“A-ano ang pag-uusapan natin?” Nakakakaba ito, ah! Ano ba ang pag-uusapan naming dalawa? Malamig ang room, pero dahil sa ginagawa nitong pagpapakaba sa akin ni Samiel, ay natatabunan iyon ng init. Napapasma na ang palad ko sa kakaisip. Ayaw niya pa rin magsalita! “Samiel…” tawag ko muli sa pangalan niya, nang inayos niya ang kaniyang pagtayo. “Next month is our wedding.” Ayun lang pala ang sasabihin niya, langya! Tinago ko ang kilig sa aking labi, dahil alam ko naman na hindi rin ako tututol sa gusto niya. Of course, kailangan ko mag-drama! “Ha?! Ang aga naman!” Syempre, best actress tayo, bhie! “Then don’t marry me—” “Joke lang! Gusto mo bukas agad, e!” Tulak ko pa sa kaniyang dibdib, pero seryoso ang mukha nito. Tinikom ko na lang ang bibig ko—hindi na rin alam kung ano ang

