Hindi akalain ni Khrystal na uso pa sa panahon niya ang fixed marriaged.
Pero noong 18th Birthday niya taong June 16, 2000 kung saan ang mga bisita nila ay ilang malapit sa kanya at sa daddy niya ay bigla na lang itong nag-announce sa gitna ng kasiyahan na siya ay magpapakasal sa isang mayamang negosyante na nagngangalang John Rancel Montecillo.
Bilang isang mabait at masunuring anak nito ay hindi siya tumutol sa ginawa ng ama dahil simula noong bata pa lang siya ay wala siyang ginusto na hindi nito binigay.
Ang pinagtataka lang niya ay kung bakit sa lalaking iyon siya gustong ipakasal ng kanyang ama samantalang isang buwan pa lang naman ito magkakilala.
Hanggang sa magsama na silang dalawa ni John sa iisang bubong kung saan nakita na niya ang totoong ugali na mayroon ang kanyang asawa.
"Ang pag-aasawa ay hindi isang biro, na kapag ayaw mo na ay basta-basta mo na lang itong maisusuka."