Heres the next update !
.
.
Sobrang galit ang nararamdaman ni Karl ng mga sandaling iyon. Hindi niya malaman at matukoy kung sino ang kumuha kay Ace naguguluhan siya sumasakit na naman ang ulo niya sa sobrang pag iisip .
pero isa lang ang nasisiguro niya nasa panganib ang kanyang anak at kailangan nya itong Iligtas dahil baka kung ano pa ang gawin ng babaeng iyon sa kanyang anak at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili once na may masama ngang mangyare dito.
.
.
Sumapit na ang gabi at patuloy parin siya sa pag iisip ng kung ano ang mga magiging hakbang niya bago puntahan ang lugar kung saan itinago ang kanyang anak .. Nalulungkot siya para sa kalagayan ng kanyang anak at nalulungkot din siya para sa kanyang asawa na si Kate dahil alam niyang sobra sobra narin siyang nasasaktan at nahihirapan tinatatagan nalang nila ang kanilang kalooban para sa kanilang anak .
Napagpasiyahan ni Carl na wag ng ipaalam pa
sa kanyang asawa ang tungkol sa tawag na natanggap niya kaninang umaga at sa babaeng nakausap niya..! Ayaw na niya kasing mag alala pa ito lalo at baka hindi na niya kayanin ang sitwasyon lalo na kapag nalaman niyang nasa masasamang kamay ang kanilang anak..
may naisip na kase siyang mga hakbang at kung sakali man na ipaalam nito ang patungkol doon ay siguradong sasama at sasama siya na ayaw naman niyang mangyare at baka kung ano pang gawin nito na maaari niyang ikapahamak o maaaring ikasira ng kanyang plano ..
Lumipas ang dalawang araw bago ang itinakdang araw ng pagpunta niya sa lugar na binanggit sakanya ng babae at sa dalawang araw na iyon mas sumakit lalo ang kanyang ulo dahil sa patuloy parin itong bumabagabang sa kanyang isipan.
Bukas na ang araw na sinabi ng babaeng tumawag sakanya ..
at muli kinailangan niyang planuhin ng mabuti ang kanyang mga hakbang at kung paano niya makukuha ang kanyang anak mula sa babaeng iyon!! Dahil sa pananalita pa lang nito ay wala na siyang tiwala na madadaan niya ito sa santong dasalan kaya dapat mas tatagan niya ang kanyang loob upang magtagumpay siya sa kanyang plano . !!!
.
.
*Kinabukasan*
.
.
Gumising ng maaga si Karl para pag isipan kung talaga bang pupuntahan niya ang lugar na iyon dahil sumagi sakanyang isipan na baka isa lang itong patibong o di kaya'y prank lang ...pero kahit ano pa man iyon ay ninais parin niya itong puntahan . Sinadya niyang wag nang hintayin na magising pa si Kate dahil baka magtanung pa ito ng kung ano ano at magpilit pang sumama sa lakad niya .
.
.
nagluto mona siya nang almusal dahil nakaramdam siya ng gutom at panghihina pero minadali niya lang ang pagkain dahil baka magising na si Kate anumang oras once na mamalayan niya itong wala sa kanilang higaan kaya naman ng matapos na siyang kumain ay naligo na ito. Nang makapagbihis na siya ay agad siyang lumabas at kinuha sa garahe ang kanyang kotse at pinaharurot ito paalis .
Lingid sa kanyang kaalaman kanina pa siya pinagmamasdan ni Kate nagtataka ito sa mga kinikilos ni Karl kahapon pa..kaya nagpanggap itong natutulog at pakiramdaman ang bawat kilos niya ..
Nang makaalis si Karl ay dali dali rin siyang nag ayos hindi na siya nag abala pang kumain kahit na kumakalam ang kanyang sikmura dahil sa kahapon pa ito walang laman kaya nanghihina rin siya ..
sumunod na nga itong umalis at sumakay siya sa isang taxi ,pinasundan niya ang sasakyan ni Karl sa taxi na sinakyan niya...
Gulong gulo man si Kate sa mga kinikilos ni Karl ay sinundan padin nila ito at nagtataka siya ng pumasok ang sasakyan ni Karl sa isang magubat na daan. Walang kabahay bahay dito.. sobrang liblib at medyo nakakaramdam din siya ng takot ..kung tutuusin maraming daanan ang pwede mong tahakin papunta sa kung saan man ang destinasyon nito pero kapag maglalakad ka siguro dito ay tiyak na dimo na alam ang daan pabalik ..
.
.
( * Karl Pov* .)
.
Habang nagmamaneho ako napapansin ko na may kanina pang nakasunod saakin na taxi..
Pero diko nalang inisip kong sino pa iyon dahil ang tanging naiisip ko lang ay ang mapuntahan ang lugar na sinabi saakin ng babae at mailigtas ang anak ko mula sa mga kamay nito ..
.
.
.
T.B.C