan. Tinawagan niya ako kanina para makiusap na magkita kami ngayon, at ngayon nga ay nasa ibaba na siya at hinihintay ako. Hindi ko mapigilan yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung para saan pa ang pag-uusap na ito. Pero sa loob loob ko ay wala na akong makapang galit para sa binata, pride ko lang nga siguro yung nasaktan nung nakita ko siyang may ka ulayaw na ibang babae. Unfair man sabihin pero walang sinuman talaga ang nakapantay ng pagmamahal ko kay Gareth, tanging siya at siya lang ang minahal ko sa kakaibang paraan

